HSP Ch. 28

410 6 2
                                    

Kira's POV

Agad bumilis ang tibok ng puso ko ng muling makita ang mukha ng lalaking hindi ko nakita ng ilang buwan.

Napatitig ako sa kanya na hindi ko maintindihan kung ano ba yung mararamdaman ko.

Parang sinisilaban ang mata ko sa init at nanginginig laman ko.

Hindi na lang namalayan na may mumunting patak ng luha na bumagsak mula sa mata ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at...

*PAK!*

"Anim na buwan kang nawala. Wala akong pakealam kung saan ka nagpunta o kung saang lugar ka nagtago. Pero sana man lang nagkaroon ka ng konsiderasyon!"

*PAK!*

Punong puno ang katawan ko ng naipong hinanakit sa taong to at kailangan ko yung ilabas.

Napatingin lang siya at natahimik sa sampal ko.

"Ano, masakit ba, ha?! Hindi lang yan ang sakit na naranasan ko nung panahong wala ka! Nung mga panahon ni tinakbuhan mo ako! Hindi mo alam kung anu-anong uri ng panghuhusga ang ginawa nila sakin sa mga buwan na lumipas tapos ngayon anong ginagawa mo dito ha?!!" Itinulak ko siya sa sobrang galit.

Hinawakan niya ang parehong kamay ko at bigla niya na lang akong hinaklit para igapos sa isang mahigpit na yakap. Mahinang pagkakasabi pero tumagos sa parehong tenga ko ang sinabi niyang,"Kira, sorry."

Masarap pakinggan ang boses niya pero hindi yun sapat na dahilan para lumambot ang puso ko! Naaasar ako sa mga sinasabi niya!

"BITIWAN MO AKO!!" Inalis ko ang yakp niya sa akin,"NAGPAPATAWA KA BA, O ANO?! ANIM NA BUWAN KANG WALA PAGKATAPOS ANO?! NGAYON HUMIHINGI KA NG SORRY?! KAHIT MAG-SORRY KA NG ISANG MILYONG TAON, WALA AKONG PAKEALAM. UMALIS KA NA!" Pumasok ako sa bahay at isinara ang pinto.

Sumandal ako sa pinto at hinawakan ng mahigpit ang doorknob.

Napahagulgol ako. Naaasar ako at naiinis sa mga sinabi niya.

Nahihirapan akong huminga. At kumikirot ang tiyan ko. Agad ko 'tong hinawakan.

Anak, alam kong naaasar ka din sa lalaking yun. Hindi ko hahayaan na saktan niya pa tayo ulit.

Naririnig ko siyang sumisigaw at kinakalabog ang pinto.

Sana hindi na siya bumalik. Sana hindi na siya nagpakita. Sana nagkunwari na lang siya na hindi niya ako nakilala. Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon.

Nate nasan ka na ba?

Nahihirapan akong huminga...

Author's POV

Sa paglalakad ni Nate pauwi sa bahay nil ni Kira, natanaw niya na may isang lalaki na nasa harap ng bahay.

Agad niyang binilisan ang paglalakad upang makita kung sino iyon.

Nagulat siya ng makita niyang nandoon si Nathan.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Nate.

Napalingon ang nakatalikod na si Nathan sa kanya,"Wala ka nang pakealam dun. Gusto kong makita si Kira."

Matalim na tingin ang ipinukol ni Nate kay Nathan.

"Umalis ka na. Wala kang mapapala dito."

Gumilid si Nathan para bigyang espasyo si Nate.

Binuksan niya ang pinto.

Sa pagbukas niya ng pinto, agad niyang nakita ang nakahigang katawan ni Kira sa sahig.

Napasigaw si Nate ng sobrang lakas!

"KIRA!!" Umupo siya sa tabi ni Kira at agad na tinapik tapik ang pisngi nito,"Putek, Kira. Kira..." Patuloy niyang tinatapik pero hindi pa din siya nagkakaroon ng malay.

Tumingin si Nate kay Nathan. At sa mga pagkakataong yun, parang hindi siya ang Nate na pala-ngiti, mabait. Para siyang nasapian ng isang nagngangalit na ispirito. Sobrang galit ang tingin niya kay Nathan,"Isinusumpa ko, kapag may nangyaring masama kay Kira. Malalagutan ka ng hininga." Binuhat niya si Kira at kumuha ng taxi para magpunta sa ospital.

Natulala si Nathan hindi dahil nasindak siya sa mga sinabi ni Nate kundi dahil sa kalagayan ni Kira at ng Bata sa sinapupunan niya. Hanggang ngayon hindi pa din siya makapaniwala na malaki na ang tiyan ni Kira.

At ang lahat ng sinabi ni Kira ay parang espada ng sobrang talas na tumusok sa pagkatao niya. Sa BUONG pagkatao niya.

Alam niya sa sarili niyang naging duwag siya nung mga pagkakataon na nalaman niyang buntis si Krecca. Pero ang hindi niya maintindihan sa mga nangyayari ay kung bakit nasa iisang bahay sila Nate at Kira. Kung bakit umaaktong nobyo si Nate para kay Kira.

Ang buong akala niya kasi siya ang ama ng bata. Tandang tanda niya na sinabi yun ni Kira.

Pero ngayon, ibang tao ang umakto bilang nobyo ni Kira.

Totoo nga bang sila na ni Kira?

Paano na siya? Paano na ang nararamdaman niya? Paano na ang pagiging ama niya sa bata?

Paano na sila ni Kira?

Huli na ba?

***

Nate's POV

Dinala ko sa ospital si Kira.

Sinabing extreme emotion daw ang nangyari kung bakit nagkaganon ang paghinga niya.

Kasalukuyang natutulog ngayon si Kira. Salamat lang talaga dahil napaaga ako ng dating.

Ang hindi ko lang maintindihan ay anong ginagawa ng lalaking yun doon sa bahay ko?

Hindi ko alam pero pamilyar ang hulma ng mukha niya sakin. Parang nakilala ko na siya, matagal na panahon na ang nkakalipas.

"Nate?" Paglingon ko, nakamulat na ang mata ni Kira.

"Gising ka na pala. Okay ka na ba?" Hinaplos ko ang buhok niya.

Tumango naman siya sa akin.

"Sino pala yung lalaking nasa harap ng bahay natin? Nakita mo ba siya?" Tanong ko.

Bigla siyang hindi nakapagsalita at kung saan saan napadpad ang paningin na parang kinakabahan.

Ano bang meron sa kanila ng lalaking yon? Meron ba akong hindi nalalaman na namamagitan sa kanila?

♀♂  High School Parents  ♂♀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon