Broken Vow

138 2 0
                                    

Broken Vow

Pangako ni Nick

The first time that I saw you, alam ko sa sarili ko na ikaw na talaga ang babaeng pakakasalan ko. The moment that you gave me a chance to enter in your wonderful story, I start to build up a great future with you as my behalf, and now this special day is finally arrived at bukas paggising ko ikaw na ang una kong makikita. Hindi na ko makapag-antay na maranasan ang alagaan at mas mahalin mo pa araw-araw. Ngayon pa lang ang simula. Ito pa lang ang simula. Hindi ako ang perfect husband pero I can be the right one. Masayang- masaya ako at sobrang nagpapasalamat sa Kanya na ikaw ang ibinigay at itinadhana Niya para sa akin. Napakaswerte ko na ikaw ang napili kong pakasalan. Hindi na ko makapaghintay na Makita ang mga magiging anak natin at ang journey natin ng magkasama. Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang gusto kong makasama habangbuhay Casey.Pangako mamahalin kita kahit na hanggang sa kabilang buhay pa tayo umabot.

Pangako ni Casey

Nick I know in my heart how great is my love for you, since the day that you came into my life it became the most memorable part of it. You know that I came from a broken family and I take risk when I falling in love with you. Kahit na natatakot ako wala eh iba talaga ang charm mo. Masyadong malakas ang appeal mo at sobrang nadala ako. Isa kang biyaya sa buhay ko mula sa Kanya. Ikaw lang ang una at huli kong gustong makasama. Kahit na maputi na yung buhok natin, nirarayuma na tayo at hanggang sa mawala tayo sa mundo. Kahit ulit- ulitin ang buhay mo palagi mong tatandaan na ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko. Alam ko naman na hindi mo ko sasaktan kaya nga ibinibigay ko na sayo hindi lang ang puso ko pero ang buong ako sana ingatan mo. Marami na tayong pinagdaanan pero pinatatag na tayo ng panahon. Handa na ko sa bagong pahina ng buhay ko na kasama ka at ang mga magiging anak natin. Mahal na mahal kita partners tayo.

Pananaw ni Casey

Nangangarap na naman ako na babalik pa ulit ang lahat sa dati. Nagbubuklat ng mga ebidensya ng mga alaalang nagpapatibay sa paniniwala ko na may pag-asa pa sa aming dalawa ni Nick. It was almost my 1000 times na pinapanood ang video ng kasal namin ni Nick pero para sa akin wala pa ring tatalong kahit anong movie sa wedding vows namin. Ang pinakamagandang alaala sa buhay ko na ngayon hindi ko alam kung bakit parang bigla na lang niyang kinalimutan. Kaya  ngayon iba na ang lahat marami ng nagbago kay Nick at sa samahan naming bilang mag-asawa. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagbabago basta ang alam ko lang hindi na kami katulad ng dati. Nagbago na siya at hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat ng pagbabagong nangyayari sa aming dalawa.

 Nagulat na lang ako ng biglang mamatay ang video na pinapanood ko at nakita kong dumating ng hindi ko namamalayan si Mich ang aking kababata at pinakamatalik na kaibigan.

“Ano ba naman yan Marz, emoterang, desperada at manhid na asawa ka na naman eh ano ka ba, kahit ulit- ulitin mong panoorin ang wedding footage ninyong yan hindi na babalik ang asawa mo. Tanggapin mo ng gumastos lang kayo para sa isang bonggang kasal na mauuwi rin pala sa wala, pirmahan mo na lang ang annulment papers para matapos na ang paghihirap mo. Magsimula ka ulit. Ayokong makita kang nasasaktan at nagpapakamatay ng wala akong ginagawa. Hindi ako handa sa paghigop ng mainit na kape at pagkain ng balot- balot na tinapay sa burol mo. Pakiusap lang,tigilan mo na ang pang-aabuso sa sarili mo isang buwan ka ng ganyan. Hindi ka pa ba nagsasawa?.”

“Mich hindi mo ko naiintindihan. Madaling sabihin sayo lahat ng yan kasi wala ka sa lugar ko. Mahal na mahal ko si Nick. Ako naman ang may kasalanan ng lahat ng to eh kung nabigyan ko sana siya ng anak eh di sana hindi ganito. Hindi ito ang buhay na pinangako at pinangarap naming dalawa . Kasalanan ko ang lahat sinira ko lahat ng plano namin.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon