Chapter 16 [Alitan]

1.9K 61 12
                                    

"Riri!" Sigaw ni Siri ng makita ang kapatid na nakalugmok sa lupa, humahagulhol, habang sinasampal ang sarili.

Nagmamadali siyang tumakbo palapit sa kapatid. Hinawakan niya ang kamay nito para pigilan ang ginagawa nitong pananakit sa sarili.

May ugali kasi si Riri na sinasaktan ang sarili kapag nalulungkot o di kaya naman ay nagagalit.

"Anong nangyari?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.

Hindi ito sumagot. Tanging hagulhol lang ang isinagot nito.

"Tara na... Tumayo ka na diyan, umuwi na tayo sa bahay." Pilit itinayo ni Siri ang kapatid saka inakay pauwi sa malaking bahay.

----***----

Magtatanghalian na ng magkita-kita silang muli sa gitna ng sitio. Kumpleto naman sila. Walang nasaktan.

Marami nang mga sulo na walang sindi ang nakapalibot sa buong gilid ng sitio. Ito ang gagamitin nilang pangliwanag mamayang gabi, sa araw ng pagtitipon. Nakapaskil ang ngiti sa mukha ng mga residente sa sitio. Masaya ang mararamdaman sa paligid. Pero, takot ang nararamdaman ng mga taga-lungsod.

"Mamaya na natin pag-usapan ang mga nakita natin. Delikado." Bulong ni Jewel sa mga kaibigan na sinang-ayunan naman ng mga ito. Gusto niyang sabihin sa mga ito ang tungkol sa batang si Tara pero naalala niya ang sinabi nito na wag sabihin kahit kanino ang tungkol sa kanya.

"Yung kambal oh." Bulalas ni Clarity. Nakita nila ang kambal. Naglalakad sila. Nakatungo si Riri habang nakaalalay naman sa kanya si Siri.

"Siri! Riri!" Tawag ni Trevor sa dalawa.

Pero tiningnan lang sila ng mga ito saka parang hindi sila nakitang tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.

"Anong nangyari dun?" Kunot ang noong tanong ni Trevor sa mga kaibigan.

Nagkibit lang sila ng balikat habang si Dimitri naman ay inayos lang ang suot niyang salamin.

"Anong ginagawa niyo dito?"

Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses at nakita nila si Joss. Lumapit ito sa kanila.

"Isali niyo naman ako sa usapan niyo." Masigla nitong sabi saka umakbay pa sa katabing si Trevor.

Napapitlag ang lalaki ng maramdaman ang braso ng pinuno ng kulto sa balikat niya. Gusto man niyang palisin ang kamay nito pero hindi niya magawa.

"W-wala namang something kami na pinagkukwentuhan. W.J.E as in We're Just Excited... You know... about the fiesta." Sabi ni Bree.

"Sino ba ang hindi mae-excite? Masaya ang pagtitipon at maswerte kayo dahil kakaunti ang nakakasaksi ng kasiyahang ito." Masayang saad ni Joss.

Ngumiti lang ang magkakaibigan.

"Tara na sa loob para makapagtanghalian." Pag-aaya nito. "May masarap na dinuguan sa loob."

Parang gustong umangat ng kinain nila kaninang umaga ng marinig ang dinuguan. Ang isipin na gawa sa dugo at karne ng tao ang putahe na iyon at hindi sa baboy ay sapat na para mamutla sila at makaramdam ng kagustuhang sumuka.

"Tara na.." Pag-aaya muli ni Joss at nagpatiuna na sa paglalakad papasok sa bahay.

Wala na silang nagawa kundi ang sumunod. Habang umuusal ng panalangin na sana ay may gulay man lang o isda sa lamesa. Kahit na anong ulam... Wag lang karne!

---***---

Nang makapasok na sila sa kusina ay nandoon na si Aling Susan at naghahanda ng pagkain. Mabilis nilang sinuri ang mga ulam at nanlumo sila ng puro karne ang kanilang nakita.

Sitio Kulto [Book 2 of Kulto]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon