chapter 1

13K 227 3
                                    

Humahagos kaming tumakbo ni kuya upang takasan ang mga killer,nakita ng dalawang mata ko kung pano nila pinatay sila nanay at tatay.humihikbi ako habang hawak ni kuya ang kamay ko.hinihingal siyang huminto at tiningnan ako.

"bunso,maging matatag tayo,tahan na akong bahala sayo ha"sabi niya sakin,napahikbi nalang ako ng makita kong may pumatak na luha kay kuya.

"k-kuya h-hindi kona kaya"humihikbi kong sabi sa kaniya.luminga linga naman siya at pagkaraan ay tinabanan ang kamay ko,muling tumakbo.

kahit pagod na ay pinipilit ko pading tumakbo.

napatingin ako sa likod ko,dahil baka andito na ang humahabol samin.

ngunit naiyak ako ng matisod ako ng isang sanga.nakita kong may sugat ako sa tuhod.

"k-kuya" umiiyak kong sabi dito,napatingin naman sakin si kuya.at dalidali akong tinayo.

"ahhh!"napasigaw ako ng may magpaputok ng baril.kaya hinila ako ni kuya ,may nakita kaming bahay,tiyak kong wala ng nakatira don dahil lasug lasug nadin tanging kumot nalang ang tumatakip sa mga dingding.

pinasok ako ni kuya sa may baldeng malaki.tinabanan niya ang mga kamay ko at hinihingal na tumingin sakin.

"k-kuya"natatakot kong sabi dito.

"b-bunso dito kalang wag kang aalis dito naaintindihan mo"

"p-pero kuya,s-san ka pupunta wag mo kong iwan" nagsusumamo kong sabi sa kaniya,napaluha naman siya pero agad din niya iyong pinunasan.

"h-hindi tayo maligtas kung ganito lang tayo,babalikan kita ella,pangako ko yan sayo" sabi ni kuya,kasabay non ay tinakpan niya ang balde ng kahon.

"k-kahit anong mangyari wag kang gagawa ng ingay maliwanag"utos niya kaya napatango ako kahit hindi niya ko nakikita.

narinig ko ang yapak niyang papaalis.kahit kinakabahan ay tinatatagan ko ang loob ko gaya ng sabi ni kuya,na wag akong magingat ay sinunod ko iyon.

napapikit ako at nagdarasal,sa mura kong edad na kinse ay naranasan ko ito,napaiyak nalang ako dahil naalala ko sila nanay,tila nasa isip ko kung pano sila binaril ng mga killer,hindi ko alam kung sino ang mga iyon.

"k-kuya" nanginginig kong sambit kay kuya,kasabay non ay tatlong putok ng baril.kaya lalo akong napapikit.

pinakiramdaman ko ang paligid.kahit kinakabahan ay sinuway ko ang utos ni kuya na magtago ako.

dahan dahan akong lumabas,napalunok ako na kita ko ang magandang araw.luminga linga ako sa paligid,dahil baka narito lang ang nais na patayin kami.

"ayun siya!"nilukuban ako ng kaba,ng mapatingin sa humahabol samin,tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa kaya ko.

nadinig kong nagpaputok ito ng baril sa gawi ko.jaya napatili ako.

Napahikbi ako ng makita ko ang kuya ko na wala ng buhay habang may tama ito ng bala ng baril sa noo.

pupuntahan ko sana ito ng may pumigil sakin ng isang tinig.

'tumakbo kana ella!,hanggang sa kaya mo' dinig kong sabi ,kaya huling tingin ko kay kuya kasabay non ay tumakbo ako.

hanggang sa napadpad ako sa highway.tumakbo pa din ako gaya ng sabi ni kuya.

may nakita akong itim na kotse ,at madaming mga naka suit attire.tingin ko ay hindi naman ito ang mga humahabol sakin.

kaya dalidali akong nagpunta doon.

"t-tulong po!"sigaw ko,hanggang sa natakot nako at yumakap sa isang lalaki,at akoy nanginginig naman.naramdaman kong yumakap din ito sakin.

Hide from the mafia boss(Mafia series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon