Huling Paalam

22 2 0
                                    

Tila nakita ko ngayong ikay masaya
Malaya
Ramdam ko ang ligaya mo kahit akoy malayo
Mga mata moy nagsasabing "OKAY NA AKO" kahit wala na tayo.
Sinubukan kong makita ka, mayakap man lang, nag aabang at sabihing "ANDITO PA RIN AKO NAHIHINTAY SAYO"
Kahit pinaparamdam mo sa akin ang kirot ng aking damdamin sa tuwing di mo nako pinapansin.
Pinilit ko pa to ayusin, pinaglaban pero parang balewala nalang.

Masakit-Mahirap
Akoy litong-lito
Diko alam ano ang susundin ko
Oo mahal kita sobra pero isip ko ay ayaw na!
Tahan na - Tama na!
Ngayon, naiintindihan ko na
Sa iyong paglisan akoy dimo pinaglaban.

Sana
Sana mabigyan ako ng pagkakataong makita ka at masabi ko sayo ang salitang "SALAMAT at PATAWAD".
Mahal kita kaya salamat
Salamat kasi binago mo rin ako.
Salamat kasi natuto na ako.
Salamat sa pagmamahal binigay mo.
At patawad kung diko na matutupad ang ating mga pangako.

Mahal pa rin kita hanggang ngayon.
Alam ko mahirap kang bitawan
Pero KELANGAN
Ito lang ang tanging paraan para mahanap ko rin ang aking kaligayahan.
Hanggang dito nalang.
Hanggang sa muli aking mahal.
PAALAM.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling Paalam Where stories live. Discover now