Chapter 9

1.3K 40 0
                                    

THIRD PERSON POV

Dalawang araw bago mag graduation.  Si kerra na nagsusulat ng kanyang pangalan sa blackboard ay lumapit kay Edward na nasa kanyang upuan at may malalim na iniisip. Binato niya ng chalk ang bestfriend kaya napakurap ito at napatingin kay kerra.

"Bakit ka nakatulala?" Tanong ni kerra.

"Nagsasoundtrip sa isip ko." Malamig na sagot ni Edward.

"Ishare mo naman yan. Lakasan mo ang kanta, sige na." Kinuha ni kerra ang kanyang upuan at umupo sa katapat ni Edward. Nangalumbaba ito sa lamesa.

"Ayoko." Sagot nito. Biglang hinawakan ni kerra ang dalawang kamay ni edward na kanyang ikinagulat.

"Ang boring, sige na. Kanta kana."

"Oo na. Bitawan mo na ang kamay ko." Binitawan na ni Kerra ang kanyang kamay at inihanda ang sarili sa pagkanta.

The technicolor phase by Owl City

I am the red in the rose,

the flowers on the blankets on your bedroom floor.

And I am the gray in the ghost that hides with your clothes behind your closet door.

I am the green in the grass that bends back from underneath your feet.

And I am the blue in your back alley view where the horizon and the rooftops meet.

If you cut me I suppose I would bleed the colors of the evening stars.

You can go anywhere you wish 'cause I'll be there, wherever you are..

Pagkatapos niyang kumanta ay sinilip ang mukha ng babaeng nakangalumbaba sa harap niya. Pikit ang mga mata nito at wari niya'y nakatulog at nagtama ang noo nilang dalawa nang tuluyan na itong bumagsak. Dumadampi ang hangin na lumalabas sa ilong ni Kerra sa pisngi ng kanyang bestfriend kaya tumayo ito dahilan para magising ang kaibigan na natutulog.

"Aw! Ang sama mo talaga. Natutulog ang tao tapos parang wala kang pakialam na tumayo jan." Nagtatampong tumayo si kerra sabay kinuha na niya ang bag at isinakbit at nagsimula ng maglakad pauwu ng kanilang bahay. Hindi na niya hinintay pa ang bestfriend.

Asar! Bat ba ganun ang tao na yun? Nag sorry naman na ako sa kanya about dun sa promise namin At okay na kami dun tapos ngayon.. natutulog ako tapos bigla akong gigisingin. Eh di sana binuhat nalang niya ako kung tulog na ako hindi yung gigisingin niya pa ako. >_< Wika niya sa kanyang sarili habang naglalakad at maya-maya'y biglang may umakbay sa kanya. Tiningnan niya lang ito ng nagtatanong.

"Anong gusto mo para mapatawad mo ako?" Tanong ni Edward.

Nag-isip si kerra kung ano ang pwedeng gawin niya sa kanyang bestfriend. Snd she came up with..

"Dalawin natin ang crush ko. Yun ang gusto ko." Saglit na natahimik si Edward pero hindi kalaunan ay pumayag din siya at habang naglalakad sila papuntang hospital, kwento ng kwento si kerra tungkol sa kanyang crush subalit ang kwento niya ay pumapasok sa kabilang tainga ni edward at lumalabas naman sa kabila, in short.. naiirita si Edward sa pinagkukwento ng kanyang kaibigan.

"Nung isang, isang, isang hapon. Dinalaw ko si Ate nancy sa hospital tapos nakabangga ko si crush tapos hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya natataranta akong umalis sa harap niya. Edward, ganun ba talaga ang feeling kapag nakakabangga mo ang crush mo? Bumibilis ang tibok ng puso?"

Sapilitang um oo si Edward sa tanong ng kanyang kaibigan para ito ay matigil na sa pagtatanong.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa hospital at muli silang nagtago sa malagong halaman kung saan doon sila nagtago dati.

Si Kerk naman na nanggaling sa tindahan ay papasok na ng hospital at sa paglalakad nito ay makakasalubong niya si Nancy.

"Hayy! Sana ako nalang yung plastic na dala niya.." wika ni Kerra pero nag make face lang sa kanya si Edward.

"Edward..graduation gift mo sakin. Kaibiganin mo siya. Please?" Dagdag ni kerra at nag puppy eyes pa sa harap ng kanyang bestfriend.

"Ha. Okay ka lang? Kakaibiganin ko ang crush mo..para sayo? Ha. No way!" Galit na sagot ni Edward at saka umalis sa harap ng kaibigan.

"Graduation gift mo na sakin yun! Edward.."

Hinawakan ni Kerra ang kamay ng kaibigan atsaka lumuhod sa harap nito na hindi makapaniwala sa ginawa ni kerra. Hindi niya akalain na ganyan siya kadesperate sa kanyang crush. Napahawak nalang siya sa kanyang buhok atsaka...

"Oo."

Sapilitang napa oo si Edward kahit ayaw niya. But for the sake of her bestfriend, gagawin niya ang pinakamasakit na paraan para sa ikaliligaya ng kaibigan.

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon