Ikalawang Kabanata (New Life)

1.4K 76 5
                                    

(Cassandra's Point Of View)

Narito ako ngayon at nakaupo sa kama kaharap ang matandang lalaking ito, nakasuot ito ng puting damit tulad ng isang ermetanyo,medyo mahaba na rin ang puting bigute nito at ganon din ang kanyang buhok na nakatali. Nandito rin ang matandang babae at lalaki na may korona, ganon din ang binatang may asul na buhok.

Kanina habang nag-uusap kami ni Angela ay bigla na lamang may kumatok sa pinto at sinabing nandito na ang manggagamot na si Doktor Hideo kaya naman agad na naglaho si Angela at hindi ko alam kung san na napunta.

"Anong nararamdaman mo Mahal na Prinsesa? May masakit ba sayo? " Umiling lang ako rito bilang sagot. Kanina pa niya ako sinusuri at nakatingin lamang sa kanya yung tatlo, ang sabi nila ay ito daw ang pinakamagaling na maggagamot sa buong Magical World.

Kung ano ang Magical World? HINDI KO RIN ALAM!
Basta sumasagot na lang ako sa tanong ng matandang ito at hindi na nagtanong.

"Nakikilala mo ba ang mga Magicia na ito?" Saka niya itinuro ang tatlong taong kanina pa nanunuod sa nangyayari. At kung ano ang 'Magicia'?
HINDI KO RIN ALAM!
Basta umiling nalang ako bilang pagsagot at syaka napatingin sa babaeng tumawag sa akin ng anak kanina. Nakatingin lamang ito sa akin ngunit kitang-kita mo sa kanyang mata ang lungkot.

"Mahal na prinsesa, Alam mo ba ang iyong pangalan? "
Yes, Finally. Naitanong na rin niya. Kahit ako kase ay hindi ko rin alam kung ano bang pangalan ko sa mundong toh, Nalimutan kong itanong kay Angela! At isa pa, kailangan ko ring magpanggap na wala akong naaalala nang sa gayon ay hindi sila magtaka sa kawalan ko ng muwang sa lugar na toh.

Muli kong binalingan ang matandang nasa harap ko at syaka ako tumikhim.

"Sino nga ba ako? " Wala sa sariling tanong ko rito at syaka nagpanggap na kunwari'y inaaalala ang aking pagkatao.

"Tama nga ang inyong hinala Mahal na Hari at Reyna, Mukhang nawala nga ang alaala ng Mahal na prinsesa. Ngunit isa lamang ang aking ipinagtataka, paanong nawala ang kaniyang alaala samantalang hindi naman nabagok ang kaniyang ulo? Sinubukan ko ring gamitin ang aking kapangyarihan upang alamin ang tunay niyang karamdaman ngunit wala naman akong makitang problema. Sadyang napaka misteryoso ng nangyari sa prinsesa."

"Ipagpatawad niyo mga kamahalan ngunit wala na akong magagawa, nasa prinsesa na lamang nakasalalay ang pagbalik ng kaniyang nawalang alaala.  Mas makakabuti rin kung kwekwentohan niyo siya ng mga bagay tungkol sa kaniyang nakaraan at tungkol sa kaniyang sarili nang sa gayon ay mabilis niyang maalala ang kaniyang nakaraan."

"Kung inyong mamarapatin, Magpapaalam na ako Kamahalan." At siyaka ito yumuko sa harap ng tatlo bilang paggalang. Tumango lang naman dito ang hari 'kuno at sininyasan ang mga katulong para samahan ito palabas, samantalang ang matandang babae naman at syaka ang binata ay agad na lumapit sa kinaruruonan ko.

"Kung ganon ay totoo nga, Wala siyang maalala. Ngunit paano ito nangyari ina? " Gulat at hindi makapaniwalang tanong ng binata sa kaniyang ina. Napabuntong hininga na lamang ang kaniyang ina at siyaka tinignan ang asawa na tila ba nag-uusap gamit ang mga mata.

"Bakit, Ano po bang nangyari sa akin at sinasabi niyong napaka imposibleng mawalan ako ng alaala? " Corious na tanong ko rito. Sa pagkakatanda ko kase sa sinabi ni Angela ay patay na ang totoong may-ari ng katawan na ito kaya ako na ang naririto. Pero paano siya namatay?

Rinig ko naman ang malakas na pagbuntong hininga ng matandang lalaki siyaka lumapit rin sa kinaruruonan ko kaya naman nakapalibot na silang lahat sa akin ngayon.

"Pinagtangkaan mong patayin ang iyong sarili anak kong prinsesa. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa amin nang makita kang nakalupagi sa sahig at bumubula ang bibig dahil sa pag-inom ng lason. " Halos manlaki naman ang mata ko dahil sa narinig. Napakalungkot ng tinig ng matandang lalaki kaya naman hindi maiwasang mahawa ng matandang babae at ng binatang ito. Mukang kahit sila ay nasaktan ng maalala ang nangyari.

When The Assassin Reincarnate As 'The Loser Princess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon