(Third Person Point of view)
—Kinagabihan—
Madilim na ang kalangitan at tapos na rin silang kumain ng gabihan, Naruon na lamang sa sala ang mga Royals maliban na lamang kay Prinsesa Khendra na kasalukuyan ng nagpapahinga ganon din si Prinsesa Lucy na hindi na nila ipinagtaka. Tuwing gabi kasi ay nagpapaalam ito sa kanila at di nila alam kung saan pumupunta.
Seryoso sila ruong nagtitinginan lamang habang inaalala ang mga nangyari ngayong araw.
"Hindi ba kayo nagtataka sa mga kinikilos ni Prinsesa Khendra? " Seryosong tanong ni Tyron habang yakap ang unang nasa sofa. Agad namang natuon rito ang atensyon ng lahat maliban nalang kay Trevon na kumakain lamang ng chocolateng ibinigay ni Khendra.
"At ano naman ang kataka-taka ruon? " Tanong rin ni Zhander rito. Pati tuloy ang iba pang Royals ay napaisip kung ano nga bang kakaiba kay Khendra ngayon.
"Ikaw ang kaniyang kapatid. Hindi mo ba napapansin ang mga ginagawa niya? Ang paraan ng pananamit at pag-aayos niya ay kakaiba. " Pamimilit rito ni Tyron. Talaga kasing nagtataka siya sa mga ikinikilos ni Khendra ngayon.
"Ano namang masama ruon kung nagbago na siya? " Tanong naman ni Heart rito. Bahagya namang napahawak si Tyron sa kaniyang baba at syaka inalala ang bawat isang ginawa ni Khendra.
"Walang masama ruon, ngunit bakit ganoon na lamang na pagkatapus niyang mawalan ng alaala ay naging magaling sya sa pag-aayos ng sarili. Hindi niyo ba nakitang nakasuot sya ng mataas na sapatos? Hindi naman siya nagsusuot ng ganon nuon kaya bakit mukhang sanay na sanay na siya kanina? At ang mga kilos niya, Hindi basta-basta mababago ang ugali ng isang Magicia kahit na nawalan na ito ng alaala. "
Maingay at maloko si Prinsipe Tyron ngunit hindi maitatanggi ng Royals na talagang may punto ang bawat sinasabi nito kapag ito'y nagsimulang magseryoso.
Kahit nga ang kababaihan ay napansin rin ang pagbabagong ito ni Khendra. Hindi talaga sapat na dahilan ang pagkawala ng alaala nito upang maging ganito kalaki ang pagbabago nito.
"Kung sa bagay ay may punto ka. " Napatingin ang lahat kay Zhander nang sa wakas ay muli na itong nagsalita. Kanina pa kasi ito nananahimik pagkatapus ng huling sinabi ni Prinsipe Tyron.
"Tama si Prinsipe Tyron, kahit akong kapatid niya'y naninibago rin. Nang unang araw na nagising siya'y may nasabi sa akin ang isang tagapag lingkod, ang sabi nito ay ayaw raw inomin ni Khendra ang orange juice na inihanda sa kaniya samantalang paborito niya ito. Minsan nga ay hindi ko maiwasang isiping parang ibang tao na ang kapatid ko. "
Hindi tuloy maiwasang mag-alala ni Zhander sa kapatid.'Papaano kung hindi lang pala pagkawala ng alaala ang nangyari rito? Papaano kung may mas malala pa? '
Sa isipang iyon na may iba pang nangyari sa kapatid ay baka hindi na niya makaya pa. Makita nga lang ang kapatid na walang malay sa kaniyang higaan ay labis na ang kaniyang pag-alala. Ngunit sa kabilang banda naman ay iniisip pa rin niyang wala lamang ito.
'Baka naman talagang dahil lamang iyon sa pagkawala ng alaala niya. '
Magsasalita pa sana si Tyron para gatungan ang sinabi ni Zhander ngunit agad na iyong pinutol ni Luhan na kanina pa nakikinig lamang.
"Itigil niyo na ang pag-iisip ng kung ano-ano. Mukhang naninibago lamang kayo kay Prinsesa Khendra kaya ganon." Seryosong sagot nito at syaka walang pasabing naglakad na pataas sa kwarto nito. Naiwan naman ang iba ruong nakatulala.
'Hindi talaga nila maiwasang panindigan ng balahibo dahil sa malamig na pananalita nito! '
Kahit sino yata ang makarinig ng tinig nito'y mapapaatras, Kung hindi nga lang sanay rito ang mga Royals ay siguradong iyon na nga ang kanilang nagawa.
BINABASA MO ANG
When The Assassin Reincarnate As 'The Loser Princess'
Random-She's an assassin She's strong She can bring you down Everyone adore her She's genius She's beautiful Yet, Dangerous. -She's a princess She's weak She's a loser No one want her She's stupid She's pretty but it's hidden She's an Unwanted Princ...