*A/N: Sorry po kung natagalan sana po ay magustuhan nyo ito....wait ko po ang comments and votes nyo bago ko ilabas yung next update ^____^ sooo happy dahil 100+ reads ang last update ko...hoping for another more reads for this chapter!!! thank you
PS. medyo madaming POV ito ^_^ <3*
Ilang oras na ang lumipas mula ng nakaalis sya, nananatili pa rin ako sa ganitong posisyon....habang yakap yakap ang sarili. Kanina, hindi na ako nakapag-salita dahil bigla nalang syang lumuhod... at nang wala na syang narinig na kahit na ano mula sakin ay tuluyan na syang umalis. Ni hindi ko nagawang sabihin ang tungkol sa kundisyon ko, hindi nya alam na kailangan ko rin sya! na kailangan namin sya ng magiging anak namin.
Hindi ko na alam kung makakaya ko pa ba ito, kung makakaya ko pa bang ituloy ang buhay na ito. Pakiramdam ko may isang libong patalim ang nakatarak sa buong katawan ko na hindi ko magawang tanggalin dahil sa pamamanhid nito. Walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko. S-si Tyron, wala na sya...wala na sya sa buhay ko.... hindi ko alam kung paano ito tatanggapin. Hindi ko na kakayanin kung makikita ko na naman silang magkasama. Lalo na ang pakiramdam na dapat ako yun...ako dapat yung kasama nya, ako dapat yung kasabay nya, ako dapat yung pinagmamaneho nya at ako dapat yung inaalagaan nya... Nag-simula akong maglakad papunta sa may terrace, dinama ko ang lamig ng hangin...ang hangin na sana ay may kakayahang tangayin ang sakit na nararamdaman ko.
Third Person's POV:
Hindi nya na napigilan ang manlumo ng makasakay na sya sa loob ng kanyang sasakyan. Gusto nyang yakapin ang dalaga, gusto nyang punasan ang bawat luhang pumapatak mula sa mga mata nito. Hindi nya kayang makitang umiiyak ito, pero kailangan nyang magmatigas, kailangan nyang magmakaawa para sa kalayaan nya. Bigla nyang naalala si Gabinelle, ang babaeng dati nyang minahal na ngayon ay nagbabalik sa buhay nya. Hindi nito alam na may fiance na sya, ang alam lang nito ay mayroon syang nobya dahil ito ang sinabi ni Vince, baka raw hindi nito kayanin pagnalaman nitong nakatakda na syang ikasal. Kaya bago maganap ang engagement party na nabanggit sakanya ng daddy nya ay kailangan na nilang maghiwalay, sa ngayon ipapaubaya nya muna kay Gabrielle ang pagkausap sa daddy nito ang tungkol sa pag-atras nila. At kapag hindi nito iyon ginawa ay tsaka naman sya kikilos upang ipaalam sa mga ito ang totoo. Naramdaman nya ang biglang pag-vibrate ng kanyang telepono.
from: Lorry
-where r u??
Binura nya lang ito matapos basahin ang mensahe, mula ng bumalik si Gabinelle ay panay ang ginagawa nitong pagtetext at tawag. Wala naman silang kailangang pag-usapan kaya hindi nya ito binibigyan ng pansin.
Muli na namang tumunog ang kanyang telepono.
from: Gabinelle
-babe?
tulad ng ginawa nya sa unang mensahe na nanggaling kay Lorry ay binura nya lang din ito. Pero muli na naman itong nagtext.

BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...