9

1.6K 159 14
                                    












Unedited...










Sabado pero may practice sila sa school ng sayaw kaya maaga pa siyang nagising dahil 7:00 a.m ang usapan ng grupo nila. Suot ang maong pants, plain tshirt at sneakers ay bumaba siya para mag-almusal.

"Good morning, nanay!" masiglang bati niya habang tinatali ang mahabang buhok. Sanay siyang nakatali ang buhok dahil mas na-stress ang ama niyang makita siyang nakalugay. Ganoon din naman ang kakambal niya kaya kung hindi ponytail, kabilaan ang pagtali niya na kaya mas lalo siyang naging bata tingnan.

"Bakit kaya ang liit pa ng boobs ko?" tanong nya sa ina na naghahanda ng pagkain sa mesa.

"Siyempre nagdadalaga ka pa lang."

"Bakit 'yong iba nagba-bra na samantalang ako, babybra pa lang?"

"May menstruation ka na kaya malapit na 'yan. Kumbaga late bloomer ka lang," paliwanag ni Ayesha at inilapag ang nilutong poqui-poqui at kabatiting may miswa na paborito ng asawa.

"Sana malapit na," sabi niya.

"Masyado kang nagmamadali," sabi ni Green Maroon na nakamaong pants at white polo shirt tapos white slip on shoes. Malinis naman ito kaya marunong mag-ingat ng puting damit. Masyadong pormal manamit si Green Maroon kagaya ng ama. Mahilig ito sa polo shirt kaysa tshirt kapag may lakad. Mas lalong pogi ito kapag magsuot ng suit.

Si Orange naman ay pa-cool kid. Mahilig yon sa sombrero, tshirt at minsan ay jacket o sweater tapos tennis shoes. Nagkakaisa lang silang magkapatid sa pangongolekta ng shoes.

"Kain na kayo," alok ni Ayesha at napatingin sa kambal na teenagers na. Ang bilis lang ng panahon, may dalaga't binata na sila ni White.

"Si Tatay?"

"Nasa gulayan," sagot ni Ayesha. "Harvesting ngayon ng onions kaya tumulong siya."

Naghanda na rin siya ng dadalhin niyang merienda. Pagkatapos kumain ng mga bata, dadalhin niya sa mga tauhan ang ginawang ube cheese pandesal at breakfast ni White.

Nang matapo ay naunang lumabas si Fuchsia pero napakunot ang noo niya nang makarinig ng nagbubulungan sa likod ng mayabong na halamanan kaya dahan-dahan siyang lumapit.

"Kasi naman hindi dapat ganyan! Dapat yang malaking pera ang bayad mo," narinig niyang sabi ng isa sa quadruplets na nilalagyan ng lupa ang malakimg truck ng kapatid.

"Eh, mahal naman ng lupa ninyo!" nakasimangot na reklamo ng isa na ayaw ibigay ang pinakamalapad na dahon ng bayabas.

"Ibalik mo ang lupa namin!" sabi ng isa at kinuha ang lupa sa laruang sasakyan.

"Hoy!" malakas na sabi niya kaya nagsitakbuhan ang quadruplets. "Nanay oh, naglalaro na naman ng lupa ang apat!" sumbong niya kaya mabilis na tumakbo ang mga ito patungo sa likuran ng bahay kaya tawa siya nang tawa lalo na nang umiyak ang isa.

"Pinaiyak mo na naman sila!" sabi ni Green Maroon.

"Naglalaro ng lupa eh," sagot niya at sumunod na sa labas para doon na hintayin ang driver na pinapalabas na ang sasakyan.

Pagdating sa paaralan, agad siyang sinalubong ni Chaeya. Nakapalda ito na lagpas hanggang tuhod at brown sandal tapos white sleeveless.

"Ganda ng palda mo," puri ni Fuchsia.

"Mag-skirt ka rin kaya? Makinis ka naman."

"Ayaw ko, magagalit si tatay," sagot niya. Isa pa, mas kumportable siya sa pantalon at tokong shorts.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon