"Aray!" daing ng dalaga ng matamaan ito ng bala sa kanyang braso...
"Bwesit! Ilan ba silang lahat?!" tanong ng kasama nya at bakas sa mukha neto ang sobrang galit dahil sa hindi pa nila nauubos ang mga kalaban nila.
"Madami pa sila, basta hindi ko mabilang!." sagot ng dalaga.
Nakikipaglaban silang dalawa ngayon ng kanyang kaibigan sa mga Gangsters. Isa rin naman sila sa mga gangsters pero dalawa lang sila, isa din sila sa mga kinatatakotang Gangster dahil sa lakas at galing neto.
"Lyka! Dun ka sa kaliwa, dito ako sa kanan!" sigaw ng dalaga sa kanyang kaibigan.
"Sige!"
Suntok, sipa at barilan lang ang makikita at madidinig mo dito...
Natapos ang kanilang laban at lahat ng kalaban nila ay nakahandusay na sa lupa at walang malay...
"Hayy, sa wakas natapos narin." sabi ng kaibigan ng dalaga sabay upi sa lupa dahil sa pagod....
"Tumayo ka na dyan! Kailangan na nating umalis dito! Paparating na ang mga police!" galit na sabi ng dalaga habang nakahawak sa sugat neto.. Tumayo naman ang kaibigan nya.
"Galit agad? Nagpapahinga lang ako ng kunti ehh." nakasimangot na sabi ng kanyang kaibigan...
"Wag ka ngang sumimangot dyan! Hindi bagay sayo, para kang pato! At saka ikaw na magmaneho." sabi ng dalaga sabay hagis ng susi sa kanyang kaibigan..
"Okay! Ayaw ko pang mamatay noh!" sabi ng kanyang kaibigan... At pumasok na sila sa kotse.
"Wag nalang tayong pumunta sa ospital. Sa bahay nalang." sabi ng dalaga habang nakapikit ang mata at nakahawak ang kanyang isang kamay sa kanyang sugat.
"Pano yang sugat mo?" nag alalang tanong ng kanyang kaibigan habang nag mamaneho..
"Nandon naman si Kuya Rex eh." sabi ng dalaga. Napa buntong hininga nalang ang kanyan kaibigan..
"Sanaol may Kuyang doctor." naiinggit na saad ng kanyang kaibigan. Napatawa nalang ng mahina ang dalaga...
****************
"Nexie! May transfer student daw." sabi ng kanyang kaibigan at bakas sa mukha ang pagka excited. "At saka lalaki daw." dagdag ng kanyang kaibigan.
"I don't care." walang ganang sabi ng dalaga..
"Tsee. I don't care mo mukha mo! Basta kung gwapo yun ha? Akin nalang. Hehehe." sabi ng kanyang kaibigan habang kinikilig.
"Wag kang mag alala sayo nayun, pero kung pangit naman sayo parin yun hahhaahahahha." natatawang sabi ng dalaga. Napalitan naman ng inis ang mukha ng kaibigan nya.
"Nakakainis ka talaga Nexie." inis na sabi ng kanyang kaibigan at mabilis na naglakad patungo sa kanilang classroom...
**************
"Good morning class. At pumunta na kayo sa inyong proper seat kasi may bagong transper student and classmate nyo sya. Please come in." sabi ng kanilang guro at pinapasok na yung lalaking transferry...
"Hello guys, I'm Chanson Kiel Alonzo, 17 years old. I hope you'll will be nice to me." nahihiyang pagpapakilala ng binata.
******************
