The suffering
I never thought that I'm at this moment in my life right now. Where I feel so complete and contented. Like I have reach my own peak.
Having the man I love beside me with the people who treat me as their family are perfectly enough for me to say that I have lived my life well.
But I still can't escape from the reality that I have a great responsibility waiting for me everyday.
Kaya bumangon na 'ko sa kama ko at saglit nagdasal saka naligo.
Nasabihan ko naman si Mnemosyne kagabi kaya't maaga s'yang nakapagluto ng agahan.
"Good morning Mrs. Andervano," bati n'ya sa 'kin. Napangiwi na lang ako sa kan'ya.
"Good morning too, Mrs. Mennet," bati ko sa kan'ya pabalik gamit ang apelyido ni Greg.
"Oh well let's eat, mamaya na daw si mang Erwin," wika n'ya. Tumango na lang ako bilang sagot.
"M I really wonder, kung bakit hindi ka na lang nag chef?" Tanong ko matapos tikman ang niluto n'ya.
She's a good cooker. Lahat ata nang niluto n'ya kahit ano pa mang putahe ay walang pinagkaiba at parehong masa-sarap. Siguradong napakaswerte ni Greg.
"I prefer holding guns before, but I prefer holding a patient now," sagot n'ya. Nagkibit-balikat na lang ako.
Minadali ko na ang pagkain kahit ayaw ko dahil gusto kong namnamin ang sarap. Pero wala na akong magagawa dahil narito na si Zalysha kasama sila Emmanuel at Erick.
Nang sulyapan ko ang relo ko ay alas-sinco na nang umaga.
"Kumain muna kayo," yaya ko sa kanila. Pero mariin silang tumanggi dahil tapos na raw sila.
Makalipas ang ilang minuto ay sabay-sabay na kaming lumabas sa bahay.
Gusto pa sana nila Emmanuel at Erick na dagdagan ang bilang nila bilang bodyguards, pero tumanggi na ako. Kaya ko namang protektahan ang sarili ko. I'm not Eurydice for nothing.
Papasakay na sana kami sa van nang marinig ko na ang tunog ng sasakyan ko. Kanina ko pa rin naman s'ya hinintay.
Gaya nang nakaugalian ko sa kan'ya ay sinalubong na naman n'ya 'ko ng isang napakagandang ngiti, kasama ang berde n'yang mga mata.
Sabay na bumati at sumaludo sa kan'ya si Emmanuel at Erick. Tinanguan n'ya lang ito bilang sagot.
"Good morning my President," hindi na ako nagulat pa sa titulong ginamit n'ya sa 'kin sa pagbati. There's always a 'my'.
"Good morning, ilagay mo na lang sa garahe ang kotse," kaswal kong wika. Tumango lang naman s'ya sa sinabi ko, saka sinenyasan ang driver n'ya.
"By the way, I forgot to tell you last night. I'm heading to a UN meeting," wika ko sa kan'ya.
He simply nodded to me as a response like he already know about it.
"We're leaving to the airport, maiwan na kita General thanks for returning my car," wika ko saka sinenyasan na sina Erick at Emmanuel.
"Wait, dito ka na sumakay ma'am," mapangloko'ng wika ni Styyx dahilan para kumunot ang noo ko.
"Huwag na malayo ang headquarter n'yo sa airport," pagtanggi ko sa kan'ya. Pero nanatili s'ya sa 'king nakangiti.
"It's okay baby I can drive you to there," nakangiting wika n'ya.
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa pagtawag n'ya sa 'kin.
Ibinaling ko ang tingin ko sa mga nagtatakang si Emmanuel at Erick.
"Yes, we're in a relationship," matabang na wika ko para hindi na sila maguluhan pa.
BINABASA MO ANG
Pearl Of The East | ✓
Aksi"Country first before anything. My gun is my man." Hezekiah Eurydice de Lara was once a Lieutenant in the field of military, who fortunately became the Philippines' second female President, and as the mother of her first love. She's known as a fearl...