"Kiana!" Suway ni Dave.
"Tumabi ka na dyan at ako na ang magluluto, mamiya matalsikan ka pa ng mantika magkasugat ka pa." Alalang sabi nito. Napangiti ako pero hindi yung abot sa tenga.
"Fine. Okay ka lang dyan Rachel?" Tanong sa'kin ni Kiana.
"Ah, Oo. Okay lang." Ngumiti ako. Third wheel lang naman kasi ako palagi. Ewan ko ba kung paano ako napipilit ng mga 'to na sumama sa kanila.Ako naman 'tong si oo, oo na lang ng oo. Hindi man ako naaawa sa puso ko na kumikirot. Haist.
Dati nung elementary kami ni Dave ang palaging mag kasama, mag best friend kami ng mga panahon na 'yon.
Nung nag graduate na kami sa elementary tsaka lang kami nagkahiwalay at don ko nakilala si Kiana. Siya naman ang pumalit kay Dave bilang best friend ko.
Nag collide ang mundo namin nang dumating kami sa 3rd year highschool, lumipat si Dave sa school namin ni Kiana.
Napalapit rin silang dalawa. Tanda ko pa yung sinabi ko dati,
"Bagay na bagay si David at si Kiana. Magiging sila niyan."
At dumating sa point na nangyari ng yung sinabi ko. Nagkagusto si David kay Kiana at ako ang nag mistulang information tungkol kay Kiana.
Ako rin ang naging tulay nila.
Um-oo ako sa plano dahil gusto ko ngang maging sila. Pero habang pinapanood ko sila, bigla akong nakaramdam ng kirot.
Hanggang sa isang araw, naramdaman ko na...may gusto pala ako kay David. Matagal na pero pinipigilan ko lang dahil ang nasa isip ko, maging sila ni Kiana.
Tanga, bogak, masokista, selfless, lahat na lang itawag nyo sa'kin dahil dyan sa ginawa ko. At tanggap ko lahat 'yon.
Mas pinilit ko na lang hayaan na kainin ako ng sakit kesa sabihin ko pa na may gusto ako kay Dave. Baka kasi pag sinabi ko pa, magkagulo pa lahat.
Mawawala rin naman 'tong nararamdaman ko. Oras lang daw 'yan. Lalo na ngayon, ilang linggo na lang g'graduate na kami sa high school. Mahihiwalay na ako sa dalawa kong best friend.
"Bi, tikman mo nga kung tama lang ba yung lasa." Pinanood ko kung paano subuan ni Dave si Kiana. Hindi ako bitter, ginusto ko rin naman kasi 'to.
"Okay na 'yan! Ang sarap nga eh." Sabi ni Kiana.
"Asus, binola mo pa'ko. Ikaw Rachel? Gusto mo tikman?" Gusto ko man um-oo pero hindi ko kaya. Kaya nagpass na lang muna ako at nagpaalam muna lumabas.
Di na ako makapaghintay sa graduation day.
Fast forwardtoGradDay.
"Once again, I thank you for all the teachers, staffs, and to my fellow students. Lahat tayo'y maging tagumpay sa ating mga pangarap." Nagpalakpakan ang lahat matapos ang speech ng aming valedictorian.
Tumingin ako kay Dave na papalapit kay Kiana. Nakita ko kung paano lumapat ang labi nila.
Sana pala hindi na lang ako tumingin. Lumabas na ako at nag punta sa parking lot kung nasan ang magulang ko.
Dito na nagtatapos ang nararamdaman ko para kay David. Dito ko na rin iiwanan lahat ng ala-ala.
—————————
"Rachel..." Bulong ng isang lalaking pinagmamasdan ang mukha ng dalaga.
Fin.