One

21 0 0
                                    

Niyakap ako ni Justine papalapit sa kanya. I can feel his warm chest as he hugged me closer to him. It was a night full of romance and love. Perfect feeling for our first.

Inamoy nya ang buhok ko at saka bumalik sa pagtulog habang ako, di ko mapigilang mapagisip-isip lahat ng nangyari.

Three days ago, nagkatampuhan kami. The reason? His sister doesn't like me at malaki ang possibility na ayaw na din sakin ng parents nya. He was asking me to have lunch with his family last week pero tumanggi ako. Natatakot kasi ako na baka hindi ako magustuhan ng parents nya. Pero sabi sakin ni Justine, I dont have to feel bothered.

Masisisi nyo ba ko?

My past relationships served as the result of my curiousness sa mga bagay-bagay. Parang experiment lang. Nagseryoso naman ako pero dahil di pa ko matured ng mga panahong yun kaya may mga nagawa akong unfair sa iba kong nakarelasyon.

I admit I am not the perfect girl for him. Madami nang lalaking dumating sa buhay ko and they're not like Justine. He's different. Mabait sya, masunurin sa magulang, magalang, karesperespeto at sobrang mapagmahal. No doubt maraming naghahabol sa isang Justine Benz Dela Cruz. At first ayoko sa kanya, para kasing ang perfect nya but later on habang tumatagal I knew I wouldn't want to lose him.

"Whatever happens, mahal na mahal kita Kaylene" yan ang binitawan nyang salita bago kami napunta dito sa hotel na to at iparamdam namin kung gano namin kamahal ang isa't-isa.

Nakatigin lang ako kay Justine habang nagbibihis sya.

Who would have thought na ang lalaking nagtyagang ligawan ko for two years ay nakapaghintay pa and we just shared an intimate night. Di na ko nagdalawang isip becaise I know his worth.

Maaga kong nagising kaya mas nauna kong magayos ng sarili kaysa sa kanya. Pero sa totoo lang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit basta feeling ko may mangyayari.

"Okay ka lang?" tanong nya

Tumango nalang ako at nginitian sya. Pero mukhang hindi sya naniwala sa sagot ko. Pagkatapos nya isuot ang t-shirt nya, umupo sya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. I returned the hug at halos pigain ko sya sa sobrang higpit.

"Kung ano mang iniisip mo, andito lang ako pwede mo sabihin sakin" bulong nya bago sya bumitaw sa yakap

I nodded my head twice habang nakayuko. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa noo.

"I love you baby" sabi nya at niyakap ako ulit.

Bakit ba feeling ko talaga may mangyayari? Hays. Pero sabi nga ni Justine anjan lang sya. Kung ano man yun sana naman hindi ganun kasama.

Sabay kaming lumabas ng kwarto. Sumakay na kami ng elevator at bumaba sa ground floor kung nasan ang parking lot.

The whole time, habang naglalakad, naka-akbay sa akin si Justine pero kahit ganun di parin matigil ang kaba ko.

Nakarating na kami sa kotse nya. He opened the door for me at pumasok naman ako then he hopped in himself.

Tahimik lang kami pareho, the only thing na maririnig ay yung radio. After a few minutes, lumiko sya at itinigil ang sasakyan sa isang fine dining restaurant.

I gave him a confused look.

"What are we doing here?" tanong ko. He smiled at me at pinatay na ang makina ng kotse pati ang susi.

"Breakfast" sagot nya

Ah. Breakfast lang pala.

"..with my family"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Me Against Your WorldWhere stories live. Discover now