COFFEE WITH CREAM

23 2 0
                                    

Five missed calls from Angel alone. Siguradong galit na galit na yun, ayaw pa naman niyang pinaghihintay ng matagal. May three messages pa. Nauna na nga siya sa opisina at duon nalang daw kami magkikita.

"Sabi ko na nga ba nainip e. Hindi na nakapaghintay."

Nasa CR na ako at nagmadali ng magbihis. Ten minutes nalang. Naghiwalay na kami ni Keeno sa entrance. Muntik na niyang makalimutan ang mga folder niya sa bag ko kung hindi ko pa pinaalala sa kanya.

"Yung mga dala mo dito sa bag ko." Sabi ko sa kanya ng magpaalam na siyang mauuna na. Parang nagdadalawang-isip pa kung aalis o hindi. Nadala din siguro sa romantic moment namin sa kalsada. Ayyiiee.

Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ko sa elevator.

"Ang harot naman ng mga galawan mo ngayon bakla. Para kang bulate na binudburan ng asin ah." Pansin ko sa hindi mapakaling kilos ni Angel na nag-abang sakin pagpasok palang ng office. Hindi ko mawari kung kinikilig o naiihi ang taong to e.

"Huwag ng maraming tanong kumare at malalaman mo din kung bakit. Kung ikaw siguro ang makakita sa kanya, baka sobra pa sa bulate ang galaw mo."

"Ha? Sino, yung bagong PL ba natin? Nandito na siya? Sunod-sunod na tanong ko habang naglalakad kami.

"Oo, kaya bilisan na natin at nandun na silang lahat." Literal na kinaladkad ako ng binabae na'to papunta ng conference room. Buti nalang at na ready ko na ang sarili ko.

Tinted ang salamin na naghahati sa conference room at sa mismong production area kung saan nakapwesto kaming mga empleyado. Tinted na, sound proof pa kaya hindi makikita at maririnig ang mga tao sa loob. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng magpahabol pa ng bilin si Angel.

"Kung anuman ang makita mong magandang tanawin diyan sa loob, alalahanin mong akin lang yun ha." Natatawa ako't napapailing nalang ng binuksan ko na ng tuluyan ang pinto at sabay pasok sa loob.

Pagkapasok ay agad gumala ang paningin ko sa mga taong nandun na at nakapwesto sa kani-kaniyang upuan paikot sa parihabang lamesang kahoy. Kulang dalawampu ang tantiya ko sa lahat. Tama nga si Angel, kami nalang dalawa ang hinihintay dahil saktong dalawang upuan nalang ang bakante. Nagbigay galang kami sa mga nandun at huminge ng paumanhin. Pinili ko ang sa pinakadulo na katabi ng isang babaeng mukhang mabait. Sumunod naman si Angel sa tabi ko. Kakilala ko na ang karamihan dahil minsan ko na din silang nakasama sa mga projects. Nandun din syempre si boss Cleoh, our current Supervisor. Ang iba ay pamilyar lang ang mukha pero hindi ko alam ang pangalan. Sa lahat ng taong nanduon ay natutok ang mga mata ko sa isang hindi ko makita ang mukha. Nakapwesto siya opposite sa pwesto ko at nakayuko na parang may kung anong ginagawa sa baba ng lamesa. Naka pink polo short, broad shoulder. Teka, wait. Bigla akong natigilan sa realization na yun.

Oh no, siya nga kaya to? Huuyy, ano ba, umupo ka nga ng tuwid, ano ba ginagawa mo diyan sa baba ng mesa. Pa suspense naman to. Ramdam kong siya si Kapeng Barako e. What a coincidence pag ganun.

"Hello baby."

Napaigtad ako ng may bumulong banda sa kaliwa ko. Ang alam ko babae ang katabi ko dito pero bakit boses lalaki? At ano daw? Baby? Biglang lipad ng paningin ko sa nagsalita.

"Kelvin." Nasambit ko pa ang pangalan. Sana walang makarinig. Ang ingay ko.

Siya si Kelvin Begonia, certified womanizer at sikat na dito sa company because of his image, I mean, bad image. Pero sabi nila, dahil daw sa akin kaya siya nagbago. Hindi na siya tumitingin sa ibang babae. Magandang balita. Ang masama lang dun, sakin na siya naka focus ngayon.

"Why are you late baby? I have been calling and you didn't pick up." Hirit pa nito. Nakita kong napatingin yung babaeng katabi niya sa amin. Siya kanina ang nakaupo dito nakipagpalit pala si Kelvin. Nakakahiya naman sa babae.

KWENTONG KAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon