CHAPTER 42

4.7K 106 24
                                    

CHAPTER 42



[Jane's POV.]



Mag tatatlong linggo na ang huli naming pagkikita at mag tatatlong linggo narin ako umalis sa condo nya pagkatapos ang nangyari saamin. Umalis ako habang tulog ito.



Hindi lang isang beses namin ginawa yun kundi sinulit namin ang gabing yun at pault-ulit nya rin sinasabi na Mahal nya ako. Pero kahit sagot ay wala siyang natanggap mula saakin. Nang makasiguro akong tulog sya sa ay umalis na rin ako sa condo nya.



Hindi ako nagsisisi na sakanya ko binigay ang pagkababae ko. Dahil yun nalang ang maging ala-ala ko sa kanya kapag pinakasal na ako sa iba. Atleast nabigay ko ang aking sarili sa taong mahal ko.



Kahit panay text at tawag nya sa akin ay hindi ko ito pinapansin kahit sabihin nya na makipagkita lang ako sa kanya ay hindi ko ginawa.



Gusto ko ng putulin kung anong meron sa amin dahil yun ang nararapat. Gusto ko man siya puntahan at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya ay hindi ko magawa dahil ayoko magalit si dad baka umatake naman ang sakit nya. Ayoko na mawalan pa ng isang pamilya.



Kahit na namimiss ko siya ay ayoko parin siya makita. Ewan ko ba. Kumukulo lang ang dugo ko sa kanya ne'tong mga nakaraang araw. Sobrang kulit naman kasi. Ayaw pa ako tigilan.



Hindi na rin ako masyadong lumalabas kasi si Mike. Ewan ko ba kapag inaaya nya ako pumapayag naman ako kapag nasa byahe na kame ay bigla na naman ako mag aya na umuwi dahil napagod ako. Hindi ko naman alam ano ginawa ko bakit ako napagod.



Nitong mga nakaraang araw ay palagi akong pagod kahit wala naman ako ginagawa. Mas gusto ko nalang matulog maghapon kesa umalis or kumain dahil ayoko ng pagkain na hinanda nila. Minsan naman hyper ako at malakas kumain kapag gusto ko. Minsan narin ako maligo dahil parang lamig na lamig ako sa tubig.


Tapos ngayon mas gusto kung makita si Mike kesa sa kanya. Hindi naman kame umaalis ni Mike. Kapag gusto ko siyang makita pinapapunta ko lang siya dito sa bahay tapos kapag ayoko na siyang makita ay pinapauwi ko na ito nagdadahilan nalang akong inaantok ako.



Tulad ngayon wala na naman akong ginagawa pero pagod ako. Basta paiba-iba ang ugali ko. Siguro kulang lang ako sa exercise. Lumabas nalang ako ng kwarto para mag lakad-lakad sa labas.


Nakasalubong ko si Manang na may bitbit na groceries. May mga prutas din ito pero ang mas naagaw pansin saakin ay yung lemon at cucumber.



"Hi, Manang. Tulungan ko na po kayo." Sabi ko sabay agaw sa kanya ang isang supot ng mga gulay.



"Hala nako ma'am. Ok lang po. Kaya ko naman po." Nahihiyang tanggi ne'to saakin pero hindi ko ito pinansin at nauna na sa kanya sa kusina.



"Ma'am ako na po dyan." Awat ne'to saakin ng iniisa ko nilabas lahat ng gulay.


"Nako, ok lang po Manang." Nakangiti kung sagot dito



Nang mahawakan ko na ang lemon at cucumber ay itinabi ko ito. Saka ako kumuha ng kutsilyo.


"Ma'am baka po nasugatan kayo. Ako na po maghihiwa yan para sa inyo." Awat ne'to saakin saka kinukuha ang kutsilyong hawak ko.


"Manang. Ok lang po. Marunong po ako. Salamat po. Tapusin nyo nalang po yung iba." Magalang na sagot ko sa kanya saka ako nag umpisa maghiwa. Tumatango naman itong umalis sa tabi ko.


My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon