Chapter Sixteen

298 10 0
                                    


Sorry ngayon lang nakapag update kakasoli lang kasi nung iPad sakin. What can you say about the stroy. sorry kung medyo fail kasi hind naman po ako writer talaga comment po kayo feel free to comment

-------------------------------------------------

Calvin's POV

Pagkatapos naming mag lunch eh bumili kami ng ticket para maka sakay kami sa carousel

"Babe dun tayo pagkatapos natin dito" turo ni Ely sa Viking

"Sige sige" sumakay na kami sa carousel siya nasa kabayo ako nakatayo sa tabi niya

"Tangkad sagad babe hahaha" sabi niya sakin habang tumatawa

"Wala tayong magagawa nasa lahi eh 😛" tapos binelatan ko lang siya

"Oo na lang pero yung height ko tama lang para sa isang babae no" depensa niya

"I know kaya nga bagay tayo eh" sabi ko hinawakan ko yung kamay niya

"Bolera" tapos ay nag picture kami

Pagkatapos namin dun eh bumili ulit kami ng ticket para sa Viking. Habang nakapila kami eh biglang tumaas yung kilay ng babe ko

"Yung kilay mo babe naka taas!" sabi ko sa kanya mag kaharap kasi kami

"May mga nakatingin kasi sayo ayoko nung mga tingin nila kasi flirt" sabi niya

"Hayaan mo na sila wag mo na lang pansinin" sabi ko sa kanya hinawakan ko siya sa bewang niya

"PDA lang babe?" natatawang tanong niya sakin

"Minsan lang to wala naman tayo sa manila eh" sabi ko sa kanya

"Daming alam" tapos niyakap niya ako

"Tapos bigla kang yayakap hahaha"

Tinignan lang niya ako ng masama kaya tumigil ako sa pagtawa ko. Kami na yung kasunod yung mga katabi namin eh parang kinakabahan kasi mukhang gusto ng bumaba eh nasa dulo pa naman kaming part kaya pag tumaas to mas nakakalula

Nagsimula na yung pag galaw nung una mababa pa lang pero nung tumagal pataas na ng pataas nagtitilian na yung mga kasabay namin

"Waaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh"

"Wooooohhhhhhhhhhh" sigaw nung mga kasama namin kami rin napapasigaw din

Ang dami naming sinakyan na rides pagnapapagod na siya uupo muna kami minsan naman pagkatapos mag rides kakain kami ang pinaka last naming sinakyan eh yung ferris wheel gabi na kasi kaya dun kami kailangan pa naming umuwi

Habang nasa loob kami ng ferris wheel eh kinausap ko siya

"I love you babe" sabi ko tapos niyakap ko siya

"Hala anong meron? hahaha" natatawa niyang tanong niyakap din niya ako

"Wala lang masama bang mag i love you sayo?" tanong ko

"Hindi. Pero bakit mo ko love?" tanong niya sakin

"Kailangan pa bang tanungin yun?" tanong ko rin sa kanya

"Ihhh basta sagutin mo na lang" sabi niya

"Hindi ko alam eh hindi naman natin pwedeng utusan ang puso natin kung sino yung mamahalin natin basta kusa mo na lang mararamdaman yun sa taong mahal mo" seryoso kong sabi

"Kaya love kita eh. Nung una parang alanganin pa ako sayo kasi nga masungit ka daw sabi ng mga tao tapos less talk ka hindi ka jolly sa ibang tao sa kakilala mo lang. Bakit ka ba ganun nung una?" tanong niya

Hi TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon