Ano nga ba ang mathematics?
According to what I've read it is the abstract science of number, quantity, and space.
It came from the Greek word máthema which means knowledge, study, learning.
It's the study of topics such as quantity (number), structure, space, and change.
Ngunit bakit marami ang ayaw sa asignaturang ito? Dahil ba kadalasang nakikita dito ay numero? Hindi lang naman numero ang makikita dito ah! May makikita rin naman kayong simbolo at letra.
Hindi naman siguro ito ganun kahirap knowledge, study & learning nga 'diba? At ang lawak kaya ng scoop nito. Hmp! And take note ginagamit pa natin ito araw-araw, o 'diba useful.
Hindi rin naman ito masyadong komplikado. Hindi mo na nga kailan mag memorya kapag darating ang pagsusulit sa asignaturang ito. Ang kailangan mo lamang ay calculator, kopya ng formula, panulat at sulatan, no pressure and hassle, 'diba?
At tsaka exciting kaya ang subject na 'to, hindi boring dahil napaka challenging.
Well, hindi naman ako math geek, dyosmi!
Mahilig lang talaga akong mag-isip ng mga bagay na minsan ay nakakasakit ng ulo. 'Yung parang bibiakin ang ulo mo dahil sa sobrang pag-iisip.
Magaling ako sa math noong 1+1= 2 pero naging bobo nang ipa prove na ito sa akin.
Pero kahit hindi ako magaling sa asignaturang ito gusto ko pa rin ang Math. Cute kasi tapos astig pa.
- Ѽ 013015
Disclaimer:
Lahat ng napapaloob dito ay nahanap, nabasa at nahagilap ko lang sa internet at mga aklat. Credits to the rightful owners.
Ginawa ko ito para ipakita na hindi mahirap ang asignaturang ito. Kailangan lang itong intindihin upang makuha ang sagot. At ang pinaka goal ko is to show that Mathematics is fun.