Chapter 37: You don't wanna be in my world

275 5 3
                                    

Okay, stay cool. Pretend that you didn't hear them. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Miss tinatanong ka namin." huminga ako ng malalim bago ko sila lingunin.

"Ano..."

"Pare.." napansin kong magbigay ng signal yung isa sa kasama niya. Ngumiti ito ng nakakaloko.

"Te-teka..."

"Miss nakita mo yun?"

"Ang-ang alin?" lakas loob kong tanong.

"Huwag ka nang magmaang." humithit siya sa sigarilyo niya bago iyon bitiwan at apakan matapos.

Naramdaman ko na lang na humawak sa braso ko yung isa. Hindi ako nagpumiglas. I should keep my cool. Tsk.. F.ck this. Ano to aftershock ng ginawa ni Danna? Siya na naman ba ang asa likod nito? Nah, imposible. Hindi naman siguro niya gawaing maghire ng mga hitman.

"Kailangang ipakita natin siya kay boss nang malaman kung anong gagawin sa kanya." rinig kong sabi nung may hawak sa akin. Naramdaman ko namang lumapit yung isa at hawiin ang ilang hibla ng aking buhok. I looked at him from my lashes while keeping my head down.

Nakita ko itong umismid. "She's cute don't you think?" sabi nito at muling tinanggal ang kamay mula sa aking mukha.

"Alam ko na ang asa isip mo Dino, pero wag mo nang ituloy. Matatamaan ka kay boss niyan." tama, huwag mo nang ituloy kung sino ka man. Pakinggan mo itong kasama mo.

"Masyado ka namang matatakutin Ariel, sino ba nagsabing malalaman ni boss?" nakangising tanong nito.

"Alin ang hindi ko malalaman?" naramdaman kong naging alerto ang dalawa sa narinig na boses at agad silang napalingon sa pinanggalingan nito. Maging ako ay hindi nakatakas sa sarili kong kuryusidad at nakigaya na rin.

Mula sa isang madilim na parte ng kalsada ay lumabas ang isang hulma ng lalaki. Naglakad ito papalapit at nakita ko pa ang pagtago nito sa baril na hawak niya sa likuran ng kanyang pantalon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kanyang mukha.

Nakita ko kung paano magbago ang ekspresyon nito sa pagiging kalmado hanggang sa pagkagulat nito. Pero muli ding naging blanko ang kanyang mga mata.

Mula sa akin ay lumipat ang kanyang tingin sa dalawang lalaki.

"Boss!" nag-alangang tawa ang lalaking nasa aking harapan. "Nakita namin itong babae at sigurado kaming may alam siya sa ginawa natin." Napailing ako. Wala naman talaga akong alam. Putok lang naman ng baril ang narinig ko. Teka, bat ba hindi ako nagsasalita? Something tells me that I shouldn't. Na kailangan kong manatiling tahimik.

"Who told you to harass her?"

"Boss naman. Hindi naman namin siya hinaharass eh. Nakikipaglaro lang kami sa kanya hindi ba miss?" pagpapaliwanag nitong kung hindi ako nagkakamali ay Dino ang pangalan. Tinignan niya ako pero sinamaan ko lang ito ng tingin.

Nakita ko kung paano tumalim ang tingin niya sa kanila. "Leave her alone and mind the corpse instead." gumawa siya ng gesture gamit ang kanyang ulo at ganun na lang ang pagmamadali nilang dalawa na umalis. Napahimas na lang ako doon sa braso kong hinawakan nung kung hindi ako nagkakamali ay Ariel ang pangalan.

Naramdaman ko na lang na may pumatong sa ulo ko at biglang hinila na lang ako sa kamay. Napahawak na lang ako doon sa may cap na isinuot niya sa akin.

"Teka, san mo ko dadalhin?"

"Don't ask." Tumigil siya at ganun din ako. Napatunghay ako sa mukha niya at hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya.

"Ven... I- I don't understand." I shook my head.

"You don't have to understand coz when you do, I would have to kill you." Napamulagat ako ng mata. Ano??

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon