Ano bang ginagawa ng baliw na ‘to dito? Bwisit! Nakanakaw pa ng halik! Hawig pamandin siya ng pangalan ni hot fafa Kyler na asawa ni Emerald, sayang! Ang gwapo! Kaso baliw! Baliw sa akin! Hahaha. Oh my God.. Wait.. A-asawa ni Emerald.. Sino si Kyler.. Napahawak ako sa noo ko.
Biglang nanlabo ang paningin ko. Buti nalang at naalalayan ako nitong baliw na si Kyle. Sabi sainyo diba, hawig ng name ni fafa Ky—
“Ahhh!”
“Diana?! What happened?” narinig kong sabi ni Trance habang hinahaltak niya ako sa may hawak sa akin. Shet lalo akong nahilo!
“Who the fvck are you?” rinig ko ring sabi ni Martin kay Kyle. Shems. Ang sakit talaga ng ulo ko. Ngayon pa sila nag angasan! Pwedeng iupo niyo ako? Please?
“I’m her boyfriend.” Maangas na sabi ni Kyle. Biglang nawala ang sakit ng ulo ko at napatuwid ako ng tayo saka ako bumitaw sa pagkakahawak ni Trance.
“In your dreams!” sigaw ko sakanya. Imbis na mainis siya at lumayas, ang loko tumawa pa! Potek! Baliw talaga! Sayang kagwapuhan! Gusto ko nang murahin! Napaka kulit!
“Ang sweet talaga ng girlfriend ko. Long time no see.” Sabi niya pa habang nilalabas ang dimples niyang hot. Shet naman! Bakit ba ang haba ng buhok ko! Hahaha. Psh natawa pa nga ako. I rolled my eyes at dumiretso sa upuan namin. Kumuha ako ng isang baso ng tubig at ininom.
Tumabi sa akin si Kristoff at inagaw ang tubig sa akin at uminom. Ehhhhhh, indirec t kiss. Hihihi.
“Sino ‘yun?” sabi niya habang nginunguso si Kyle na kanina pa nakatingin ng masama kay Kristoff. Psh. Aba’t ang lakas ng loob sumama pa dito at naki upo.
“Ah, wala sweety. ‘Wag ka magselos diyan, baliw ‘yan. Hahaha” sabay abot ko sa basong ininuman niya at uminom ulit.
“Sweety ka jan, sino nga ‘yan? Ang sama maka tingin!” napatawa na ako sa sinabi ni Kristoff. Selos lang eh!
“I can’t remember kung saan ko nakilala ‘yang Kyle na yan. Alam mo naman ang sakit ko. Pero ever since nang makilala ko yan, hindi na ako tinantanan. Kita mo ngayon, nasundan nanaman ako. Ang kulit!” bulong ko sakanya saka ko nginisian si Kyle.
Nakita kong kumunot ang noo niya na lalo kong ikinatawa. Nagseselos ang loko. Pampam talaga eh. Nakuuu!
“Himala, you remembered his name.” turan ni Kristoff. Napaisip ako, oo nga no?
“Eh, kasi hawig ng pangalan nung asawa ni Emerald. Si Ky...ler” napatigil ako nang tignan ako sa mata ni Kristoff. Kitang kita sa mata niya na parang sinasabi niya na ‘naaalala mo?’
Napatingin ako sa wrist watch ko. Ay, gabi na pala. “Guys, uwi na ako.” Saka ako tumayo at kinuha ang bag ko. Hindi ko nalang ulit sinagot si Kristoff. Mabuti nga’t hindi na sumakit ang ulo ko. Wala talaga akong maalala.
BINABASA MO ANG
Painful Desires (completed)
Ficção Geral[Warning : SPG] "Buntis ako." Agad niya akong niyakap. "Pananagutan kita. Magsasama tayo!" Sana ganoon nalang kadali iyon. Pero papaano kami magsasama nang matiwasay kung maraming hadlang? Sapat na bang panagutan niya ang lahat kung alam ko na gago...