HABANG NAGLALAKAD siya ay kabadong-kabado ako. I never thought makikita ko siya sa mismong birthday ko.
Ilang araw ang dumaan at ang akala ko ay hindi ko na siya makikita ulit.
Ngayon ay masasabi kong kumpletong-kumpleto na talaga ang celebrasyong ito.
"Daddy. Paano po niya nalamang birthday ko?" Tanong ko kay daddy ngunit hindi ko inalis yung paningin sa kanya.
"I invited him" tanging sagot lang niya.
Nang makarating si Hector sa stage ay agad niyang binati si daddy. Nagpaalam si daddy saka bumaba.
Lubos ang saya na aking nararamdaman. Yung lalaking gumugulo sa isip ko isang buwan na ang lumipas ay nandito na sa harap ko.
Naiinis ako sa mukha niya dati pero ngayon ay tila nag bago na.
Siguro ay dahil sa mga araw na nagdaan na siya ang hinahanap hanap ko.
Hindi ko man ma amin sa kanila. Alam ko sa sarili kong siya talaga ang dahilan ng lahat.
Ngayon ko lang rin napagtantong ang gandang lalaki pala talaga niya. Eve is right.
"Happy birthday Yrah" pormal niyang bati sabay abot ng rosas na dala niya.
Nangunot ang noo ko nang pula ang kulay nun. Inabot ko at tumingin sa kanya.
Ngumisi siya. "I want to be the reason of having emphasis with these flowers" kinuha niya yung kaliwang kamay ko kung saan ko hinawakan ang bulaklak.
Ngumiti ako sa kanya. "Thank you Hector" nakangiti kong sambit.
Totoong masaya ako sa presensya niya ngayon. I never expect him to be here. Kaagad kong naalala yung mga nasabi ko sa kanya, yung guilt na naramdaman ko.
Noong mga araw na hindi na siya nag papakita sa akin.
"Why are you sad?" Nag-aalalang tanong niya.
Nagmukhang malungkot pa talaga ako? Hindi ko man lang namalayan.
"Aren't you happy na nandito ako?" Malungkot niyang dagdag.
Umiling ako. "Of course, I'm happy. Naisip ko lang kasi yung nangyari last time. Sorry about that" bumuntong hininga ako.
"Its okay. Wala na sakin yun" ngumiti siya. "Lets dance?"
Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na kaming sumabay sa kanta. Nakaka tuwang kaka simula lang rin ng instrumental na tugtog na All of me by John Legend.
Habang nakatitig kami sa isa't-isa, ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ngunit hindi iyon lumabas sa bibig ko. Nag e enjoy rin akong pagmasdan ang napakaganda niyang mukha.
"Did you miss me?" Tanong niya sa kalagitnaan ng pananahimik namin at nakatitig lang sa isat-isa.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nahihiya ako sa kanyang aminin na na-miss ko siya. Ngunit awtomatikong tumango yung ulo ko na siyang dahilan ng pag ngiti niya.
"I missed you too Yrah" Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Its been a month na hindi ako nagpakita sayo"
Tumugon rin ako sa yakap niya. "Oo. Ang totoo ay lagi kitang iniisip. Na guiguilty ako sa mga sinabi ko sayo" malungkot kong ani.
Kumawala siya sa pagka yakap sa akin. "Actually that's the reason why. That was the first time that I've heard someone throwing those words on me" he frowned pero biglang ngumiti. "But its okay. What's more important is nandito ako ngayon. Celebrating with you" he has this genuine smile kaya napangiti rin ako.
BINABASA MO ANG
The Man from Different World | COMPLETED |
RomanceA story of a girl in which she will meet a man from different world; online and real world.