Episode 20

81 14 19
                                    

Dedicated to: AlyannaJayeAbejo2 SherraMin LaLeLRNLoLu JM95liner Noontime_Nap Zipazipsss Joyceeeee97

Episode Title:

"Chrysanthemum"


Nick's POV

Kusang lumihis ang dalawang movie tickets sa palad ko.

Nagkakagulo na sa paligid, may nagsisigawan, may umiiyak.

Nagsidatingan na rin ang rescue team upang iligtas ang mga taong nadamay sa pagsabog.

Pero kahit ilang ulit kong sulyapan ang kwartong iyon, wala akong Mitch Almira na nakikita.

Kung hindi ko siya iniwan, kung hindi ko lang siya iniwan ulit...

Bullshit! Tama na! Hindi pa nga siya magaling e.

Pinahid ko ang tubig na namumo sa mata ko. Nakakapuwing ang usok.

Nabawi ang atensyon ko nang maramdaman ang paghila ni Behold ang hibla ng aking damit.

"Nick... na saan si Mitch?" Nanginginig niyang tanong.

Unti-unti nang tumulo ang mga luha niya. Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong mahawa. Hindi. Hindi ako iiyak.

Pero kahit anong pagkakalake ang gawin ko, kung may tumapik sa likod ko, na parang sinasabing magpakatatag ako, hindi ko kaya. Para niya akong tinulak sa bangin.

Fuck you, Lewis.

Dinig ko ang pagsinghot niya. Si Eddie naman, nakayuko lang. Habang si Michael Angelo...

Ganoon pa rin ang ekspresyon. Walang pagbabago. Pero namumuti ang mga kamao nito habang mahigpit na hinahawakan ang bouquet na dapat ay regalo namin kay Mitch.

Dapat... dapat sosorpresahin namin siya. Dapat... sabay sabay kaming manonood ng movie na gusto niya. Balak namin siyang itakas--pero pakingshet na malagkit pa sa binatog!

Naabutan na lang namin ang malakas na pagsabog kaninang dumating kami rito. Hindi kami makalapit. Iniimbestigahan pa kung may nakaligtas sa kwarto na iyon.

Iniisip ko palang na wala na si Mitch--parang... parang hindi ko kaya. Para akong manghihina.

Nagsimula nang maghikbian sila Scarlet. Wala naman kaming ibang magawa kung hindi i-comfort ang isa't-isa.

"Hindi pa siya nagbibirthday--hindi man lang ako makakatikim ng shanghai..."
Nanghihinayang na sambit ni Lewis.

Isang malakas na sapak ang natanggap niya mula saamin. Nagmukha itong pompyang sa lakas ng impact.

"Nick... baka naman wala siya kanina sa loob... b-baka... baka lumabas siya... diba?" Ani Eddie. Alam naming pinipilit niyang magpakatatag.

Napailing ako at doon, mas lalo silang naging emosyonal. Kaunti na lang, pasuko na rin ako.

"Mitch doesn't deserve to die like this... she's maybe a bitch, but I know she has a good heart..."

"Hindi pa nga siya patay Behold!" Singhal sakanya ni Eddie.

"Huwag mo nga akong sigawan!" Mangiyak-ngiyak na sagot ni Behold.

"Babalik ka ha? Manunuod tayo."

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon