Ninth Dive

279 14 0
                                    

Meriedeth Salazar

Everything feels so surreal. Totoo ba 'to? I'm here, wearing a one piece swimsuit and the goggles is hanging around my neck.

Binuksan ko ang pinto, si Shelanie lang nandoon. Agad akong pumunta sa shower at binuksan iyon. The water is running through my body.

The familiar feeling of excitement is with me. But, mas lalong nanaig ang takot.

I don't trust myself. Fuck this.

"Nagsisimula na ngayon ang competition, Salazar."

Nilingon ko si Shelanie, inabot niya ang robe sa akin para suotin ko, pagkatapos inayos ko ang swimming cap. Tiningnan ko si Shelanie.

"I'm only doing this once. Wala ng susunod."

Before she can say anything lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko sina Rovic at Eryx doon. Tss. Nakangisi pa ang dalawa, happy much?

Tuwang-tuwa? Bullshit.

"Ano bang klaseng emergency ang pinuntahan ni Andrea?" tanong ko sakanila.

"You'll just be doing two events—"

"Isang beses ko lang 'to gagawin, Fuentabella. Isang event lang!"

Nakatitigan silang tatlo ni Rovic at Shelanie, then he faced me.

"Alright, then, chill ka muna dito or gusto mong manood sa labas?"

"Tss," I rolled my eyes because I'm pissed off.

"Actually, dalawang events lang naman sinalihan ni Andrea. Well, specialty mo ang freestyle kaya doon ka namin e reregister."

"Pang-ilan na event ang freestyle?"

"Uyyyy, interested si Shark girl," pang-aasar ni Rovic.

"Shut the fuck up," at inirapan ko siya dahil sa inis.

"Grabe naman," I heard him murmured.

"If I'm not mistaken, una na event? Pero mga lalaki naman ang una. Pagkatapos ng butterfly event ng boys, kayo na agad."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Tss. Sana hindi nalang ako pumasok.

Tama! Hindi ako papasok bukas. Sasabihin ko lang kay Kuya na masama pakiramdam ko. Basic. Problem solved.

"Tara nalang sa labas," yaya ni Rovic. "Dapat pa natin iparegister si Shark girl."

"Akala ko ba maglalaro ka? Why don't you just back off?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Why don't you calm yourself down muna, Shark girl? Tara na sa labas, guys."

I just silently followed them as we walked outside. Konti lang ang mga tao na nandoon, much better.

"Gusto mo bang maupo muna, Salazar?" tanong ni Shelanie.

I just nodded and umupo kami doon sa bleachers habang pumunta sina Eryx at Rovic sa isang table. Nandoon mga teachers na assigned sa event na ito.

Gaya ng sabi ni Eryx nagsisimula na nga ang event. May mga nagchecheer naman dito sa likuran namin.

Its irritating. Nakakawala ng gana.

"Salazar, ayos ka lang ba?"

"I'm not good, Shelanie," tiningnan ko siya, I saw her gulped. "To be honest, I really don't want to get involved in swimming. Anything that involves this event. I fucking hate this."

"Pasensya na talaga, Salazar. Wala pa kasi—"

"Just shut the fuck up, Shelanie. Why don't you join Eryx and Rovic over there?"

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon