Chapter 32

10 2 0
                                    

"Proud naman sila Tita sayo."

Sabi ni Kuya Kelly habang nagkukwentuhan kami. Isang taon na kaming nakatira dito sa bagong bahay at kasama ko na rin ang mga magulang ko dito pati na rin si Kuya Kelly.

"May kulang pa rin akong nararamdaman." Sabi ko at yumuko ako. Feel ko kahit nagawa ko na lahat ng pangarap ko ay hindi pa rin sapat kina Mama.

"Shh, wala." Tinignan ako ni Kuya Kelly bago siya tumayo para maghain na. Sumama pa rin dito si Kuya Kelly para masiguradong okay lang sila Mama tuwing may flight ako.

Later on tumayo na rin ako para kumain na. Sinalubong ako ni Mama sa kusina na parang may maganda siyang sasabihin sa akin. Kaagad niya akong pinaupo at nagsimula na kaming kumain.

"Elle, may good news akong sasabihin anak." Masayang sabi ni Mama.

"Ano?" Maikling tanong ko.

"Dumating na 'yung visa natin! Finally, makakasama na natin sila Lola mo sa Miami." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko mula kay Mama. Hindi ako natuwa sa sinabi niya.

"Hindi ako sasama, Ma. Kayo na lang ni Papa. I have a stable job here and paano 'tong bahay ko?" Pangangatuwiran ko at malapit nang tumulo ang luha ko. Matagal ko nang gustong pumunta sa Miami pero dati iyon, noong hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko. Ngayong successful na ako ay wala na akong balak umalis.

"Elle." Ani Papa at tinignan niya ako ng masama.

Tinitignan ako ni Mama na para bang pinipilit niya ako. "Elle, andyan naman si Kelly. Marami ka namang maiiwan dito para mamahala sa bahay mo. Iyong trabaho mo? Makakapag apply ka naman doon! Mas doble pa ang sweldo."

Bakit napaka dali sa kanilang sabihin na iiwan ko 'tong bahay na matagal kong pinag ipunan? Palibhasa ay hindi naman sila ang napagod at nagpundar rito. Wala pa rin talaga akong laya. Ang tanda ko na pero feeling ko'y teenager pa rin ako dahil sila pa rin ang nagdedesisyon sa buhay ko. Kaya ayokong makasama sila sa iisang bahay, e. Hindi ako makagalaw ng maayos!

"Ma," I looked at her pero binalewala niya iyon.

"Elle, you're going with us. Tapos ang usapan!" Sabi naman ni Papa at tumayo nang padabog papalayo sa kusina.

Tinitignan ako ni Kuya Kelly at mukhang naaawa siya sa akin. Tumayo na rin ako at sinundan naman ako ni Kuya Kelly. Niyakap niya ako kaya tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.

"Paano naman ako, Kuya? Palagi na lang nilang hinahadlangan ang kasiyahan ko." Bulong ko habang nakayakap pa rin sa kanya. Hinahagod niya naman ang likuran ko para patahanin ako.

Kumawala ako sa yakap niya nang naisip ko lahat ng mga maiiwan ko dito. Paano na lang ang mga kaibigan ko? Si Martha, paano siya kapag may flight kami? Si Kitty na inaabot pa rin niya ang pangarap niya, wala man lang ba dito ako kapag mag gagraduate na siya? Paano na si Jazelle? Paano ko makikitang ipatayo niya ang bahay na ginuhit niya? Paano si Selene? Paano na lang sila kapag umalis ako? And.. Marco...

Tinignan ko siya at para bang alam na niya ang ibig kong sabihin. "Do you want me to tell Billy about this?" Right, isa rin pala si Billy sa mga maiiwan ko.

"No!" Mabilisang sagot ko. Ayokong malaman pa ni Billy. Para saan pa? Wala naman kaming relasyon para magpaalam pa sa kanya. Lalo lang akong masasaktan kapag naiisip kong tuluyan na akong malalayo sa kanya. Aalis akong marami pang tanong sa isip ko. Sana.. Sana bago ako umalis ay makalimutan ko na siya...

"Fix your resignation papers as soon as possible. Next month na ang alis natin." Dumaan sa harap namin si Mama para sabihin iyon. So aalis talaga ako?

"Ayaw mo talaga?" Sabi naman nitong si Kuya Kelly. Hindi naman na importanteng malaman pa ni Billy.

"Kuya, para saan pa? Do you think he would stop me kapag nalaman niya 'yon?" Inirapan ko siya. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.

"Gusto ko lang naman na maging aware si Billy. Para at least makita ka niya bago ka umalis." Paliwanag niya at nginitian niya ako.

I was avoiding Billy simula noong tinulungan niya akong mamili ng mga appliances at furnitures sa bahay ko. Tuwing nakakasama ko siya, feeling ko nakakagawa ako ng kasalanan. Dahil tuwing kasama ko siya ay nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Alam kong mali iyon, kaya iniwasan ko na lang siya at hindi na rin ako madalas magpunta sa mga lugar na madalas kaming magkita dati.

"Gaano ba ako kaimportante sa kanya para malaman niya ang pag alis ko? Huwag na lang, Kuya, please." Sabi ko bago ako umakyat sa taas para magpahinga sa kwarto ko.

I don't even know kung paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko. Umiiyak ako buong gabi at hindi man ako natulog. Naramdaman kong may pumasok sa kwarto ko at nagkunwari akong tulog.

"Ako 'to, Elle." Umupo si Kuya Kelly sa kama ko.

Bilis akong umaupo at inayos ko ang buhok ko. Tinignan ko siya at tinanong kung bakit siya naparito.

"Kung itong bahay lang naman ang iniisip mo, ako nang bahala rito. Alam kong hindi naging maayos ang pakikisama ko sayo noong mga bata pa tayo pero ngayon, babawi ako." Aniya at yumuko para punasan ang mga luha niyang pumatak mula sa magkabila niyang mata.

"Pinapaiyak mo kaagad ako, e! Next month pa lang naman, Kuya." Ngumiti ako nang pilit. Nagbabanta na naman ang mga namamaga kong mata para umiyak.

"Kuya, promise me, si Selene lang ang iuuwi mong babae dito, ha?" Hinampas ko nang kaunti ang balikat niya. Tinignan niya ako at tuluyan nang tumulo ang luha ko.

"Oo naman, pangako. Baka nga pag uwi mo ay may bata na kaming kasama dito." Biro niya kaya medyo natawa ako.

"And si.... Si Billy. Don't let him choose the wrong woman again, okay?" Sabi ko.

"Lahat naman ng mga pinipili niya ay maling babae para sa akin. Ikaw lang ang nakita kong tama para sa kanya." Aniya

"No! Kahit kailan, hindi kami naging tama para sa isa't-isa." Malungkot na sabi ko.

Maya-maya pa ay nagpaalam na siya na lalabas na at ako, natulog nang kaunti dahil pupuntahan ko na si Martha para sabihin sa kanya.

Maaga akong nagising at umalis ng bahay para daanan si Martha sa condo niya. Pareho kaming walang flight ngayon kaya sana ay madatnan ko siya doon.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang sabihin sa kanya. Kinakabahan ako baka magalit siya. Kakatok na sana ako sa pinto ng condo niya nang biglang bumulas iyon.

"May problema ba?" Bungad sa akin ni Martha.

"Aalis ka?" Tanong ko.

Umiling lang siya at pinapasok niya ako. Pagkaupo ko sa living room ay kumuha siya ng juice at binigay iyon sa akin. Umupo rin siya sa tabi ko.

"Uh, Martha, aalis na ako next month." Kabadong sabi ko at nagulat si Martha sa narinig niya mula sa akin.

"Tuloy pa rin pala 'yung alis niyo papuntang Miami?" Malungkot na tanong niya. Halatang nasaktan ko siya sa sinabi ko.

Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. "Akala ko bang walang iwanan, Elle? Ang daya mo naman, e. Sino nang kasama ko nyan tuwing flight at layover? Bakit ka pa aalis, Elle? Natupad mo na ang mga pangarap mo dito, e." Sunod sunod na sabi niya habang humahagulgol siya sa pag iyak.

"Wala akong magawa, I'm sorry." Iyon lamang ang sinabi ko. Kung pwede lang ay sinuway ko na ang mga magulang ko.

Nag usap pa kami at umalis na ako para lakaran ang resignation papers ko. Pagkatapos noon ay dumaan ako sa iba ko pang mga kaibigan para ipaalam sa kanila na aalis na ako.

May last flight ako next week na kasama si Martha. May layover rin kami sa Paris ng dalawang araw. At least makakasama ko pa si Martha sa huling pagkakataon.

Dadaanan ko rin sana si Marco ngunit umatras ako dahil baka makita ko si Billy. Kaya umuwi na lang ako at nagkulong ulit sa kwarto ko. Gusto ko ay hindi ko na siya makita hanggang sa araw nang pag alis ko. Gusto kong iwananan na rito ang mga alaala ko sa kanya.

"I'm sorry, Billy. Sorry for not telling you." I cried

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon