Chapter 7

13 4 0
                                    

"PWEDENG 'wag kang malikot, Aiden?" naiinis na bulong sa akin ni Rowan.

I apologetically smiled at her. "Sorry na, hindi lang talaga ako mapakali," saad ko.

She created a "click" sound using her tongue. "Ano ka ba naman? Pupunta lang tayo sa bahay nila Janine ay halos maging kiti-kiti ka na sa likot. Ilang beses ka nang nakapunta sa bahay nila, Aiden. Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa rin mapakali? Kakain lang tayo do'n, ah."

Hindi ko na lang siya pinansin. I heaved a sigh. Hindi mapirmi sa isang pesto ang mga paa ko dahil patuloy ko itong ginagalaw para matanggal ang kaba ko.

Janine invited us to go to her house. Birthday daw ng lola niya kaya niyaya niya kaming doon nalang sa bahay nila kumain ng lunch. Hindi naman ako makatanggi dahil gusto ko rin namang pumunta sa bahay nila. Nagiging close ko na nga rin ang mga kapatid niya dahil sa lagi kong pagbuntot kay Janine.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit sa tuwing pupunta ako sa bahay nila Janine ay lagi akong kinakabahan. Wala naman akong gagawing masama kaya nagtataka ako kung bakit ganito na lang lagi ang nagiging reaksyon ng katawan ko.

After our morning classes, sabay-sabay kaming naglakad papunta sa bahay ni Janine. Ilang minutong lakad lang naman iyon dahil malapit lang sa school ang bahay niya.

"Marami bang tao sa bahay niyo, Janine?" tanong ko.

She shrugged. "Hindi ko lang sure. Pero baka mga kapatid ko lang tapos sila lola 'yung nando'n."

I sighed again. Sana ay kaunti lang ang tao. Ilag pa naman ako sa maraming tao dahil ayaw kong makipag-socialize.

Pagdating namin sa bahay nila Janine, agad kaming pinapunta sa dining room ni tita Mari, ang nanay ni Janine. Nakahanda na doon ang mga plato at cutleries. Magkakatabi kaming umupo.

"Kumuha na kayo ng pagkain niyo, ah. May aasikasuhin pa ako," bilin ni tita Mari at umalis na.

"Guys, 'wag na kayong mahiya. Kumuha na kayo ng pagkain niyo. Alam kong makakapal ang mukha niyo kaya, sige na, kumain na kayo," dirediretsong sabi ni Janine nang dumaan ang isang minutong katahimikan pagkalabas ni tita Mari. Sumandok na tuloy kaming dalawa ni Rowan ng pagkain namin.

When we are in the middle of our lunch, pumasok ang lola ni Janine sa dining room at umupo sa upuan na nasa kabilang side ng table kaya nakaharap siya sa aming tatlo.

"Ikaw ba si Aiden?" biglang tanong ng lola ni Janine.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa istriktong tono ng lola ni Janine. Dahan-dahan akong tumango.

"Ah! Ikaw pala 'yung lalaking laging kinukwento sa akin nitong apo ko," sabi niya. Biglang nagbago ang tono ng boses niya at naging puno ng buhay.

Pinanlakihan ni Janine ng mga mata niya ang lola niya.

Medyo nabawasan naman ang kaba ko dahil sa biglang pagbabago ng tono ng boses ng lola ni Janine.

"Saan ka pala nakatira, 'toy?" sunod na tanong ng lola ni Janine na ngayon ay nakangiti na sa akin. Siguro ay ini-intimidate lang niya ako kanina.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Sa Tejeros Convention po," nakangiti kong sagot.

"Eh, saan mo pala nakilala 'tong apo ko?" sunod niyang tanong.

I looked at Janine who's hesitantly smiling.

"'La," sambit ni Janine na parang pinipigilan na ang lola niya na tanungin ako.

Feeling ko tuloy ay para akong ini-interview ng lola ni Janine dahil puro tungkol sa buhay ko ang tanong niya. Hindi pa man ako nanliligaw kay Janine ay pinuputakte na ako ng tanong ng lola niya. My cheeks slightly blushed because of the thought of myself courting Janine.

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon