*Serenity's POV*
Dalawang araw na ang lumipas simula noong naging kapartner ko siya at masasabi kong naging close kami. Mabait siya, sobra. Kaya mas lalo akong nahulog sa kanya *0* XD
At sa dalawang araw na yun, parati kaming magkasama para ngang di na kami mapaghiwalay eh XD
Napasa na din namin ke sir yung report naming dalawa habang si Jewell ayun di na maipinta yung mukha sa galit XD
Ngayon, naglalakad ako papuntang soccer field habang may dala-dalang caramel frap. Ibibigay ko kay Deanvil tong isa, nalaman ko kasing favorite niya to kaya pumunta akong starbucks :DD
"Lalim ng iniisip ah. Eto oh hehe"sabi ko pagka lapit ko sa kanya at binigay ang isang caramel frap. Tinanggap naman niya eto. Tumabi ako sa kanya, naka upo kasi siya.
"Tapos na naman yung report ah"sabi niya habang nakatingin sa malayo. Kunti lng tao dito, mabibilang lng ata eh.
"Oh tapos?"tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Bakit lumalapit ka pa ren sakin?"sabi niya. Di pa ren niya ko tinitingnan. Parang may mali ata.
"Dahil lng natapos yung report natin ibig sabihin tapos na din yung pagiging magka-ibigan natin?"sabi ko at tumingin din sa malayo.
"Oo"tanging sagot niya then may something sa dibdib ko, parang tinusok? Masakit eh :(
"H-ha? B-bakit naman? Hehe"tinatry kong maging masaya kahit gusto ko ng umiyak sa harap niya. Grabe lng.
"Kasi tapos na yung report natin at sino ba nagsabing magka-ibigan na tayo?"sabi niya.
So? Di pa pala kami magka-ibigan? Ah cguro malapit ko PA siyang maging kaibigan :) yun cguro yun.
"Ah. Di pa pala tayo magka-ibigan? Sorry ah. Kala ko kasi eh. Ang close close kasi natin nung ginagawa natin yung report. :)"naka ngiti ko pa ring sabi.
"Manhid ka ba?"-siya
"Ha? Syempre hindi, ano bang klaseng tanong yan Haha"sabi ko. Tumawa pa ko kahit ang seryoso niya.
"Then bakit. Di mo maramdamang ayaw kong makipag kaibigan sayo"siya. Ano ba! Kaya mo yan Serenity, di ka iiyak.
"Eh? Bakit naman, ang close close nga natin diba? Hehe."ako. Tumingin ako sa malayo, ayaw ko siyang tingnan baka may bumagsak, pahiya lng diba? Pero shit naman, siya ata yung manhid, ang sakit na kasi ng sinasabi niya eh :'(
"Then ngayon, sinasabi ko ng ayaw kitang maging kaibigan at normal lng namang maging close tayo dahil dun sa report!!"sabi niya at tumayo na kaya tumayo na din ako
"Bakit ba ayaw mo sakin?! Kahit pagiging kaibigan mo pinagdadamot mo ha?! Ano ba nagawa ko!?"di ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na kong naiyak. Ang sakit lng kasi eh, alam kong alam niyang gusto ko siya. Tanggap ko namang di niya ko kayang mahalin pabalik eh pero sana ang maging kaibigan ko siya wag naman niyang ipagdamot.
"Kasi alam kong gusto mo ko! Ayaw kitang saktan kaya kung mas mabuti wag nalang tayong maging magka-ibigan!"sabi niya. Ah, yun pala yun.
"Yun lng pala eh. Eh di sasabihin kong DI KITA GUSTO, PEDE NA BA TAYONG MAGKA-IBIGAN!?"sabi ko
"Di mo naman ako naiintindihan eh!!"-siya
"Anong hindi? Naiintindihan kita. Ayaw mong may nagmamahal sayo!! Yun yun diba!?"
"Sht. Bakit ba gustong gusto mong maging magka-ibigan tayo ha!!?"sabi niya. Seryosong-seryoso siyang naka tingin sakin. Sinalubong ko naman yung tingin niya kahit nagmumukha akong tanga dito sa harap niya na panay yung luha kakatulo.
"Naisip ko lng kasi eh. Sa One year na pagiging magka klase natin ay di mo ko pinapansin, minsan nga naiisip ko, talaga bang manhid ka?! kaya nung naging mag partners tayo ang saya saya ko nun dahil nagbabakasakali akong maging close tayo at natupad naman yun, pero shit lng akala ko lng pala yun eh, akala ko magiging magkaibigan na tayo! pero dahil lng pala yun sa report!! tanggap ko ng di mo ko kayang mahalin pero wag mo namang ipagdamot sakin na maging kaibigan ka!!"-iyak lng ako ng iyak habang sinasabi yun.
"Ano ba talaga gusto mo ha!?"galit niyang sabi sakin kaya mas lalo akong naiyak.
"Napag isip-isipan ko kasing gusto kitang maging kaibigan or kaya higit pa sa magka ibigan. Gusto kong gumawa ng masasayang bagay kasama ka. Gusto kong maka date ang isang Deanvil June Jacinto. Gusto kitang makasama kahit one week lng. Gusto kitang makasama bago ako mawala!!"
"ha?"gulat niyang tanong.
"May cancer ako Dean. Stage 4 na, nakakatuwa ngang isipin eh dahil tong buhok kong to di niyo nalamang wig lng to eh hahaha nakakatuwa diba!? Hmm cge. Di na kita pipiliting maging kaibigan mo ko, ayaw ko namang makonsensya ka at ayaw kong dahil lng sa sakit kong to ay magiging magkaibigan na tayo. So, una na ko ha? salamat sa mga alala. Bye!"sabi ko at tumakbo na ng tumakbo, kahit nanlalabo paningin ko dahil sa walang tigil na tulo ng luha kong to. Cguro nga tama si Jewell, dapat noon palang tinigil ko na ang pagkaka gusto ko kay Deanvil dahil sa huli ako lng naman ang masasaktan. Ako nga lng ba talaga?...