MALUNGKOT kong inilagay sa bag ang mga gamit ko na nakalagay sa shelf. Last day na ng grade 6 days namin kaya kailangan nang iuwi ang mga gamit namin.
Inilagay ko ang notebook kong may stickers na nakadikit sa likod na bigay ni Janine sa bag ko. I looked at Janine who is now on my side. Nililigpit niya rin ang mga gamit niya at inilalagay ang mga ito sa bag niya.
"Aiden, 'tong notebook mo pala, hindi ko pa nasusuoli," sabi ni Janine at inilapag sa kamay ko ang notebook na pinahiram ko sa kan'ya last week.
"Teka, 'yung ballpen mo pala," saad ko at hinalughog ang bag ko para hanapin ang ballpen niya at saka ito ibinalik sa kan'ya.
"May ibibigay rin pala ako sa inyo." Inilabas ko sa bag ko ang dalawang regalo. Binili ko 'tong regalo last week no'ng nagpunta kami ng family ko sa SM. I smiled widely, lending them my appreciation gift.
"Para saan 'to, Aiden?" tanong ni Rowan habang sinusuri ang nakabalot pang regalo na binigay ko sa kan'ya.
"Appreciation gift," maikli kong sagot.
"Bakit may appreciation gift pa?" tanong naman ni Janine.
"I appreciate your efforts, guys. Naa-appreciate ko na lagi kayong nand'yan para sa 'kin kaya binilhan ko kayo ng regalo," tugon ko at tinignan silang dalawa. "Thank you, guys, for always staying beside me. Thank you for being good friends to me. Kung hindi ko siguro kayo naging kaibigan ay magiging boring ang elementary days ko." Sinundan ko ng tawa ang sinasabi ko para naman hindi maging awkward.
Janine immediately became teary eyed at napayakap na lang sa akin. Sobrang bilis niya talagang mapa-iyak.
Ugh! She's so cute.
"Thank you rin, Aiden. Thank you for also being a good friend to us. Ikaw pa naman ang pinaka-caring sa 'ting tatlo," litanya ni Janine.
Niyakap ko rin si Janine at yumakap din sa amin si Rowan.
"Hindi niyo ako sinasali sa hug, ah. Siguro gusto niyo kayong dalawa lang ang magkayakap," saad niya.
Nginisian ko lang siya at pasimpleng hinigpitan ang yakap kay Janine. Pagkatapos ng ilang segundo ay naghiwalay na rin kaming tatlo.
"Promise me na hindi niyo ako kakalimutan, ah. Promise me na hindi tayo magkakalimutan kahit na sa iba't ibang schools tayo magha-high school, kahit na magkaroon pa tayo ng bagong kaibigan," naiiyak na namang wika ni Janine.
I grabbed my handkerchief from the pocket of my pants and wiped the tears on Janine's cheeks. "Syempre naman ay hindi ko kayo kakalimutan. Nakatatak na sa utak ko ang mga mukha niyong dalawa, 'no." Nginitian ko si Janine para tumigil na siya sa pag-iyak.
Hindi talaga bagay sa kan'ya ang pag-iyak. Maganda pa rin naman siya kapag umiiyak pero mas maganda talaga siya kapag nakangiti at nagniningning ang mga mata.
"'Wag kang matakot na makakalimutan ka namin, Janine. Hinding hindi kita makakalimutan! Mas hindi ka makakalimutan ni Aiden dahil lagi ka niyang iniisip. Hindi nga yata 'yan nakakatulog kapag hindi inaalala ang mukha mo, eh," sabi ni Rowan.
Medyo namula ang mga pisngi ko dahil may katotohanan ang sinabi niya. Lagi ko nang iniisip si Janine at halos hindi ako makatulog kapag hindi ko inaalala ang mukha niya sa gabi. Ang mukha ni Janine ang nagpapakalma sa akin kaya madali akong nakakatulog kapag naaalala ko ang malambing niyang mukha.
Janine glanced at me, probably believing what Rowan said. She should believe those because those are the true though.
"Teka, may ibibigay din ako sa inyo," sabi ni Rowan at naglabas ng dalawang regalo sa bag niya at iniabot ang ito sa amin. "Sa bahay niyo na buksan 'yan, ah. Baka maiyak kayo kapag nakita niyo 'yan, eh."
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...