CHAPTER 8

278 13 2
                                    

Natapos na kainin ni John at Erika ang kanilang biniling pagkain sa Jollibee.

Ngunit di maiwasan ng dalawa na tikman ang mga street foods na paborito nilang dalawa lalo nung bata pa sila.

Inuna nilang tsibugin ang tindang isaw na nakasawsaw sa sukang madaming sibuyas at siling pula at maya mayang konti at kwek kwek naman ang tinira ng dalawa.

Puro pagbabalik tanaw sa nakaraan ang pinag usapan nila at mga nakakatawang nangyari noong high school pa sila.

Masaya ang araw na ito maging kay Erika.

Tiyak na di nila makakalimutan ang munting karanasan nila sa Casa Eden.

Di namalayan ng mag kaibigan na hapon na pala at malapit na mag gabi dahil sa kanilang pag kwekwentuhan.

Nabitin ang dalawa sa araw na ito. Sana mahaba pa ang panahon ngunit naalala ni John na di siya pormal na nag paalam kay Father Daniel.

Kahit sigurado naman niya na sasabihin ni Aling Mercy ito sa punong pari ng simbahan ng San Agustin.

Ngunit dapat nag paalam pa din siya kay Father Daniel.

At tiyak na sasabihin ni Aling Mercy kung sino ang kasama niya.

"Erika malapit na mag gabi magandang ihatid na kita sa bahay ninyo." nahalata ni Erika na ayaw pa umuwi ni John ngunit gabi na at delikado ang daan dito.

"Sa bayan mo na lang ako ihatid."

Sabay humawak nanaman sa braso ni John si Erika pero ngayon ay nagustuhan na ito ni John.

"Sa tindahan namin andun naman si papa at para na din mas malapit sa sakayan pauwi mo sa simbahan."

pabor kay John ang minungkahi ni Erika.

Kaya inihatid na niya ito sa bayan.

Pagbaba ng tricycle ay minabuti ni Erika na huwag na siyang ihatid sa mismong tindahan nila dahil panigurado ay iimbitahan kumain si John ng kanilang magulang.

Meron pa naman sinag ng araw at para din makauwi ng maaga si Father John.

Dito na nag hiwalay ang dalawa.

Di nilubayan ni John ng tingin habang naglalakad ito pauwi.

Nanigurado na walang masama mangyari sa babae.

Di mabura sa mukha ni John ang ngiti na ibinigay ni Erika sa kanya.

"This is a good day" nasabi ni John sa sarili.

Nang nakauwi na si Father John sa simbahan ay nakasalubong niya si Father Daniel.

"O, Father John kamusta lakad ninyo ni Erika." salubong sa kanya ng matandang pari.

"Ah nasabi ba ni Aling Mercy sa inyo, Pasensya na Father di ko pina alam sa inyo" sagot ni Father John.

"Nag paalam na sakin si Erika kahapon tinanong niya kung pwede ka niya ayain kumain ngayon araw."

Tila nasurpresa si John sa sinabi ni Father Daniel.

Ganun na ba kalaki ang tiwala ng punong pari ng Simbahan ng San Agustin kay Erika o gusto lang ng nag alaga at tumayong ikalawang tatay niya na lumigaya siya.

"ok naman naging lakad namin ni Erika pinakita niya sakin un bagong park malapit sa kolehiyo niya"

Wika ni Father John.

"Oo nga pala Father John, ikaw mag mimisa itong darating na linggo. May pupuntahan si Father Thomas kaya ikaw muna and magbibigay ng misa".

Alam ni Father Daniel na ito ang inihintay ni Father John.

"Ganun ba, buti na yon para magamay ko ang trabaho agad."

Napag-usapan lang nila ni Erika na pag nagbigay na siya ng misa ay di na sila pwedeng mag date at tila ay nagbago bigla ang nararamdaman ni John dito dahil gusto pa ni John makipagkita kay Erika.

Mahihirapan na siyang gawin ito pag nakilala na siya ng mga tao bilang isang pari.

"Kumain ka na at magpahinga John ... alam kong pagod na pagod ka."
Tinapos na ni Father Daniel ang pag uusap nila.

Pumunta na sila sa kani kanilang kwarto.

Di na kumain si John.

Naligo na lang ito at dumiretso nang humiga sa kama.

Ang himbing ng tulog ng binata.

Animo'y pinagpatuloy ni John ang date nila sa panaginip.

Nang nagising nanaman si John sa katok sa pinto.

Tuminigin siya sa kanyang relo sa maliit na lamesa niya sa gilid ng pinto.

6:30am maaga ito Pero buti na lang na maaga at maganda ang tulog niya.

Lumapit siya sa pinto at binuksan ito.

Si Aling Mercy nanaman.

"Father meron po kayo bisita nasa baba"

Iniisip niya na binisita nanaman siya ni Erika.

Kung araw araw sila mag dadate at panigurado mauubos ang baon niyang pera.

"Kaibigan ninyo daw si Rogelio" di na hinintay ni Aling Mercy si Father John kung sino ang bisita niya.

Alam naman niya itatanong ito ng pari.

Biglang naalala na nagpapasama pala siya imbestigahan ang nangyayari patayan sa mga nakapalibot na sitio sa bayan ng San Allegre

Mga patayan na mga aswang ang hinihinalang salarin.

Mga biktima na gutay gutay ang katawan at nawawala ang mga laman loob.

"Sige po Aling Mercy ... paki sabi mag gagayak lang ako"

magalang na sagot ni John minabuti maging mabait ito sa tagapangalaga ng simbahan.

"Opo father"

Sabay bumaba na si Aling Mercy.

Tulad kahapon naligo at nagbihis na si John.

Nagsuot lamang siya ng kanyang lumang maong na pantalon at simpleng t-shirt.

Upang wag maging pansinin at maki bagay sa mga tao taga baryo.

Pagkatapos ay pumunta na siya sa unang palapag upang kitain si Rogelio.

Nakita niya sa labas ng simbahan si Rogelio naninigarilyo.

Inunahan siguro ni Rogelio na maghintay na lang sa labas dahil alam niya na sensitibo ang pag uusapan niya at iniiwasan may makarinig na iba.

Hindi naka uniporme pang pulis ang kaibigan niya.

Tulad ng kaibigan naka pantaon maong at simleng polo shirt lang siya.

Dahil naka off duty siya at ito lang panahon pwede niya samahan si Father John.

Pinatay ni Rogelio ang kanyang hawak na yosi nang makita papasalubong si John.

"Ginising ba kita?" Nahalata ni Rogelio na bagong gising si John kahit naligo na ito.

"Okay lang ako nakatulog naman ako ng maaga."
Sabay aya kay Rogelio na maglakad papalayo sa simbahan.

"San tayo pupunta?"
Malinaw ngunit mahina sabi John kay Rogelio wari ay nakalimutan na ni John ang mood niya kahapon yung kasama si Erika.

"Sa Baryo San Pascual tayo". sumakay sa kotse ni Rogelio at Father John.

"Meron na masaker na pamilya doon halos isang linggo na nakakalipas." Kasabay ang pag pihit ng makina ng kanyang kotse at umalis na papuntang San Pascual.

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon