>MABELL'S POV<
After 2 days. Nalaman namin na nagkabalikan na si Jubail at Ranz. Gulat nga kami eh, pero hinayaan nalang namin sila kung san sila masaya.
Pero itong si Owy napapansin ko di na sila ganung nagpapansinan ni Jubail? Haays! Bahala na nga sila puro nalang problema.
Kami ni Love di na kami ganung nagkikita busy daw siya. Ewan ko ba, nawawalan na siya ng time sakin. Iniintindi ko naman yun, dahil ayaw ko mag away kami.
Nung Monthsary nga namin magde date dapat kami, mag e EK. Inintay ko sya sa V-pas, 5pm yun. Nag intay ako hanggang 8pm ako nag intay walang Oliver na dumating. Kundi ko pa siya tinext nun nakalimutan na niya ko.
Sabi niya nawala daw sa isip niya nun. Sorry pa siya ng sorry. Di daw siya nakapunta kasi busy sila sa pagpractice ng band nila! Naiyak ako nun, tapos umuwi nalang. Sabi ko nalang okay lang yun naintindihan ko.
Sabi niya babawi nalang siya next time. Syempre nagtampo ako nun pero di ko nalang pinahalata.
Tapos nag set siya ulit ng date namin nung Saturday. Pupunta dapat kami ng MOA mag skating kami. Sabi ko dun kami magkita sa Park. Nauna ko pumunta dun, 11am yun. Di pa ko naglalunch. Nag intay na naman ako ng 3 hours wala nanamang Oliver na dumating. Tumawag siya ng 2:35pm sabi cancel nalang daw yung date namin kasi daw nasira yung drums nila kaya kailangan bumili sila. Nagsorry nanaman siya, pinalagpas ko ulit yun. Umuwi nalang ako ng bahay nun malungkot.
Naisip ko busy nga siguro talaga siya kasi siya yung pinaka leader ng band nila kaya inintindi ko nalang. Sana lang wag ng maulit yun kasi nakakaiyak.
Eto ako ngayon nakabihis ulit totoo na 'to matutuloy na talaga yung date namin ni Love! Magsshopping kami tapos may pupuntahan daw kami ulit secret daw yun.
Excited na nga ako eh, kasi ngayon nalang ulit kami magde date ni Love. Namimiss ko na yung mokong na yun!
By the way, susunduin niya ko dito. Kanina pang 1pm ako nagkabihis pero late na sya ng 1hour dahil 2pm na. Naiiyak na naman ako, pero hindi! Dadating si Love nagpromise siya sakin! Kaya hindi niya ko bibiguin. Baka nandyan na yun natraffic lang!
Kumuha ako ng tubig sa ref dahil uhaw na ko. Pagkatapos humarap ako sa salamin nagretouch ng konti.
Habang nagreretouch ako biglang tumunog cellphone ko.
Calling Couz'Shane. .
"Hello Couz napatawag ka?".
"Hehe pwede mo ba ko turuan mag bake ng cookies? Gusto ko kasi ipag bake si Owy e."
"Aww. So sweet! As in now na?".
"Oo sana kung pwede lang?".
"Sorry couz may date kasi kami ni Oliver ngayon eh. Bukas pwede ako!".
"Ay o'sige bukas nalang hehe. Sige tenkyu!".
Binaba na ko na yung phone. Then tinuloy ko yung pagreretouch ko. Bigla naman tumunog ulit yung cellphone ko.
1 message from Love.<3
From: Love<3
Uy love! Sorry malelate ako kasi nagkaproblema nanaman sa banda. Nag away si Jhake at Mj. Kailangan ko pagbatiin 'to. Sorry dadating din ako mamaya ha? I love you. :-*

YOU ARE READING
My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?
Random-PROLOGUE- "I love her, kahit bestfriend ko pa siya, kahit girlfriend man siya ng kaibigan ko.. I will do everything, maging akin ka lang.. YOU'RE MINE!" - Owy Posadas "Mahal ko siya, kahit boyfriend pa siya ng pinsan ko.. kahit bestfriend ko siya...