ITMP : C.3

2 1 0
                                    

Astraea

I've been living in a life with a handful of responsibilities and I hate its weight. I hate responsibilities because I hate failing people's expectations that's why I do whatever it takes to ace everything even though it's hurting myself in the process. I am born for the people's sake and I accepted that fate but not in this country. I thought that I'll be free in here, free from responsibilities but here we go! It knocks on my door.

"He's not my responsibility." I replied emotionlessly. Nagulat ako nang mapatawa ng sarkastiko ang nag-iisang babae sa grupo.

"Kung hindi lang kayo magkamukha, hindi ko aakalain na magkapatid kayo. Ang sama ng ugali mo." Nangalaiti nyang wika.

"Tina!" Magkasabay na sita ng tatlo na syang ikinangisi ko. Sila ang may kailangan sa'kin kaya as much as possible dapat maging maingat sila sa binibitawan nilang kataga para sakaling magbago ang isip ko ngunit ngayon palang, gusto ko na silang palayasin sa kwarto.

"You don't have to spill that, darling. Matagal ko ng alam 'yan," walang gana kong sagot at pinaglalaruan ang dulo ng nakalugay kong buhok. "By the way, your words awhile ago made me decline your favor even more."

Napasinghap sila sa sinabi ko at nakita ko ang matalas na pagtingin ni Raf kay Tina na  ngayon ay pinatay na ako sa sama ng tingin .

"A-Astraea, b-baka nam-"

"Miss Granger. You should address me in that way. We are not friends for you to address me in first name bases." putol ko sa pagsalita ni Miggy. Napalunok ito.

"So, what shall we do to change your mind, Miss Granger?" Kalmadong wika ni Eleazar habang nakatitig sa mga mata ko. Sumandal ako sa backrest ng upuan at inilagay  ang kanan kong kamay sa ilalim ng baba at tumitig sa kaliwang bahagi ng kisame, tila nag-iisip.

"Hmm" mahinang usal na lumabas sa bibig ko habang bahagyang hinagod gamit ang hintuturong daliri ang baba ko.  Napanguso ako nang wala akong maisip at bahagyang umiling. Ba't humina ata utak ko ngayon? Binalingan ko nalang ng tingin ang apat at hindi ko mabasa ang ekspresyon nila sa mukha. Nakaawang ang mga labi na tila namamangha? Napairap ako. As if naman na may dapat silang ikamangha.

"What's with that expression?" Inis kong puna. Napatikhim sila at napaayos ng upo.

"Just give me a damn reason why I should do your favor."

"Why won't you do our favor when it's easy for you to do it? Ba't pinapahirapan mo pa kami?" Inis na wika ni Miggy.

"Mig!" Galit at magkasabay na sita ni Raf at Eleazar habang tila'y proud pa si Tina sa kaibigan.

They're getting on my nerves. Kung makapagsalita, tila'y inutusan nya akong maghiwa ng cake ah.

"Madali lang naman pala so kayo na ang gagawa. You don't need my help after all. Nagsayang lang ako ng laway dito." Balewalang sagot ko at humikab. "Get out of my room. You don't deserve my time."

Tumayo ako at tinalikuran sila bago humakbang patungo sa kama. Hihiga na sana ako nang napansin ko na hindi pa rin sila lumabas. Walang emosyon ko silang binalingan ng tingin.

"Get out," malamig kong sambit kaya napilitan silang umalis. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame na may kumikinang na crystal chandelier. If only they approached nicely, I would've gave consideration.

Kinagabihan, napagpasyahan ko na dumalo sa lamay. Ito na ang huling gabi dahil bukas na sya ililibing. Itim na bestida na lagpas tuhod ang suot ko na hanggang palapulsuhan ang manggas. Hinayaan ko ring nakalugay ang buhok ko at naglagay ng konting make-up. For sure maraming tao sa baba kaya dapat presentable ako. Kulay gray ang contact lens na suot ko ngayon. Damn I love contact lenses.

"Astraea, nag dinner ka na ba?" nag-alalang tanong ng step mom kaya napatingin ako sa kanya.

"Yeah,"

"Do you need anything?"

Mukha ba akong may kailangan? Tsk.

"Nah."

"Alright, just tell me if you need anything."

"K."

Tinalikuran ko na sya pagkatapos at nilapitan ang kabaong ng kambal ko. Hindi ko nalang pinansin ang paligid ngunit ramdam ko pa rin ang mga matang nakatuon sa'kin pati ang mga bulungan na wala namang kabuluhan. I smiled sadly when I saw my twin once again. Para lang syang natulog ng mahimbing at tila'y may kasiyahang nakaguhit sa mukha nya. Are you glad that you died? Speaking of death, hindi ko pala alam kung ano ba talaga ang ikinamatay nya. What I know is that she died in an accident but what kind of accident? I guess I'll have to ask Dad later. Umupo ako sa pinakaunahang upuan.

"Miss Granger?" Napatingin ako sa katabi ko. It's Eleazar. Tinaasan ko sya ng kilay ngunit ngumiti sya sa'kin.

"If it's fine with you, can I have a word?" Magalang nyang wika.

"About that favor again?" Nahihiyang tumango sya sa sinabi ko. Tumayo ako at nagtungo sa terrace. Mabuti naman at may common sense ang lalaking ito dahil sumunod sya. Papasa na sya bilang butler sa totoo lang. Napahalukipkip ako nang naramdaman ko ang malamig na hangin. Hindi naman kasi makapal ang suot ko.

"Miss Granger," panimula nya.
Sumandal ako pagilid sa pader kaya kita ko parin ang kalangitan na may libo libong mga tala na nagbibigay liwanag. "Sana matutulungan mo kami. We did our best to console him pero ayaw nya talaga."

Napapikit ako dahil dinamdam ko ang katiwasayan ng gabi. "I thought Dad talked to him already,"

"Yes, Tito Nicolo did but still hindi namin alam kung nalinawan ba sya o hindi dahil tulala lang sya at hindi nagsasalita." Nahimigan ko ang pag-alala sa kanyang boses.

"You cared for that guy so much huh?"

"He's my best friend after all," tumango nalang ako.

"Why do you think that I'm the last person who could snap him out? In fact, you all should keep him away from me since his deceased lover and I were twins. It's a torture for him." I said as matter of fact. Taliwas sa hinihingi nilang pabor ang inaasahan ko.

"Smart woman," puri nya. "Yet, there's a high possibility na iisipin nyang buhay pa si Areia sa katauhan mo. Your twin used to prank him most of the time kaya mahirap sa kanya na ma digest ang pangyayari. Most especially when he was out of the country when Areia died." Mahabang paliwanag nya.

"Why do you think that I shall help you with this?" Taas kilay kong tanong.

"Your twin loved my best friend so much and for sure hindi nya gustong mawasak at mabaliw ang pinakamamahal nya." Napangisi ako nang may napagtanto.

"You must know her well." Napansin ko na napakagat labi sya.

"Of course, she was my best friend." Kalmadong sagot nya. Tama nga ang hinala ko. He's too easy to read.

" To put it in a nutshell, you want me to do the favor for my twin's sake ." Prankang wika ko. Umayos ako ng tayo.

"Very well then, let's see what I can do." Bakas ang saya sa mukha nya nang marinig ang sinabi ko. Bago pa nya akong mayakap, agad akong umalis at nagtungo sa silid ko. I heard him yelled, "Thank you Miss Granger!" Napailing ako.






























•Black_Aphrodeath

In The Midst of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon