"Sitti, halika na! Bumangon ka na hoy!" Napasubsob ako sa unan ko nang marinig ko si Mudzrahada sa labas ng kwarto ko.
"Isa! Sitti!"
"Hoy dupang!"
Pero dahil dakila siyang makulit, napilit niya akong bumangon.
"Oh ano? Male-late na tayo't lahat teh! Wala ka bang takot kay Ma'am?"
"Tao lang naman rin siya. Psh,"
"Astagfirullah, bahala ka na nga, basta nagawa ko na yung performance task natin sa Physics. H'wag mo nang isipin 'yon." At doon napatingin ako sakanya.
"Hala, salamat! You're the best yiee!!"
"Sus, ang sarap kasi nung Pizza sa tapat ng school natin e..Baka naman," sabay pag sulyap sa'kin na parang kailangan ko talaga siyang bilhan noon.
"Sinasabi ko na nga ba, sige na" Napairap ako sa loob-looban ko. Talaga nga naman itong babaeng 'to. Minsan lang naman kaya pagbibigyan ko na.
"Yehey!"
Sa lahat ng tao sa mundo, si Mudzrahada lang ang pinaka nakakakilala sa'kin. Lahat ng galaw ko memorya niya. Kaya kung may pagkakatiwalaan man ako, siya lamang iyon at wala nang iba.
Lagi rin niya akong sinasalba sa lahat, kaya hanggang ngayon ay patuloy parin akong hindi nasisibak sa skwela.
"Uy, Mudzra, saan ka magcocollege?" Sabay na inilapag sa mesa ang mga snacks namin.
"Sa MSU ata Sitti e, ikaw ba?"
"Kung makakapasa edi MSU rin..masyadong mataas ang standard roon baka hindi ko kayanin,"
"Sus, ikaw pa ba? Kaya 'yan!"
Sa mga buwan matapos noong pag-uusap namin, hindi na gaanong nakakapagkamustahan. Ngunit tuwing nakakapang-abot kami sa daan ay talagang kinakausap namin ang isa't-isa.
Sa pagtapak ko ng kolehiyo, hindi ko maipagkakailang nakakapag-usap ako sa mga tao roon, hanggang sa nakilala ko si Al-sabri, kaklase ko sa isang minor subject namin.
Matipuno si Al-sabri, may pangarap na maging Engineer, galing man sa pangalawang pamilya ng mga Tajul ay hindi maipagkakailang masiyahin ito. Kaya hindi rin nagtagal ay nagkamabutihan kami.
Ngunit isang araw ay bigla nalang kaming hindi nagkasabay ni Jeff. Nakasanayan na namin kasi, pero iniwaksi ko ang mga ideyang pumapasok sa utak ko at pilit siyang iniintindi.
Baka busy lang sa plates.
Dumaan ang isa, dalawang linggo..hanggang sa umabot ng buwan. Walang ni isang anino ni Al-sabri na nahagilap.
Anong nangyayari? Bakit biglang ganito?
Napagpasiyahan kong hanapin siya sa Facebook. Hindi ako aktibo roon pero nang dahil sa hindi ako mapakali, kinailangan kong buksan iyon.
Makalipas ang ilang minuto ay bigla akong chinat ni Mudzrahada
Mudzrahada Atal • Active Now
: Hi sit!
; Hello
: Check mo tl ko dali, may ipapakilala ako sayo
; Ah sige wait
: Okiii
Pinuntahan ko ang profile ni Mudzra at ako'y pagak na natawa sa aking natunghayan.
Mudzrahada Atal is with Al-sabri Uttoh
To more days with you, lasa ko! <3
Like Comment Share
Biglang nagpop-up ang chat niya,
Mudzrahada: Ano na girl, pogi ba? Kakasagot ko lang sakaniya nung isang araw huhu sana magtagal kami
Hindi ko nakayanan. Naglog out ako sa aking account at bumulagta sa kama. Tulala.
Masyadong marami nang naisakripisyo si Alli sa'kin, ayokong magkasiraan kami sa isang lalake..
Hindi ko matanggap. Bakit ganon, Al? Bakit bestfriend ko pa?
Pagkabukas, bumaba sa may Nalil pupunta sana ako sa may Notre Dame nang nahagilap ko si Mudzra kasama si Al. Iiwas na sana ako ng daan pero nauna akong tawagin ni Mudzra.
"Sit! Salam, musta na?" masaya niyang bungad saakin nang makalapit sila.
"A-ah, waalaykumusalam Mudz! Okay lang naman ako, ikaw ba?" Pilit yung sigla pinapakita sa kanila.
"Okera sab sis, meet my boyfriend, si Al. Al, si Sitti bestfriend ko 'yan."
Hindi makatingin si Al saakin.
Pero kailangang may gawin ako.
"Hi Al, pwede ba tayong mag-usap?" Abot abot yung kaba kong pilit na sinasalita, "yung tayong dalawa lang sana.."
"A-ah, hehe" papalit palit na tingin saaming dalawa si Mudzra, "sige"
Sabay kaming naglakad ni Al. Nang makalayo kami kay Mudzra ay hindi na ako nagdalawang-isip na magsalita.
"Al, why?" gusto kong malaman..pero nanahimik lang siya. Tila ngayon lang niya tuluyang naintindihan ang mga nagyayari.
"Al, she's my bestfriend. I love her so much that it I am choosing to delay my happiness just to make hers possible." napayuko ako, unti-unting bumubuhos yung sakit sa pamamagitan ng luha.
"Love her, please."
"Yes, I will.."
And that's it. That's what I need to hear.
--
the media above is the actual screen cap of my google keep with the exact date. gbu :>
BINABASA MO ANG
Paubaya
Short Storyhi, i wrote this last feb 22, 2020 and revised it two days after. i really love typing random stories on my google keep notes, so months passed and now i decided to check on my google notes (since nasira phone ko and i'm using my laptop lang) nahana...