Dormitoryo

43 1 2
                                    

Rizal

Nakarating na kami sa dormitoryo na sinasabi ni Ravina.
Natapos kong basahin ang libro na kanyang ibinigay, sinubukan ko na kabisaduhin ang ilang pagbati at madalas na gamitin kapag nakipagusap sa estranghero.

Upang makatulong ako kay Ravina na hindi magmukhang kakaiba sa mga tao.

Ako ay naguguluhan kung bakit ako ngayon nandito?
Sa panahon na ito?
Sa hinaharap?

Ang layo nito sa kinagisnan ko..
Sobrang malayo..

Doon ay puro pighati at kadiliman--

"OH HI, IS THIS YOUR FRIEND RAVS??" nabalik ako mula sa aking malalim na iniisip, may isang lalake na humarap sa akin... ngunit kakaiba ang tono nang pagsasalita niya? Parang babae?

Binabae ba siya?

"Oo ghorl, meet Jo---Rizal, call hin Jo ahehe." pakilala niya sakin.

"Hi nice to.. meet you." binigyan ko na lamang siya nang ngiti. Hindi ko alam kung tama ba ang aking sinabi. Isa kasi iyon sa mga bati sa libro na ang ibig sabihib ay masaya akong makilala ka. Dapat ba good morning??

"AHHAA OMG, NICE MEETING YOU TOO JO~" at kanya namang inilahad ang kanyang kamay na akin namang tinanggap.

Hinila niya ako at inilapit ang kanyang pisngi sa aking pisngi.

Anong?

"Bakla ka! Wag mo ngang harutin ang friend ko! Off limits ok?!" agad naman umawat si Ravina.

"Ito naman si frenny! Bakit boylet mo ba?"

Boylet???

Hindi ako makapagsalita dahil di ko maintindihan.
Nag beso ba siya sa akin?

Ah tama..

"Hindi nga! Oh sige hatid ko na muna siya sa room niya." paalam naman niya kay Ravina, at ako ay agad niyang hinila paalis doon.

"Ravina.. isa ba siyang binabae?"

"Binabae? You mean bakla ba?"
"Bakla?"

"Yun ang tawag namin sa sinasabi mo atang binabae, yung may gusto sa kapwa niya lalake."

"Bakit? wala bang bakla sa inyo noong panahon niyo?"

"Ah.. wala pa akong nakikitang binabae noong panahon ko, pero alam ko na mayroong ganoon.. unang beses ko makakilala nang tulad nila.. at isa pa ipinagbabawal iyon ng simbahan.."

Huminto kami at hinarap ako ni Ravina. Siya ay nakangisi at pinagkrus niya pagkatapos ang kanyang braso.

"Speaking of that, allowed na sa generation na to ang mga bakla at tomboy, mga taong nagkakagusto sa kapwa babae at kapwa nila lalake"

"Ganoon ba, uhhh.. naiintindihan ko."

"Naiintindihan ang alin?"

"Malaya na ang mga tao sabihin ang kanilang tunay na nararamdaman sa mundo na hindi hinuhusgahan na sila ay masama dahil lamang sila ay naiiba." sagot ko na lamang sa kanya.

Hindi ko din alam kung bakit pinaguusapan namin to ni Ravina. May pintuan ako na nakikita sa likod niya, ito na ba ang kwarto?

"Good answer, as expected sa isang bayani." ngiti niya lang at binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin ang isang maliit na silid at ilang kagamitan na bago sa aking paningin.

Tahimik naman akong pumasok at ibilibot ang aking paningin.

"Alam mo ba Rizal, pinaghihinalaan ka nang ibang historian na bakla" lingon niya sakin.

Once he Desires (JOSE RIZAL FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon