Saktong pagkaupo ko sa pwestong tinuro sa'kin ni Ma'am ay may biglang kumatok. Siguro yung isa na 'yun. Unang araw na unang araw late, amp. Linabas ko ang aking phone para ichat siya.
me: muntikan kapang malate pre ah
"Goodmorning" tanging bati niya sa aming guro. Nays wan pre, napakasigla mo sobra.
"Goodmorning, kindly introduce yourself to the class." sabi ni Ma'am nang naka lapit na siya sa upuan niya.
Sumunod siya sa gitna at nagpakilala, "Morning, I'm Paolo Castillo."
'Yun lang ang sinabi niya at tumingin na siya kay Ma'am na parang tinatanong kung san siya uupo. Yumuko na'ko dahil dapat ichachat ko ulit siya nang,
"You may sit beside Ms. Sandiego, and class kung nasaan kayo nakapwesto ngayon ay 'yan na ang magiging pwesto niyo for the whole school year, are we clear?" Napa-angat ako ng ulo at saktong tumambad ang mga mata ko sa pagmumukha nitong pangit na'to. So, I will be sitting beside him for 10 months? Baka magkaprehas kami ng grade neto sa card sa kalakihan ng mata at kahabaan ng leeg netong mokong na'to ah.
May dumaan sa harap ko at umupo sa tabi ko, nakatulala pala akong nag-iisip at 'di namalayang andito na siya. Well, as if I care.
"Hmm, sitting beside you for 10 months huh? Not that bad."
"Oh bakit 'yung pagkakasabi mo ay parang lugi kapa?" nakataas ang isang kilay kong nagtanong.
"'Di naman." tanging sinagot niya at nilabas ang phone, "Nice one Ms. Sandiego, first day of classes ginamit mo na agad 'yang phone mo sa klase just to chat me?"
"Nice one din Mr. Castillo, parang 'di mo ginagamit 'yang phone mo ngayon ah?" sabi ko na nagpairap ng mata niya. Tss, parang babae.
"Oh talaga b--"
"Mr. Castillo and Ms. Sandiego, first day na first day magdadaldalan lang kayo diyan?" Nag-angat ako ng tingin at ang mga mata ng mga kaklase ko ay nasa amin. Pinasadahan ko ng tingin sina ma'am at ang mga kaklase ko. Ang halos lahat ay parang natakot kaya umiwas ng tingin.
Attichodang froglets.
"Okay, so class I will be introducing myself naman. I am Ms. Janina Bartolome or Ms. Nina nalang for short. I will be your adviser and English teacher for this school year, are we clear?"
Conyo.
Sumagot ang mga kaklase ko ng 'yes' samantalang kami netong katabi ko ay tumango lang. May pinakita pa si ma'am na powerpoint pero 'di na'ko nag-abalang tumingin at makinig sa mga sinasabi niya. Dumaan pa ang dalawang subject bago kami nag20-minute break. Tumayo na ako dahil alam kong susunod nalang sa'kin si Paolo. Habang naglalakad sa hallway, ang mga mata ng mga estudyante ay nasa amin nanaman. Ang karamihan ay nagbubulungan pa.
"Who's that siga girl? She is so feeling cool."
"Omg are they like together? If they are, sure akong ginayuma ni girl si boy."
"Mga pre, angganda nung babae kaso siga masyado maglakad."
"The girl is so cheap and also she wears boys' clothes, like ew."
"Masasabunutan ko yang siga na 'yan kung sila talaga netong pogi na'to."
Ilan lang 'yan sa mga bulungan ng mga estudyante sa hallway. Nag-katinginan kami ni Paolo at tinaasan ako ng kilay, kaya linapitan ko yung nagsabing cheap ako. "Gosh, she's coming." Sabi nung kasama niya.
YOU ARE READING
That One Girl
Teen FictionIsang babae at isang lalaki ang lumipat sa isang pribadong paaralan. Nung umpisa ay malaki ang pagkakaiba nila pagdating sa tingin ng ibang tao. Ang lalaki ay kinilala bilang isa sa mga tinatawag nating Campus Heartthrob, samantalang ang babae ay ti...