"Tara naaaaaa!"

"Nambubulabog ka na naman Abby!"

"Tara na kasi Stella! Gising na! Kanina ka pa nakahilata riyan,"

"Pakialam mo ba? Ayg buot." sabi ko at agad na tinakpan ang mukha ko gamit ang unan.

"Balakajan." rinig kong sabi niya at 'di nagtagal umalis na rin siya sa kwarto ko.

Gising na ang buong diwa ko nang dahil sa pambubulabog ni Abby pero nakapikit pa ang aking mga mata. Alam mo yun? 'Yung tipong gising ka na pero tinatamad ka lang bumangon.

Agad ko namang inabot ang aking phone nang bigla itong nag-ingay. Nakapikit pa ang isang mata ko at nakadilat ang isa habang in-on ang phone ko.

Yawa tinatamad pa akong bumangon.

From: Brian
Ayaw mong sumama?

I heaved a sigh.

To: Brian
San ba kayo pupunta?

From: Abby
Mu apas ka?

(Susunod ka lang?)

Okay fine.

Kahit labag sa aking kalooban na bumangon ay bumangon pa rin ako dahil kailangan. Kaagad akong pumasok ng cr at nag toothbrush tsaka naghilamos na rin. Hindi ako maliligo ngayon kasi napakalamig ng panahon. Parang convo ninyo---ayy sorry pasmado.

Pagkatapos kong mag toothbrush at maghilamos ay kaagad akong nagbihis ng black long sleeve turtle neck na top at pinaresan ko ito ng high waist skinny jeans, white leather jacket at black leather boots.

Kaagad kong dinampot ang aking shoulder bag at cellphone at lumabas na ng kwarto.

"Ay wow! Ang bilis! Dinaig mo si Flash sa sobrang bilis ng kilos mo ghorl," salubong ni Abby sa 'kin nang makalabas na ako ng kwarto.

Kaagad ko naman siyang binelatan at nauna nang lumabas sa kanila ng bahay.

Kasalukuyan kami ngayong nakikitira muna sa bahay ng kaibigan ni Brian. One week lang naman kami rito kaya pumayag din naman siya.

Ang una naming pinuntahan ay ang Atlantic City and The Boardwalk tas pumunta rin kami sa Old Victorian Cape May at ang huling pinuntahan namin ngayong araw ay ang Liberty State Park.

Umuwi kaming pagod sa bahay pero worth it naman. Pagkapasok namin sa bahay ay kaagad akong dumeritso sa kwarto at hinubad ang boots at jacket ko.

"Ako say una mu gamit sa cr, wait." sabi ko at agad na pumasok sa loob ng cr upang makapag half bath na.

(Ako muna ang gagamit sa cr, wait)

Pagkatapos kong mag half bath ay lumabas na ako ng cr at si Abby naman ang sumunod na gumamit ngayon. Kaagad akong nagbihis ng pajama at humiga na sa kama ko. Share lang kami ng kwarto for now ni Abby pero hindi kami share ng kama.

At dahil sa pagod ay unti-unti nang sumarado ang aking mga talukap dahil sa antok.

Hindi ko alam kung sinong nag udyok sa 'kin na magising. Bigla nalang akong nagising. Anyare? Agad kong dinampot ang phone ko at nakita kong alas tres na ng madaling araw. Ba't ako nagising?

Sinubukan ko ulit matulog ngunit hindi na talaga kaya kasi gising na ang buong diwa ko. Kaya no choice ako kundi kunin 'yung phone ko at sinimulan na namang mag near group.

Piskot, clown ka self. Sabi mo hindi kana mag n-near group pero ito ka ngayon kasalukuyang naghahanap.

I immediately typed the chat now at sinend iyon di nagtagal nag reply din si near group ng...

Kanus a Kaha? (Cebuana Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon