"May bagong bukas na shop dyan sa malapit. Ano? Tara, punta tayo?" aya ni Creamie, kaklase ko. Agad naman sumang-ayon ang mga kaibigan niya. "Nice.. nice..." napapalakpak pa si Creamie sa tuwa. "Pero KKB tayo, ah."
"Ang defensive mo naman, Crea. Haha." ani Massy. Natawa ang lahat dahilan upang ngumuso si Creamie. "Sinasabi ko lang, nag-aya lang ako pero hindi ako manlilibre." Mas lalong nagtawanan ang lahat at pati ako ay natawa na rin. Pinanood kong asarin nila ang cute na cute na si Creamie. "Ikaw, Lay. Sasama ka ba?" biglang tanong ni Massy. Napatingin ako sa kaniya. "Hoy! Kailan pa siya nakalapit dito?" gulat kong bulong. She smiled at me. Agad kong inisip kung bakit niya ako inaaya. Hindi naman ako kabilang sa kanila, hindi ko sila kaibigan. Pero kahit gano'n, kapag may gala sila ay hindi nila ako nakakalimutan yayain. Ilang taon na kaming magkaklase, ngunit hindi kami naging magkaibigan.
"Rivera! Pinapatawag ka sa Faculty.." sigaw ng SSG President kasabay ng pagkabukas niya ng pintuan. Agad akong tumayo pero muli kong hinarap si Massy. "Sorry, hindi ako makakasama sa inyo." paghingin ko ng paumanhin.
"It's okay. Maybe next time." nakangiting aniya. Bumalik na siya sa mga kaibigan niya at ako naman ay lumapit sa SSG President namin. "Bakit ako pinatawag?" agad na tanong ko. Nagkabit-balikat lang siya. Sabay kaming tumungo sa Faculty. Bakit bigla akong pinatawag? This is very unusual - hindi naman ako pinapapunta sa Faculty kung walang ipapasa school work. No, rephrase - Hindi ako nakakarating sa Faculty kung hindi inutusan ng Class President namin. "Sinong nagpatawag sa'kin?" muli kong tanong habang papaakyat kami sa third floor. Hindi niya ako sinagot. "Nice talking, tss." I mouthed.
"Never let one failure from the past hold you back in the future.." bigla niyang sinabi at napatigil ako sa pag-akyat dahil sa pagkalito sa kaniya. "Huh? Anong pinagsasabi mo, Kuya Pres?" ani ko. Tumigil siya sa pag-akyat at bahagyang pumihit paharap sa'kin. Blanko niya akong tinignan. Ako naman ay nakatingala sa kaniya. Tatlong hakbang ang pagitan naming dalawa at matangkad pa siya, kaya mapapatingala ka talaga. Bumuntong hininga siya at tinalikuran ako. "Wala." aniya at saka nagpatuloy sa pag-akyat. I was left dumbfound.
"Wala? Anong wala?" nalilitong ani ko. Nagmadali akong umakyat upang habulin siya. "Kuya Pres!!!" sigaw ko habang hinahabol sa kaniya. Umugong ang sigaw ko sa hallway dahilan upang sitahin kami ng isang guro. Nahihiya naman akong humingi ng paumanhin. "Sorry po.." at bahagyang nagtago sa likuran ni Kuya Pres. Nag-usap sila ng guro, pinagalitan, to be exact. Puro pagsang-ayon at paghingi ng pasensya ang ginawa ni Kuya Pres. "Winawarningan ko kayo, kapag naulit pa ito. Paparusahan ko na kayo, understood?!"
"Opo, Miss Jeunice.." sabay naming sinabi. Tumango naman ang ginang at sinenyasan kaming umalis na. Agad naman nagbigay galang si Kuya Pres at saka umalis. Ako naman ay mabilis na nagbigay galang saka sumunod sa kaniya.
"Ang ingay mo kasi... ayan tuloy.." may bakas na inis at paninisi ang boses niya.
"Luh! Bakit parang kasalanan ko?"
"Hindi ba?" sarkastikong aniya.
"Hindi naman talaga.." kunot-noo niya akong hinarap. "I mean, hindi ko naman kasalanan lahat. Diba? May kasalanan ka rin, Kuya."
Napatigil kaming dalawa sa paglalakad. "How does it's my fault?" asik niya. Ngumuso ako at saka napangiwi. "Nevermind."
Nauna siyang naglakad sa'kin. "Anong nangyari do'n? Pikon?" patanong ani ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad na kasunod lang niya. "Galit ka ba?" tanong ko pero hindi man lang ako nilingon. "Bakit ka naman nagagalit, Kuya Pres? Eh, totoo naman sinabi ko. Kung hindi mo 'ko tinalikuran nalang matapos mong magbitaw ng salita, hindi kita hahabulin at lalong lalo na hindi ako sisigaw.."
"Tch."
"Luh siya.. hindi ko naman sinasadya 'yon, ah." ani ko. Napailing lang siya. "Teka lang, pinapangunahan mo 'ko. Ako dapat ang galit sa'yo, eh. Kanina pa ako tanong ng tanong pero hindi mo 'ko pinansin."