Dedicated to: develish101
The storm has come.
Dark hues, thoughts of blues,
Sailing through blind pigments,
Spirits untangled, untouched.
Painting the shallow gasps, winds of change, now hushed.
Because only when you die, you will know everyone's true color.
But only when it's dark, a light from within, a beauty of shadows, will begin.
Episode Title:
"Datura stramonium"
3rd Person's POV
"Grabe no? Sa sobrang bitch niya siguro, to the point na may nagpapatay sakanya."
The fine dust coming from the mirror moisted against the shallow air.
"True. Kinikilabutan ako. Paano 'pag multuhin tayo isa-isa ni Mitch?"
Umagos ang tubig sa gripo.
Nagkatinginan ang dalawang babae at napatigil sa paglagay ng face powder.
Ilang saglit pa'y napuno ng sigawan ang buong restroom. Nagsisitatakbo palabas, sindak at kaba ang namutawi sa mga mukha.
Kung ang ibang estudyante ay nagsasaya, ang ilan ay hindi mapakali sa nabalitaan.
"Uy, ang boring 'pag wala iyong mga troublemakers."
Bagsak nitong isinara ang libro.
"Sinabi mo pa."
"Baka nagluluksa sila ngayon. Nakakaawa naman sila."
"Mukha silang tuta na nawalan ng amo."
Sumabog ang tawanan ng magkakaibigan.
"Oy! Amy!"
Napapitlag si Amy sa narinig. Mahinhin itong naglakad patungo sa pwesto ng mga kaklase.
"Nabalitaan mo na nangyari kay Mitch?"
Tumango ito ng bahagya.
"Hindi ba crush mo si Eddie? Ano daw balita?"
"Wala. H-hindi ko alam. Excuse me."
Nakayuko itong umalis. Nagtaka ang magkaibigan at nagkibit na lang.
Habang naglalakad, hindi nakatakas sa kanyang memorya ang huling pag-uusap nila ni Mitch.
Amy's POV
"Why did you do that?"
"You're too conceited Mitch! Sayo na lang lahat ng atensyon!"
Nanatili akong nakayuko.
"Boring reason. Tell me, did Winona tell you to do this?"
Nahuli kong ngumisi si Mitch, mahinang sinisipa ang mga bato sa lupa.
She's too quick for skeptical expression. I just know her in a span of time. Sa bawat kwento ni Eddie sa kanya, hindi ako naniniwala. I thought for some reason, na-brain washed lang si Eddie, corrupted by all her bad predicaments.
Tama siya, inutos 'to saakin ni Winona. We all planned it from the very start. Plano naming buwagin ang grupo nila.
"Hindi mo sasabihin iyong totoo? Pwes, ako ang magsasabi kay Cabini." Matalim ang kanyang mga salita.
BINABASA MO ANG
He Loves Me, She Loves Me Not
Ficción GeneralWhen the villain got her own story, will someone finally understand her? Or just like a villain's ending... will she suffer in the end? Highest ranking: #2 friendzone #3 medtech #4 savage