Chapter 36

1.1K 37 0
                                    

Ella POV

kanina ko pa hinahanap si Patrice, kasi may pinapagawa sakin si Doctor Lany kaya kailangan ko ng tulong. napatingin naman ako sa bulsa ng uniform ko ng biglang mag ring ang phone ko.

Unknown number.

Sino naman kaya ito?, sinagot ko ang tawag at boses ng babae ang narinig ko.

"Hello sino ito?" tanong ko sa babaeng nasa kabilang linya.

[Si Nurse Feya po ito ng St. Susano Hospital kayo po ba ang wifi ni Mr. Theo Greigo?] bigla akong kinabahan, anong nangyari kay Theo at nasa hospital siya.

"Ako nga po, bakit po anong nangyari kay Theo?" pag-aalalang tanong ko.

[Ma'am pumunta nalang po kayo dito sa Hospital at saka ko po sasabihin ang nangyari.]

"Sige-sige papunta na ako." agad-agad akong tumakbo palabas ng William Hospital di na nga ako nakapagpalit ng uniform sa sobrang kaba, grabe ang kabog ng dibdib ko. pumara ako ng taxi at agad na sumakay.

"Saan po kayo Ma'am?" tanong ng driver.

"St. Susano Hospital kuya pakibilisan nalang po kuya please." saad ko.

"Sige Ma'am." Lord ano po kaya ang nangyari kay Theo, bakit iba ang nararamdaman ko ngayon,

"Ma'am narito na po tayo." agad akong bumaba sa taxi at dumiretso sa loob ng Hospital.

"Nurse may Theo Greigo bang naka admit dito?" sambit ko.

"Oo Ma'am, tara po sasamahan ko kayo." habang naglalakad ako para bang kada step ko ay ang bigat-bigat, natatakot kasi ako.

binuksan ng Nurse ang pinto ng kwarto kung nasaan si Theo. nadatnan ko si Alvin at Patrice, mabilis namang lumapit ito sakin, kaya napahinto ako.

"Bes." namamalat na tawag nito sakin, napadako naman ako sa kama na natatakpan ng puting kumot.

"An- anong nangyari." garalgal kong tanong kay Patrice pero hindi ito sumagot.

"ANONG NANGYARI? SINO YANG NASA KAMANG YAN? BAKIT NAKATAKIP YAN?" sunod-sunod kung tanong habang tumutulo na ang luha ko.

lumapit ako sa may kama at saka dahan-dahang tinanggal ang takip. nanghina ako sa nakita ko.

"Ella." tawag ni Alvin na nakahawak na sa braso ko.

"THEO." niyakap ko si Theo na walang malay at namumutla, napahagulgol ako sa iyak sa nakita ko.

"THEO BAKIT, BAKIT NAGKAGANYAN KA, GUMISING KA PLEASE THEO PLEASE." nanghihina talaga ako at para bang anytime matutumba ako sa panginginig ng katawan ko.

"Bes, kalma." wika ni Patrice.

"Bes, paano ako kakalma, wala na si Theo, bakit kasi nangyayari to sakin. kung kailan napamahal sakin yung tao saka naman siya kukunin sakin, Bes sabihin mo paano ako kakalma sa ganitong sitwasyon." sigaw ko at saka pinagsusuntok si Theo.

"Aray." nabigla ako ng magsalita ito.

"WHAAAAAAAA MULTOOOOOO." sigaw ko at saka pumunta sa likod ni Alvin at nagtago.

"WTF, I'm not ghost, I'm alive Ella HAHAHAHA." dumungaw ako at nakita si Theo na buhay na buhay  at tumatawa.

"ANONG IBIGSABIHIN NITO, HINDI KA TALAGA PATAY." sigaw ko at saka lumapit sakanya.

"Chill Ella." di ko napigilan ang sarili ko kaya sinapak ko siya at sinipa na dahilan ng pagkahulog siya sa kama.

"Ouch."

"Bagay lang sayo yan, sinungaling." napatingin naman ako kay Patrice at Alvin na dahan-dahang lumalabas sa Kwarto.

"HOY, KAYONG DALAWA KASAMA RIN KAYI RITO EH." wika ko.

"Hehehe di ako kasama diyan." nakangiting wika ni Patrice, tumingin naman ako kay Alvin.

"Oh, mas lalo naman ako si Theo ang pasimuno kaya labas nako diyan bye Ella HAHAHA." wika din nito at saka lumabas patakbo.

"Hoy." aishhh, di ko naman na napigilan ang dalawa dahil sumarado agad ang pinto. bumalik ako sa pagkakatitig kay Theo.

"Ella I'm sorry ito lang ang way para magkausap tayo." seryosong sambit ni Theo habang lumalapit sakin.

"Way? eh mas nainis ako sa ginawa mo eh, sino ang matutuwa sa nadatnan ko kanina, Theo akala ko patay ka na." napaluha naman ako habang sinasabi ko yun.

"Ella I'm sorry kaya talaga ako nandito sa Hospital dahil naaksidente ako, nagkabanggan kasi kanina tapos nadamay ako, sorry kung pinag-alala kita." niyakap naman niya ako ng sobrang higpit.

"At saka hindi ko gugustuhing mawala sa mundo na to Ella, gusto ko bago ako mawala masabi ko ang totoong nararamdaman ko." hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Ella, dati ayoko talaga sayo, kasi sino namang lalaki ang gustong masaktan araw-araw napakabayolente mo pa naman HAHAHA." pinalo ko naman agad siya sa braso.

"Nangangasar ka."

"Aray, tingan mo nananakit ka nanaman." inirapan ko lang siya. napatingin ako sakanya ng hawakan niya ang dalawang braso ko.

"Ella." kumabog ang dibdib ko ng sunod-sunod ng lumapit pa ito sakin.

"Ella I like you, No. I love you, I love you so much hindi ko alam kung kailan nagsimula pero ang alam ko lang mahal na kita. sana ganun ka din." seryosong unsad niya sakin.

"Theo, Theo I like you too." nakangiting wika ko at sa sobrang saya ay napaluha nanaman ako.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon