Paalis na sana ako ng may marinig akong umiiyak, kaya naman dali-dali akong bumalik upang silipin ito.
"No, no..p-please huwag muna n-ngayon" hagulgol ng babae sa lalaki, hindi ko makita mukha nila dahil na rin sa nagtata-asang mga dahon, pero may napansin lang ako sa boses nung babaeng umiiyak.. kaboses niya si Ate..
"But when?!" Galit na sigaw naman ng lalaki.. infairness ah kaboses niya boyfriend ko, kahit galit ang boses nakaka-inlove pa rin hahaha.
"I-i.. don't know, p-pero huwag muna ngayon.." ani ng babae.
"I love her!.. I love her so much" sagot naman ng lalaki, mukhang love triangle ang pinag-aawayan nitong dalawang to ah?
"You love her so much? Damn! Akala ko mo ba ikaw lang ay may mahal sa kanya ha?! She's my sister! She's my f*cking sister! At alam mo kung gaano ko siya kamahal!, gagawin ko ang lahat ng ikakasaya niya kahit ikaw pa 'yon! Kaya kitang palayain para lang sa kaniya.. para lang sa kapatid ko." Iyak ng iyak na sabi ng babae.. so love triangle nga ito? Kawawa naman pala yung kapatid ng babae so sad.
*KATAHIMIKAN*
Ng wala na akong marinig na sigawan ay napag-desisyunan ko na umalis na pero hindi pa man din ako nakakalayo ay nagsalita na naman yung lalaki.
"Paano kung sa iba pa niya malaman?" Mahinahon na tanong nung lalaki.
"Pag-iisipan ko kung kailan ko sasabihin.."
"Mauna na ako.. sabihin mo na lang sa akin kung kailan mo balak aminin ang totoo kay, Liana" Sabi ng lalaki, nanlaki naman ang mata ko! Kapangalan ko pa!! Hanep naman ohh.
"Huwag kang mag-alala hindi ko din 'to balak patagalin pa" ani ng babae saka sila naghiwalay, agad naman akong nagtago sa malaking puno na katabi ko lang.
At sa hindi mapaliwanag na dahilan ay parang nanlambot ang buong katawan ko at kusa na lang bumagsak ang mga luha galing sa mata ko ng makita ko kung sino ang babae at kausap nito..
Ang ate ko, at ang boyfriend ko
At isa lang ang ibig sabihin nito.....
May nakaraan silang dalawa.
BINABASA MO ANG
His ex-girlfriend (SOON)
RomanceLove at first sight? iyan ang naramdaman ni Liana ng una niyang makita ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya, pero paano kung ang lalaking 'yun ay may tinatago pa lang sikreto na ikaw mismo ang makakabunyag, kakayanin mo kaya? Paano kung mismon...