CHAPTER 53

14.3K 615 21
                                    

Chapter 53: Pretend

Rue

"P'SST!"

"Rue!"

"Gising!"

"Tulog mantika talaga ang isang 'to. Uy!"

Napahawak ako sa ulo ko nang may tumamang isang maliit na bagay roon. Tang na juice naman!

"Kuya  ano ba! Paano ka nakapasok sa kuwarto ko? Umalis ka na nga rito!" bugnot na sabi ko habang napapikit. May tumama ulit sa ulo ko sa ikalawang pagkakataon.  "Ano ba, kuya! Ganiyan ka na ba ka broken kaya ako ang binubwisit mo, ha?" Napamulat na ako pero  medyo wala akong maaninaw dulot ng kadiliman.

"Anong kuya? Kaklase mo 'ko! Ano ka ba, Rue." Nagpalinga-linga ako pero wala naman akong nakikitang tao. "Sa harap mo! Nandito ako, oh!" Napatingin ako sa harap ko pero wala naman akong nakitang tao.

"Ha? Wala naman ah? Kaboses mo si Owen. Ikaw ba 'yan?"

Pilit kong inalala kung bakit ako nandito. Oo nga pala!

"Malamang ako 'to. May gwapo ka pa bang nilalang na kilala sa balat ng lupa? Ako 'to si Owen na mahal na mahal mo!" Napatawa siya pero mahina lang 'yon.

Nandiri ako sa huling sinabi niya. Bakit parang nadinig  ko na 'yang linyang 'yan? Saan ko nga ba narinig 'yon? Ay ewan, bahala siya!

Pilit kong inaninaw ang nasa harapan ko. Nagulat ako ng may makitang pares ng mga mata sa dilim. Bwisit na Owen 'to.

"Ikaw nga! Bakit andyan ka?"

"Malamang dahil nakatali ako rito. Kalagan mo ako ,dalian mo."

Oo nga naman Rue. Hay naku! Saan utak mo Rue ha? Lumapit ako sa kanya pagkatapos.

"Ayaw makalag. Ang dilim dito Wen!" Inis kong sabi habang pilit na kinakalagan ang mga kamay niya.

Bakit ba 'to nakatali? E, ako hindi? Parang tanga 'yong may pakana nito. Syempre kapag nagkamalay ako, edi kakalagan ko talaga ang kasama ko.

"Teka? Kung kamay mo ang nakatali, paano mo ako nabato ng kung ano sa ulo ko?" Taka kong sabi.

"Malamang gamit ang mga paa ko. Rue naman. Dalian mo na. Kung ayaw makalag, ngatngatin mo na lang," demand nito.

"Teka lang naman! Anong akala mo sa 'kin daga? Ikaw kaya ngumatngat nito para malaman mo!" Mahinang singhal ko.

Naghanap ako pinaghigaan ko kanina ng magagamit na matalim na bagay. Doon lang kasi nasisinagan ng buwan kaya malaya kong nakikita ang mga nakakalat sa semento. Nakaisip ako bigla ng ideya.

"Saan mo 'ko balak dalhin Rue ha? May balak ka sa 'kin no?" Mahinang anito.

"Kingina! Manahimik ka nga Owen. Naririndi ako sa boses mo! Baka mahuli tayo rito sa kaingayan mo!" Singhal ko.

"Ikaw nga ang lakas ng boses d'yan. Ako pa sinisi mo."

"Isa pa talaga Owen! Isasaksak ko 'tong hawak ko sa 'yo."

"He-he ang ganda mo talaga Rue. Heto na nga mananahimik na ang gwapong ako."

Napairap ako sa kawalan dahil sa kahanginang taglay ng isang 'to. Nasa delikado na nga kaming sitwasyon, may gana pang maghangin at puriin ang sarili. Iba rin!

Unti-unti kong hinila ang upuan niya sa may liwanag hanggang sa maabot ko 'yon. Sinimulan kong kalagin ang tali gamit ang basag na bote. Sinigurado kong hindi matatamaan ang kamay niya dahil kapag sumigaw ang lokong 'to baka mahuli pa kami at hindi na talaga makalabas. Ilang sandali lang ay nakalag ko rin.

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon