Chapter 1- Badtrip!

727 39 6
                                    

Dianna's POV
"Babe! Wag naman ganito! Iiwan mo ako pano yung relasyon naten?! Kakasagot mo lang saken kahapon ah?!" Masyado talagang palaban. Alam naman nya ugali ko ah?! Alam ng LAHAT na niloloko ko lang lahat ng mga lalake na to.

"Babe? You heard me right?" Sabay ngiting bitch sakanya at tumalikod. Sunod naman mga alalay ko. Natawa naman ako sakanya. Ipaglaban ba naman yung relasyon nameng laro laro lang. HAHAHAHA! Nakakaawa lang tlaga sya.

Lahat sila nag bigay daan samen para maka pasok sa klase. At aba himala! Hindi ako nalate sa klase ko ngayon! Swerte ng teacher na magtuturo saken ngayon. Sumunod ba naman sa tamang oras ng pagpasok sa klase? Aba bihira lang ako ganito no.

Hindi ako nakinig buong klase, nag cellphone lang ako at nagsoundtrip sa harap ng teacher ko. At mukhang lalapit 'to saken. Napatingin naman ako sakanya ng mukhang walang pakealam sakanya. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Kita ang cleavage nito. At maikli ang suot na palda. Aba mukhang hindi sya mukhang teacher, mukha syang hostess sa kanto.

"It's not nice to do other things while there's a teacher, teaching and doing all of their best for you to learn and yet your not respecting me?!" Sabi ng teacher tila naiinis. Aba magpapatalo ba ko dito sa hostess na to?

"Wala naman akong nakikitang karespe-respeto mula sa pagka-tao mo." Tingin ulit sakanya mula ulo hanggang paa.

"I think hindi school ang pinasok ko. Club ata. Hey guys! Do you enjoy our hostess in front of us? Come on let's enjoy this hostess! She may leave soon!" Ika ko. Nagsimula naman sila mag ingay at habang nagiingay sila hinila nung teacher na hostess ang kamay ko at sinampal.

Nag tigil silang lahat at ang buong atensyon ay nasa amin. Aba hindi ako magpapatalo. Hinablot ko ang ulo nya at sinimulan syang sabunutan at pagsisipain. Balak pa ko tulungan ng mga alalay ko pero tinulak ko sila ng malakas may nauntog pa ata sa isa sakanila.

Napahiga yung teacher na hostess at itinaas ang kamay tila sumusuko na ito. Hirap syang tumayo at nagsalita na ko.

"Hindi mo kilala yung binangga mo hostess ka. Maghanda ka na sa mga pagpapahirap na gagawin ko sayo. Ha. Baka unang araw pa lang sumuko ka na at mag resign sa school na to?" Mahinahon kong sabi at tila napabunting hininga lahat ng mga kaklase ko at ang teacher na hostess na to. Tumayo ito pilit na humihingi ng tawad. Aba hindi nya ko madadaan sa mga ganyan ganyan na tinulak ko sya papalayo saken at napaupo nanaman sya. Binuksan ko ng padabog ang pintuan at lumabas. Sumunod naman nga alalay ko.

Shit! Badtrip naman oh! Haggard na ako kailangan ko magretouch. Kinuha ko ang foundation ko sa bag at nagretouch.

"Miss queen bee ako na po magdadala ng bag at libro nyo." Sabi ni alalay 1. Aba! Sa wakas nag kusa din tong alalay na to! Ha! Hindi dapat ako nagpapagod sa pagbubuhat ng mga bagay na makakahaggard sa ganda ko!

Hinagis ko sakanya yung bag at mga libro ko. Agad naman nyang pinulot yon at nag sorry saken kase hindi nya nasalo. Aba dapat lang na buhatin nya yan ano pang silbi ng pagiging alalay nya kung hindi sya uutusan at mahirapan.

May isang matangkad, matangos ilong, maputi at malakas ang sex appeal na lalakeng humarang samin at pinaalis ko mga alalay ko at kinausap ako nito.

"Hey wanna have fun? You seem to be annoyed."

Napangiti naman ako. Well alam ko na ibig sabihin nya kaya naman hinila ko sya palabas ng school. Buti naman may pang libang ako. Para naman mawala badtrip ko.

Finding Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon