CHAPTER 10

4 0 0
                                    

Ell POV

Last subject na kami nakapasok ni Nial dahil nga nasaraduhan kami ng pinto kanina.

"Uyyy, sa'n kayo galing??" Kantiyaw ni Drea nang maka-upo na ako.

Inosente ko s'yang tinignan.

" D'yan lang naman.." I replied, lumapit s'ya sa'kin at mapang-asar na ngumiti. What's wrong with her?

"Atin atin lang 'to, promise 'di ko ipagkakalat.." kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.

"What?"

"Alam kong may gusto ka kay Nial, pero 'wa--"

"Ano??? Hell no!!!" Mabilis na sagot ko. Kumunot ang noo n'ya at pinanliitan ako ng mata.

"Eh ano pala?"

"Look, Nial is my best friend. Tsaka wala akong gusto sa kan'ya, kaibigan lang!" Sagot ko. Tumango tango s'ya ngunit nakangiti pa rin s'ya,"Hindi nga sabi!!!!" Tumawa s'ya at nag-okay sign.

Bumuntong hininga ako. Bakit n'ya 'yon naisip? Grabe naman 'yon! Nakakakilabot. Grrr! Lumingon ako kay Nial na nakikipag-usap na kay Dre, mukhang okay na s'ya.

Well, ideal type naman si Nial. Mabuting lalaki naman s'ya kaya may chance na magustu... Hindi, hindi! Pinilig ko ang ulo ko at umiwas na ng tingin. Ano ba 'tong iniisip ko?! Kasalanan 'to ni Drea.

"Sa'n ka galing?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng sumulpot si Kiel sa tabi ko.

"Nakakagulat ka naman!" Reklamo ko. Hindi n'ya 'ko pinansin at seryoso lang na nakatingin sa'kin.

"Saan?!" Napalunok ako, parang galit s'ya.

"S-Sa Cr.." umiwas ako ng tingin.

"Kayo ni Nial?" He asked again.

"Nandyan na pala si ma'am.." pag-iiba ko ng usapan. Umayos ako ng upo at hindi na umimik. Nakakatakot s'ya ngayon, parang any minute dudurugin n'ya ako.

Kasalukuyan akong nakahiga at nakatitig lamang sa kisame. Hindi ko alam kung bakit nakatulala lang ako. I don't know, I just.. you know. Well, never mind.

Do I need to be like this? What if...


"Ell..." Napabalikwas ako nang marinig ang boses ni Mama.

"Ma! B-Bakit?" Gulat ang tono ko. Nag-taka si mama at lumapit sa'kin.

"Bakit parang gulat ka?"

"Eh kasi po bigla na lang kayo sumusulpot.." I replied. Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili ko. Hindi naman siguro... Na may alam na si mama?


"Hindi ka na nag-kukwento sa'kin tungkol sa school, kamusta?" Mama said. Napalunok ako.


"Uhm... Okay po, okay lang!"

"Is it true? Kapag may time ako, vi-visit ako sa school mo.." nataranta ako sa sinabi ni mama.

"Hindi na po kelangan, Mama. Okay lang po.." bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na baka malaman na ni mama kung ano ba talaga ginagawa ko sa school, na hindi ko sinunod ang sinabi n'ya.


"Basta ha, ang sabi ko.. 'wag makikipag-kaibigan at maging masungit.." pag-papaala pa n'ya. Tipid akong ngumiti at tumango,"O s'ya mag-pahinga ka na.." ngumiti ako at hinalikan s'ya sa pisngi.



Tahimik lang akong pumasok ng school, inaalala pa rin ang pag-uusap na nangyari kagabi. Ayon naman talaga ang dapat na ginagawa ko, bakit biglang nag-iba? Pa'no kapag nalaman ni mama? Hindi, hindi p'wede!

Drowned by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon