TINAKPAN ni Pats ang ilong at patingin-tingin nang maigi sa buong kwarto. Ang his eyes were drawn to an open album that was placed on the bedside table.
Lumapit siya at napako ang kanyang atensyon doon. Nakita niya ang isang disenyo ng pambabaeng sapatos, with their specific designed and patterned cloth at the upper right side of the white paper. He checked the other pages filled with other designs, patterns and cloths with specific colors, embroidery or jewels and beads as accessories.
He blinked and was fascinated by the designs. The shoe designs were for women. And then, he looked around the room again.
Who the hell uses this horrible room? tanong pa niya sa sarili at pumunta sa sarili niyang kwarto.
Napaisip siya. Parang bago lang ginamit ang mga iyon. He shuddered at the thought of someone who had no sense of sanitation. Naisipan niyang huwag pumasok sa araw ng biyernes. Kailangan bantayan niya kung may gumagamit nga sa silid na yon. Curious siya kung sino ang kanyang secret housemate.
He waited in the middle of the day like a hungry hunter. He was patient and so prepared for the kill.
Pero nakatulog na lamang ang binata sa kahihintay.
Nang magising siya ay bandang alas dyes na ng umaga.
Wala siyang napansing dumating. Nagpasya siyang pumasok sa opisina. Aagahan na lang niya ang pag-uwi mamaya. Baka swertehin siya at makita ang sinumang babaeng gumagamit sa kwartong iyon. And if that woman was the one who designed those ladies shoes.
LATE NANG NAKAUWI si Erika. Alas onse medya na ng umaga dahil dumaan pa siya sa grocery upang bumili ng mga kakailanganin niya. Dinatnan siya sa araw na ito at naubos na pala ang kanyang reserbang sanitary napkins.
Inilagay niya sa paanan ng kama ang kanyang mga binili at nakatulog siyang hindi man lang
nakapagpalit ng kanyang short skirt and spaghetti-strapped top. Tanging blazer lang ang kanyang nahubad at ini-hang niya ito sa silya kasama ang kanyang tuwalya.Samantala...
Maagang umuwi si Pats dahil gusto niyang makita ang sinumang babaeng kasama niya sa bahay. He had this feeling that he would meet that woman.
He wanted the place speckless, spotless. He was the one cleaning the whole house by himself every Friday evening, before he went back to his own house.
Pinarada niya sa garahe ang kanyang sasakyan. Nang matapos ay sinilip niya ang kanyang wristwatch, alas sais na ng gabi. Mas maaga siyang dumating kesa dati.
Binuksan niya ang pinto gamit ang susi na iniwan sa kanya ni Brando. Madilim na sa loob ng bahay at napakatahimik. Matapos sindihan ang ilaw sa sala ay dumiretso siya sa magulong kwartong pinasok niya kanina.
Madilim doon. Binuksan niya ang ilaw at nakita ang pigura ng babaeng nakahiga sa kama. She was lying on her stomach and with her face down across the bed, without a pillow.
His eyes were round in shock. Those legs were quite pretty! He looked at the sleeping figure from feet to head. Her skin was shining with healthy glow. Her long brown hair was tussled in her sleep. The back view alone was pretty and was a beautiful sight for him.
Ngunit hindi niya makita ang mukha nitont nakaharap sa bintana. Lumapit siya upang tingnan ang anyo ng babae, ngunit nabigo siya dahil natatakpan iyon ng buhok nito.
Napalunok siya at ilang beses na napakurap. Her figure looked sexy despite of the respulsive surrounding. He then sighed and quietly went out of the bedroom after he turned off the light.
Hindi man lang natinag ang dalagang natutulog nang mahimbing. Nang marinig nito ang pagtunog ng alarm, hudyat ng paggising nito, pupungas-pungas na bumangon ito. She shed her clothes except her underwear. She went out of the bedroom, carrying her new set of underwear and a towel.
YOU ARE READING
A BURNING DESIRE
RomancePinakiusapan si Pats ng isang kaibigan na okupahan muna niya ang bahay ng fiance nito. Pero napansin niya, nababawasan ang kanyang stocks at parang parating makalat ang bahay kada uuwi siya galing sa trabaho. Na-solve lang ang 'misteryo' nang mamata...