(Cassandra / Khendra's Pov.)
This is my Fifth day here in Magical World at ito rin ang araw na papasok ako sa Royal High. Sa mga ilang araw pang pananatili ko rito ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang maglibot sa palasyo at magbasa ng mga libro. Ginugol ko rin ang iba kong oras sa pag-aayos ng mga damit ko, nilagyan ko ng mga design para naman magmukang maganda.
Lahat ng mga damit kong yun ay nakaimpake na, nakalagay na rin ang iba ko pang gamit sa kabilang maleta. Bale dalawang maleta ang dala ko papuntang Royal High. Mabuti nalang talaga at ang mga katulong nalang ang nagimpake nun kagabi.
Tinignan ko ng maayos ang sarili ko salamin at siyaka napangiti. Humingi kase ako ng tatlong jeans, ilang t-shirt at loong sleeve kay Zhander. Nung una nga ay nagtataka pa siya at ayaw akong bigyan dahil baka raw ipapagamit ko lang sa kung sinong lalaki.
'Sira ulo talaga!'
Nakasuot lang ako ng itim na jeans na tinahi ko pa para maging fit sa akin. Mas malaki kase ang binti ni Zhander sa akin kaya kinailangan ko pang iadjust, nilagyan ko rin ito ng design na butas-butas tulad ng mga usong jeans ngayon sa Mortal World para maging maganda tingnan.
Samantalang sa itaas naman ay nagsuot lamang ako ng isang black croptop na ginawa ko gamit ang t-shirt na hiningi ko kay Zhander. Sapat lang ang ikli nun para hindi ma expose ang tiyan ko, ginawa ko kasing highwaste ang jeans kaya natatakluban ang pusod ko.
Naka bun rin ang buhok ko at nakasuot lang ako ng isang white rubber shoes na siyang bumagay sa suot ko. Liptint at Pulbos lang ang inilagay ko at nakatapos na.Napangiti nalang ako at napabuga ng hangin.
'Balik eskwela nanaman ako! '
*Knooockk... knockkk
Katok mula sa pinto ang siyang pumukaw ng atensyion ko at siyaka ako lumapit ruon at binuksan.
"Ano iyon? "
"Mahal na prinsesa, Nakahanda na po ang karuwahe at naruon na rin po ang inyong kapatid na naghihintay sa ibaba. " Ngumiti nalang ako rito at siyaka tumango. Sumunod nalang ako sa kaniya sa paglalakad pababa at nakita ko ruon si Zhander na nasa baba ng hagdanan at inip na inip sa paghihintay.
"Mabuti naman at nariyan ka na. Akala ko'y maghihintay pa ako sa kabilugan ng gintong buwan! " Nalilito man sa pinagsasasabi nito ay hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy na lamang sa paglalakad palabas ng palasyo.
Nang makapasok sa karuwahe ay naruruon na rin ang mga maleta namin. Samantalang ang Zhander na ito ay wala pa rin tigil sa pagsermon sa akin dahil napakabagal ko raw kumilos.
"Napaka kupad mong kumilos, Papaano kung mahuli tayo sa unang araw ng klase? Dati nama'y mas nauuna ka pa sa aking matapos" Sermon lang siya diyan ng sermon habang ako'y naka focus lang sa daan.
"Huwag ka ngang maingay kapatid. Halos kalahating oras pa bago magsimula ang klase! " Inis ring sagot ko rito at syaka napabuga ng hangin.
'Napaka OA talaga ng lalaking toh!'
Hindi na mana ito sumagot pa at napabuntong hininga na lamang bilang pagsuko. Maya-maya lamang ay nabaling ang paningin ko rito. Paano ba naman kase, i head to toe ba naman ako! May problema ba toh sa suot ko?
"Iyan ba yung damit na hiningi mo sa akin? " Hindi makapaniwalang tanong nito habang pinagmamasdan ang kabuoan ko. Tumango lang naman ako rito at syaka muling tumingin daan.
"Kamangha-mangha! Hindi ko akalaing maaaring maging ganiyan kaganda para sa babae ang kasuotan naming mga lalaki! " Napangisi na lang ako dahil sa sinabi nito at siyaka proud na flinip ang buhok ko. Kitang-kita ko pa rin ang pagkamangha sa mga mata niya at ni hindi maialis ang tingin sa suot ko. Tumingin lang yata siya sa ibang direksyon nang huminto na ang karuwahe.
BINABASA MO ANG
When The Assassin Reincarnate As 'The Loser Princess'
Random-She's an assassin She's strong She can bring you down Everyone adore her She's genius She's beautiful Yet, Dangerous. -She's a princess She's weak She's a loser No one want her She's stupid She's pretty but it's hidden She's an Unwanted Princ...