Chapter 9

20 3 0
                                    


PAGKATAPOS kong magpakilala sa mga kaklase ko, umupo na ako sa pwesto ko.

Taon-taon ay nagpapakilala ako sa harap ng buong klase kaya name-memorize ko na ang mga dapat kong sabihin ngayong grade 8 na ako

"I'm Mitchie Annalisa M. Javier, 15 years old and born on June 21, 2003," pagpapakilala ng babaeng nakatayo sa harap.

I looked at her. She has brown skin, a voluptuous body, and that "tomboy vibes."

Umupo naman siya sa tabi ko. "Hi, I'm Mitchie Annalisa. You can call me Mianne," she said then she extended her hands to me.

Inilihis ko ang tingin ko sa kan'ya dahil hindi ko naman siya gustong kausapin. Can't she guess that I don't want to talk to her based on the expression on my face?

"I don't care," saad ko at hindi tinanggap ang kamay niyang naghihintay para sa handshake.

"Okay," mabagal niyang saad na parang biglang nahiya at nailang nang dahil sa isinagot ko.

Hindi ko na siya pinansin at hinarap ko na lang ang cellphone ko at nagbasa ng stories sa Wattpad. My poker face suddenly lit up when I received a chat from Janine. Excited na excited kong tinignan ito.

Janine:
Gala tayo sa SM Rosario after class?

Wala naman akong gagawin mamayang uwian at wala rin naman kaming pupuntahan ng family ko.

I bit my lip as I type my reply. Naka ilang bura na rin ako ng message dahil sa pagmamadali kong mag-type ay nagkakaroon ng typo error.

Aiden:
Sure! Saan tayo magkikita? Sa SM na?

Nakatitig lang ako sa cellphone ko at nag-aabang sa reply niya. I bit my lip harder as I saw that she is already typing her reply.

Janine:
Sa SM na daw sabi ni Rowan, sa tapat ng Miniso sa second floor. See you there! Bye, nagkaklase kasi talaga kami, eh!

Halos umabot na sa tenga ang ngiti ko. Ayos lang na kasama namin si Rowan. Wala na naman akong magagawa kahit na gusto kong kaming dalawa lang ni Janine ang magkasama sa galang 'to.

Aiden:
Okay, see you!

Then I sent the "send" button. Gusto ko sanang maglagay ng "I miss you" kaso nahihiya ako.

"Stop using your phone, Aiden," saway sa akin ng teacher kaya isinilid ko na sa bulsa ko ang cellphone ko dahil baka ma-confiscate pa.

Ilang subjects din ang nagdaanan at wala kaming ibang ginawa kundi ang magpakilala nang magpakilala. Name-memorize ko na tuloy ang mga pangalan ng classmates ko pati ang birthday, address, at cellphone number nila.

Pagdating sa canteen, inilabas ko ang tupperware na naglalaman ng lunch ko sa bag ko. Kahit na grade 8 na ako, pinapabaunan pa rin ako ni nanay ng pagkain. Mas matipid daw kasi at mas marami akong makakain kaysa kung bibili pa ako ng pagkain sa canteen.

Tabi-tabi kaming magkakaklase sa isang mahabang upuan. Medyo marami ring tao sa canteen dahil lunch break na. Nagsimula na akong kumain dahil kailangan ko pang i-chat si Janine pagkatapos kung kumain.

"For you," sabi ni Mitchie at naglapag ng isang bote ng Sprite sa sa tabi ng tupperware na kinakainan ko.

I looked at her. Bakit naman niya ako binigyan ng soft drink? Hindi naman ako naging mabait sa kan'ya kanina kaya nakakapagtaka.

"Thank you," pagpapasalamat ko. I don't want yo be rude.

"I'm Mitchie," saad niya.

Tumango ako at sumubo. Nilunok ko muna ito bago ako sumagot sa kan'ya. "I know."

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon