Chapter 4

1 0 0
                                    

Chapter 5

Gumising ako ng maaga para bumaba na at magluto ng umagahan. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Sasama nalang ako kay Mama mamaya sa pagtitinda.

Nagluto lang ako ng itlog, tuyo, at nagsangag ng kanin. Naglapag na 'rin ako ng mga plato at baso sa lamesa para nakahanda na ang lahat pagkagising ni Mama.

Naligo lang ako saglit at habang nagsusuklay ay bigla nanaman akong napahinto matapos ko muling marinig ang boses ni Cayden. Parang may mga paru-paro akong nararamdaman sa sikmura ko.

"Good morning, Ma," bati ko sa kanya ng makita ko na nagsesepilyo siya sa lababo.

"Magandang umaga din, Nak,"

Nagsimula na kaming kumain ng umagahan ng magkasabay. Nagkwentuhan pa kami saglit bago napagdesisyunan na tumayo na at gumayak. Hinintay ko lang si Mama sa baba habang naliligo siya. Nakaupo lang ako doon at nang mabagot ay tumayo ako at nagpunta sa may pintuan. Pinagkrus ko ang mga braso at isinandal ang ulo ko sa may pintuan habang nakatanaw sa madilim pa na langit.

"Elianna nasa'n ka?" sigaw ni Mama.

"Ma, nandito lang po ako sa may pinto," sabi ko naman habang naglalakad na papabalik sa loob.

"Ate bili na kayo gulay fresh na fresh po ito," pagtatawag ko sa mga dumadaan sa pwesto namin.

Hindi ko maiwasan na hindi mapatulala sa tuwing naririnig at naaalala ko ang boses ni Cayden. At dito ko nga napagtanto na..

"Eli!" rinig kong sigaw ng isang babae.

Pagharap ko ay nakita ko ang isang naging kaklase ko noon. Si Mia, siya yung president namin noong grade 8. Maganda, maputi at matangkad ang isang 'to.

"Oy? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

"May balita ako sa'yo," sabi niya habang tuwang tuwang lumapit sa'kin.

"Ano 'yon?"

"Kukunin kita sa intrams natin may booth kami na binabalak at gusto ko nandoon ka,"

Bigla ay nagliwanag ang mga mata ko.

"S-sigurado ka ba riyan?"

"Oo naman!"

Natapos ang usapan namin ni Mia at umalis na siya. Todo ang pagpapasalamat ko sa kanya dahil noon pa lang ay gusto ko na talaga maging kabilang sa mga booth na nagaganap sa campus. Totoong mabait si Mia madalas pag napagdidiskitahan ako ni Madison noon ay siya ang nagtatanggol sa'kin.

Hapon na at nandito pa 'rin kami sa palengke. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay marami na kaming benta dito sa tindahan.

"Eli anak mauna ka ng umuwi at mamaya pa ako," biglang sabi ni Mama kaya agd akong napalingon.

"Ma, hihintayin ko nalang po kayo,"

"Anak para makapagpahinga ka naman at ikaw na 'rin ang bahala para sa pagkain natin,"

"Ma, kay-" naputol ang sasabihin ko ng biglang may dumating na mga asungot.

"Good noon, Tita!" sabay na bati nila at mgan bihis na bihis pa, san naman kaya lakad ng mga 'to?

"Aba magandang hapon rin sa inyo bihis na bihis ata kayo ngayon, saan ba ang lakad niyo?"

"Sa Mall po!" masiglang sagot ni Vien.

"Tita, pwede po ba na isama namin si Eli?" tanong ni Louie kay Mama.

"Marami pa akong-"

"Aba'y oo naman kanina ko pa nga sana yan pinapauwi buti nadatnan niyo pa rito,"

Kahit anong kontra ko ay wala na akong nagawa dahil nandito na kami sa loob ng mall habang hawak hawak ako sa braso ni Vien.

"Bakit ba kasi tayo nandito?" inis na tanong ko kaya agad akong nilingon ng dalawa.

"Bibili tayo ng cellphone mo," simpleng sagot ng dalawa na akala mo ay candy lang ang bibilhin.

"Mahal 'yon sa susunod nalang," pagkontra ko at tatahak na sana papatalikod kaso huli na ang lahat dahil hinatak na nila akong dalawa.

Nandito na kami sa second floor at pumasok kami sa bilihan ng mga naggagandahang cellphone dito. Totoong namamangha ako dahil ni minsan ay hindi pa ako nagkaroon ng mga ganoong uri ng telepono. Keypad lover ata 'to.


"Ano gusto mo?" tanong ni Louie.

"Ang mahal nga dito wag nalang,"


"Ate patingin nga po neto," turo ni Vien doon sa cellphone na kulay itim na nasa loob ng estante.


Hawak hawak na niya ang cellphone habang sinusuri. Si Louie naman ay nag iikot lang dito sa loob at nagtitingin tingin rin.


"Ito nalang," sabi ni Vien sabay abot ulit kay ate.


"Hoy! Mahal 'yon," bulong ko naman.

"Bakit may mabibili ka ba ngayon na cellphone na piso lang?"

Biglang bumalik na si Louie at agad na binayaran ang cellphone na kinuha ni Vien. Binilhan niya na 'rin ng case at pinakabitan na ng tempered raw sa screen. Malay ko ba sa mga tawag doon. At ang pinaka importante binilhan niya rin ng SIMCARD.

"Salamat, Louie," nahihiyang sabi ki dahil bitbit ko na ang kahon ng bago kong cellphone.

"Walang problema basta para sa mga bestfriend ko," sabay gulo niya sa buhok ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa mapagod kami at magutom kaya pumasok muna kami sa Mang Inasal para kumain. As usual si Louie na ang bahala sa gagastusin dahil ayaw niya kaming pag ambagin.

"Wala ba kayong lakad ni Alessa?" tanong ko habang naghihintay kami ng order namin.

"Marami siyang ginagawa 'lam mo naman masipag masyado mag aral 'yon,"

Napatango nalang ako at sunod ko naman na tinanong si Vien.


"Ikaw wala ba kayong lakad ng boyfriend mo?"

"Wele busy kese eke se peg eeral et strict eng parents ko," pabebeng sabi niya kaya sabay namin siya na binatukan ni Louie.

Masaya kaming nagkwentuhan at kumain. Bonding na 'rin namin itong tatlo. Totoong pag kasama ko sila walang ni isang minuto ang lilipas na hindi ako nakangiti o hindi ako tumatawa.

"Tara na baka gabihin tayo daan," sabi ni Louie kaya agad na kaming tumayo at sumunod sa kanya palabas.

Paglabas ay bigla akong may nakita na pamilyar na lalaki na nakasuot ng sumbrero at nakasalamin. Kakalabas niya lang galing sa loob ng National Bookstore.
Nakapamulsa siya at nakita ko ang ibang kababaihan na panay ang sulyap sa lalaki na iyon.

Bakit parang pamilyar?

"Cayden, wait for me,"at doon ko napagtanto na siya pala 'yon kaya bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko.

May babae na galing sa loob na tumatakbo  papunta sa gawi ni Cayden.

"Make it fast!" iritang sabi niya habang nakalingon sa babae.

Bigla ay para akong nanlumo. Bagay na bagay silang tingnan.


——————————————————

See you again, on my next chapter! 💘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling like the starsWhere stories live. Discover now