Preigh's PoV
Nagisining ako sa isang haplos sa buhok ko.
Hmmm, sino kaya humahaplos sa buhok ko?
Dinilat ko ang mata ko.
Si momma lang pala hehe.
"Good morning Leigh!" Bati ni momma sakin.
Napaka bait talaga ni momma, kaya lab na lab ko sya.
"Good morning din momma!" Nakangiting bati ko sa kanya saka umupo at kinusot ang mata.
"Mag ayos ka na Leigh para makababa kana at inaantay kana ni daddy mo." Sabi nya sakin sabay halik sa noo.
"Sige momma, ikaw na po magligpit ng higaan ko." Nakangiting saad ko.
Tumayo ako at saka kinuha ang towel ko at dumiretso sa banyo.
Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang cute kong muka awiee~
"Good day self!" Bati ko sa sarili ko.
Maghihilamos ako ng biglang sumakit ang pulsuhan ko.
"Ahhhh!! Momma—Daddy! Ang sakit!!" Sigaw ko pero walang nakarinig.
Tiningnan ko ang kamay ko na ngayon ay dumudugo.
"A-ayaw ko n-nang dugo!!" Iyak na sabi ko.
God help me!
Agad akong lumabas ng banyo sa kwarto ko at tinungo ang lagayan ko ng damit at saka kumuha ng tela at binalot sa buong pulsuhan ko.
Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang sala.
Huh? Ba't wala sila momma?
Hmmm? Ahh! Alam ko na!
Nagtatago yata sila sa kusina!
Bago ako maka punta sa kusina ay agad na sumakit ang pulsuhan ko at madaming nilalabas na dugo.
"Wag kana kayang lumabas dugo!" Sabi ko dito.
"Ahhh! Honeyyy!!! W-wag nyo gawin yan!" Sigaw yun ni mommy ahh?
*Bang! Bang! Bang! Bang!
Sunod-sunod na putok ng baril.
Napaluha ako sa di iniasahan, marahil ay sumasakit nanaman ang pulsuhan.
Sumilip ako sa kusina at napatakip ako sa bibig ng makitang nakahandusay si Daddy.
"Mmmmmm.....mmmmmmmmm" iyak ko habang nakatakip ng kamay ang aking bibig.
Napa tingin sakin si Momma habang umiiyak.
Sini-senyasan ako na umakyat sa taas.
Kita kong anim na armadong lalaki na nakahawak sa kamay ni Momma at yung iba ay binabaril si Daddy.
Pero kahit ganun ay nagawa pang tumayo ni Daddy at pumunta sa direksyon ko.
Ngumiti sya ng mapait at saka may sinabi sakin.
"L-leigh m-mahal n-n-na ma-hal k-ka n-ni Da-daddy" sabay ngiti ng mapait habang lumalabas ang dugo sa bibig.
Kita Kong naka wala si momma at tutungo sa direksyon namin ni daddy.
"Daddy..... W-wag kang ganyan..." Iyak Kong sabi saka hinmas ang mukha nyang puno ng dugo.
"Mommy si daddy madaya!! Mommy sino ba sila?" Tanong ko Kay mammy.
"A-anak—Leigh. Kahit anong mangyari alagaan mo ang sarili mo mahal na mahal ka namin mg daddy mo." Sabi ni mommy nagulat ako ng bigla syang sumuka ng dugo.
Tumabi sya kay papa at saka niyakap nya iyon.
Tanging iyak lang ang magagawa ko.
YOU ARE READING
Devils University (killing is not a sin)
ActionIsang Unibersidad na puno ng demonyo at, hindi saklaw ng gobyerno. Puno ng dugo at bangkay ang lugar na'to. Isang Dilag, ang magpapabago sa Unibersidad ng mga demonyo. Kung saan papatay sya kung kinakailangan at maghihiganti sa pumatay sa kanyang ma...