*Andrei's VP*"Hay, malapit na mag end ang semester, ang saya saya naman!" Masayang sabi ko.
Kasama ko ngayon si Alex at Kurt, as usual. Hehe. Pero minsan kasama namin si Keann. Eh kasi diba nga boss ko siya.
"Hay oo nga eh, gusto mo bang sumama sa akin sa Japan bebe, pinagbabakasyon kasi ako doon eh. Ang boring naman kung mag isa lang ako." Sagot naman ni Alex.
"Hindi pwede, dito lang si Andrei, hindi niya ako iiwan." Sabi ni Kurt sabay harap sa akin. "Diba bespren" with the makaawa face pa.
Oo nga pala, bespren na ang tawagan namin ni Kurt, nainggit kasi siya sa amin ni Alex eh, bakit daw babe ang tawag ko kay Alex at bebe ang tawag niya sa akin.
Alam niyo naman na yung
Babe eh Baby Best friend at
Bebe is for Best Bestfriend Ever. Haha
"Ano ba kayo, aso't pusa parin. Kung hindi ko nga lang nalaman na somewhat related pala kayo eh pagkakamalan ko kayong magjowa" sagot ko.
Nalaman ko kasing pareho pala nilang pinsan si Rios. Si Alex sa Mother side, si Kurt sa father side naman.
"Bebe!"
"Bespren!"
Magkasabay na sabi nilang dalawa. Naku highblood agad.
"Pero siyempre joke lang yun, hahaha. Alam niyo namang hindi ako makakaalis kasi medyo hirap pang maglakad si mama. Ayoko rin naman siyang iwan." Paliwanag ko.
"So paano ba yan, I win!" Masayang sabi ni Kurt.
"Whatever!" Masungit na sabi ni Alex. Ayan nagtampo na.
"Pero Alex, sag--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla akong higitin ni Keann.
"May urgent meeting with the Madrigal's" sabi niya.
Sa totoo lang hindi na ako nagulat sa ganitong scene. Madalas kasi mangyari ito eh, nasa school kami tapos biglang magkakaroon ng urgent meeting o di kaya may kailangan tapusin para sa deadline.
Kaya madalas bigla nalang akong hihilahin ni Keann mula sa mga kaibigan ko, kasi dahil nga sa business matters. Hindi na rin bago kila Alex yung mga pangyayaring ganito.
Nakakapagod, Oo pero worth it naman. Nagkalaptop pa nga ako in an instant dahil dito eh, binilhan kasi ako ni Keann. Para daw kahit nasa daan may magagamit ako.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
RandomSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...