"Why are you here.. Oliver?"
Oliver? Tama ba ang narinig ni Sander? Pakiramdam niya'y parang dinaanan siya ng malamig na hangin. Yun pala si Oliver. Ang beloved ex-husband ng boss niya. Ngayon lang niya ito nakita sa personal. Kahit alam niyang wala siya sa posisyon para manakit, pero gusto niyang suntukin ito sa mukha. Labis ang hinanakit ng boss niya dahil sa Oliver na yun. Tapos ngayon nandito siya?
"Diane. I came to see you."
"W-why?" Paulit-ulit na tanong ni Diane dahil hindi pa rin siya makapaniwala.
"I missed you. I really do miss you." Sabi ni Oliver and he hugs her again. This time, yumakap rin si Diane sa kanya.
Isa lang ang pumasok sa isip ni Sander: Marupok din pala ang isang Diane Martinez. Ito na siguro ang sign na magkakabalikan sila. Ayos rin ang timing mo Sir. - sa isip ni Sander. Gusto sana ni Sander na umalis at iiwang mag-moment ang dalawa total hindi naman siya kailangan doon eh. Pero gusto niya rin sanang pigilan at payuhan ang boss niya ngunit sino ba naman siya para gawin yun? Wala. Isang hamak na assistant lang. Note: substitute assistant pa.
"Uhm, Alex. I have to go." Sabi ni Diane. "Ikaw na ang bahala dito. Paki-sabi na rin kay Regina."
Mabilis na umalis si Diane kasama si Oliver. Hindi sigurado si Sander kung ano ang reaksyon niya sa nangyari. Hindi man lang siya pinakilala ng boss niya sa ex-husband nito. Pero yun nga diba, sino ba naman siya..
*
*
*
*
*
Oliver brought Diane to a luxurious restaurant where they had an expensive meal with a fancy wine together. Binayaran ni Oliver ang buong restaurant sa oras na iyon para ma-reserve ang place just for the two of them. In short, maliban sa violinist doon na tumutugtog ng classical romantic music, silang dalawa lang ang nasa dining area. Tahimik lang silang dalawa sa unang kalahati ng oras. Habang naghihintay sa kanilang pagkain, walang imik at walang kibo si Diane. Sa totoo lang galit pa siya sa nangyari sa kanila ni Oliver. Pero ngayon mas galit siya sa kanyang sarili. Dahil kahit ano pang nangyari, mahal niya pa rin talaga si Oliver. Hindi niya inexpect na ngayong nagkita sila ulit, bumabalik rin ang pagmamahal niya nito. Ayaw niya lang aminin.
"How you've been?" He starts to ask just to break the silence. Pero hindi siya sinagot. So he just reached out for Diane's hand on the table and gave it a light squeeze. "I understand if you're overwhelmed right now. I just want to let you know that I really miss you."
Diane just can't help it. Bakit pa niya itatago ang totoo niyang nararamdaman? "I miss you too." Sabi niya at muntik nang mapaluha.
It was a great meal together. Kahit medyo busog pa si Diane nang mga oras na yun kasi hindi pa masyadong matagal nang nag-lunch siya, kumain pa rin siya. They talked less and focused more on the meal. The food was good. Also the wine. And the background music. And because she was eating with Oliver. It felt so nice and she's just so happy.
Pagdating nang hapon nang hindi na mainit sa labas, naglakad-lakad sila sa malapit na park. Hindi masyadong ma-tao ang lugar sa mga oras na yun. Doon sila nakapag-usap ng maigi. Walang binanggit si Oliver tungkol kay Melania o sa buhay niya after the divorce went final. Hindi rin naman importante yun kay Diane. They just talked about work, their family, Diane's mom Dina, and of course their only son Daniver.
Naghihintay si Diane na mag-so-sorry ang ex-husband niya sa kanya, but he didn't. And it was fine by her. Okay na sa kanya na pinuntahan siya ni Oliver ngayon all the way from New York para lang makasama siya. Magkasama sila buong araw.
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...