Ako pala si eitho ( é'tóh ) but as a gay mas nais kung tawagin akong eithel ( éi'téhl ) na hindi naman nalalayo sa pangalan ko ...
Ako'y isang ordinaryong tao lang naman na gaya ng iba ay naghahanap ng taong tunay na magmamahal sa kanila. Ngunit sa kabila ng lahat parang medyo maidlap talaga sa aming parte ng third sex ang makahanap ng maituturing mo inspirasyon at mamahalin mo sa buhay ...
Siguro sa buhay ko , mabibilang lang sa aking mga daliri ang masasabi kung may seryosong relasyon na maituturing ko sa buhay...
Masaya naman ako sa naging buhay ko sa nagdaang mga lalaki sa aking buhay... Una na dyan si Francis na syang maituturing kung minahal ng di lang gaano yung parang dumaan sya sa buhay ko na hindi ko namamalayan at nawala rin siya s buhay ko na hindi ko namamalayan ... Oo naman! Minahal ko siya ng buong puso ko pero sa kabila ng pagmamahal na yun hindi ko man naramdaman na minahal nya rin ako. Siguro nga naging mabait sya at pinakitaan nya ako ng respito at paggalang na hindi ko inaasahan na mararamdaman ko sa isang lalaking gaya nya... Si Francis ay isang lalaking masasabi kong hindi seseryoso sa isang relasyon kahit na sa isang babae... Nakilala ko siya ng minsan nagpunta ako sa bahay ng kaibigan ko na at the same time kababayan ko rin na kung saan nakatira malapit sa school namin na pagmamay-ari ng tita nya na nagtatrabaho sa Australia... Sa pagdating ko sa bahay ng kaibigan ko na si Netche kasama ang kapatid nyang si Blezel ay hindi ko namalayan na hindi lang pala kami ang naroroon sa bahay sa mga oras na yun ... Andun pala ang mga kabarkada ng boyfriend ni Blezel na kapatid ng kaibigan kung si Netche kabilang na dun si Francis at iba nyang kasamahan sa sport nilang Soccer. Si Francis ay isang player ng soccer team sa school namin nung mga panahon na yun na nag-aaral pa ako Jose Rizal State University...
Siya yung lalaking matikas, matangkad, moreno na siyang nagustuhan ko sa kanya dahil sa akin mas atractive yong lalaking hindi mapuputi dahil narin siguro sa maputi din ako kaya parang hindi ko type ang mapuputing lalaki kahit gwapo pa, siya din ay may maamong mukha na di mo aakalain na kaya magloko sa buhay, meron din siyang magandang katawan na dala narin ng pagalalaro nya ng soccer kaya na maintain nya yung ganung katawan...
Nung una ko pa lang siyang nakita nagustuhan ko na siya kahit medyo nahihiya pa ako nung una kaya hindi ko siya pinansin nung balkunahi siya ng bahay habang ako ay nasa loob at kasalukuyang nakikipag usap kay Netche at Blezel habang nanunuod kami ng pilikula ( hachiko ) na sabi nakakaiyak daw ang estorya kaya pinanuod ko nung mga sandaling iyon ... Yung pilikula na pinapanuod namin ay kwento ng isang loyal na aso na sa tuwing umaalis papuntang trabaho yung amo nya ay sya naman ay nag-aabang hanggang sa makarating ang amo nya sakay ng isang tren, na nung namatay yung amo nya at hindi na nakauwi ay patuloy paring naghihintay yung aso hanggang sa dun narin namatay yung aso...
Habang nanunuod kami ng movie na yun ay lihim ko namang tinitingnan si Francis sa labas tanaw sa kinauupuan ko. Napansin ko ring panay din ang tingin nya sa akin. Kalaunan ay habang paalis na yung iba nilang kasamahan ay naiwan na lng sa balkunahi sina Francis at si Kimoy na boyfriend ng kapatid ng friend ko na si Netche ay tinawag ni Blezel ang dalawa na nasa labas na pumasok at samahan kaming manuod ng pinapanuod namin ng mga sandaling. Habang nanunuod kami ay panay tingin ni Francis sa akin na hindi nya alam na napapansin ko narin. Hanggang sa natapus na yung pilikula ay nandun parin kami dahil sa wala na kaming mapanuod ay personal ng nagpakilala si Francis sa akin at sabay kantiyaw ng mga kaibigan namin sa amin. Nahiya ako nung una pero nung kalaunan eh nawala na ang pagkahiya ko sa kanya...
Nagdaan ang mga araw ay palagi akong nagpupunta sa bahay na yun ganun narin si Francis hanggang sa napapalapit na ako kay francis at ganun na rin sya sa akin. Lalong lumala ang pagkantiyaw sa amin ng mga kaibigan namin ng napansin nila may pagtingin na ako kay Francis pero hindi ko alam kung ganun din sya sa akin o nakikisabay nalang siya dahil narin sa kantiyawan nila ...