CHAPTER EIGHT

111 4 1
                                    


SPUR of the moment. Gustong isisi ni Nikon ang lahat ng kanyang mga nagawa sa spur of the moment na tinatawag pero alam niyang hindi sasapat ang paliwanag na iyon para bigyan ng magandang rason ang mga taong maaaring naguguluhan sa ginagawa niya ngayon.

Apparently, tatlong tao ang magagalit sa kanya: Siya sa sarili niya, Si Canon at si Tutti.

Pasimple niyang nilingon ang dalaga na hindi na nagsalita mula nang pagbantaan niya ito kanina. Galit yata. Siyempre, Nikon. Sinong hindi magagalit sa mga ginawa mo kanina?

May rason naman si Tutti kung magagalit ito sa kanya. Eh siya? Wala siyang maaaring idahilan sa mga ginawa niya. Basta nang makita niya si Canon na naghahada kanina, naging matindi ang usig ng kanyang konesnsiya na sundan ito.

And follow he did. Nakita niya kung paano nito sinundo si Tutti, dinala sa mall at binihisan. He could swear he felt his heart jump a beat faster when he saw Tutti wearing the dress walking in the crowded place looking so out of place. Parang gustong gusto niyang hilahin doon si Canon at ipalit ang kanyang sarili.

Pero nang makita niya ang ginawa nitong paghalik kay Tutti sa parking lot, hindi lamang niya gustong hilahin si Canon noong mga oras na iyon—he wanted to punch his own brother and put him in a bottle where socan easily throw him into the sea.

Pinigilan niya ang kanyang sarili na lumapit sa dalawa. He was successful until he saw them holding hands in the restaurant. Ewan niya, para kasing bigla nalang nawala ang lahat ng rason sa utak niya nang makita niyang magkahawak ang mga kamay nito. The same reason kung bakit walang babalang dinala niya si Tutti sa sasakyan niya.

Speaking of, wala naman talaga siyang planong kunin si Tutti. Pero ngayong naririto na sila, saan niya dadalhin ang dalaga?

He'd be creating a huge mess because of his actions. Pero sa totoo lang, parang balewala ang lahat ng iyon ngayon sa kanya. He felt as if for the first time in the longest time, nakahinga siya nang maluwag.

Tutti was all he needed to breathe. Hindi nakakasuffocate. Walang pag-aatubili at pamilyar.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi alam ni Nikon kung biyaya ba iyon o hindi. But when he saw a motel nearby, he chose the first option. It was a  blessing in disguise for the time he wanted to have with Tutti.

BEING with Nikon was like drowning herself in the water of a complete abyss. Alam na niyang delikado, ngunit heto, parang willing na willing pa siyang magpakalunod.

Gusto niyang sisihin ang kanyang sarili sa hindi niya pagprotesta dahil sa banta nito na kung tutuusin ay kayang kaya niyang soplahin, but she chose to be quiet and be with him.

Kahit kalian, may mga bagay talaga tayong sinasabi na hindi yata kayang gawin. Like moving on as it was always easier said than done. At kung siya ang tatanungin, para siyang tangang gumagawa ng mga bagay na hindi niya iniisip ang mga magiging konsekwensya.

"This is your fault," paninisi niya kay Nikon. Gustong gusto niyang magpaulan pa ng mga paninising salita, ngunit ano pa nga ba ang magagawa nila ngayon? Dahil sa lakas ng ulan, kinakailangan nilang huminto ni Nikon sa nadaanang motel.

It would be okay if they have separate rooms—pero dahil hindi naman ganoon ka operational ang motel, iilan lamang ang kwartong maaaring tulugan. And they already got the best room in the place. Iyon nga lang, magkasama sila sa iisang kwarto.

"What?"

"Kung hindi ka naki-alam, kung hindi mo ako kinaladlad mula sa restaurant, wala sana tayo dito!" Asik niya.

Picture of Love Trilogy Book 1: Nikon's Tutti FruityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon